CHAPTER 15

3.2K 62 0
                                    

Maxine's POV:


" Maxine ngayon na ang presentation niyo nung Ace diba? " Tanong ni vince sa akin.

" Yeah " Maikling sagot ko sa kanya habang kumakain ng breakfast ko dito sa cafeteria.

Iniisip ko rin iyong mangyayari mamaya sa tingin ko naman ay magiging maayus ang kalalabasan nun.

" So max good luck mamaya " Sambit naman ni Trixie at nag pa-advance good luck na sa akin habang nag me-make up, bakit ba palagi siyang nag lalagay ng mga iyon sa mukha niya.

" Yeah ate maxine good luck sa inyo ha at good luck dahil kasama mo... ay hindi pala kasama KAPARTNER mo pala iyong ACE good luck talaga " si Kath na enempasize pa talaga iyong Partner at pangalan ng hinayupak na iyon.

Sana lang talaga ay maging maayus ang presentation na iyon kung hindi man hindi ko na kasalanan yun. Wag lang talaga pairalin ng tukmol na yun ang kasamaan ng ugali niya at baka hindi niya magutuhan ang presentasyong ito. Medyo abnormal pa naman ang taong yun.


 *** PRESENTATION ***


NANDITO na kami ngayon sa presentation room at nag hahanda na kami ni Hukluban para sa presentation na gagawin namin, inihanda na namin iyong mga kailang video photos, at maging iyong powerpoint na ginawa namin para ng sa ganoon ay tuloy tuloy ang pag discuss namin nun. Kailangang pakisamahan namin ang isa't isa para sa bagay na ito.

" Mr. Deguzman and Mrs. Choi you are ready ? " Tanong ni Mrs. Padilla ng maka pasok ito mula sa kwartong kina lalagyan namin.

" Yes Mrs. Padilla " Sambit naming dalawa ni Ace. Sana lang talaga ay maganda ang kalalabasan ng presentation na ito. Dahil kailangang hindi kami mabulilyaso sa pag kakataong ito sana ay makisama siya kahit ngayon lang. Masyadong malalim ang iniisip ko mula sa kalalabasan ng bagay na ito mamaya.

" So lets start this presentation " She's said at tumango naman kami bilang sagot.

Nandyan na rin ang mga judges na makikinig sa presentation na ginawa namin at iyon ay sina Mrs. Secretary Joy Suico , Mr. Benitez at Mrs. Salvasion sila ang mga judges na makikinig at mag sasabi kung maganda ba ang ginawa naming pag hahanda para sa Class project na to.

" You ready "  Ace ask me and I nod at him as my answer.

Napag pasayahan na naming mag simula upang ng sa ganoon ay mas mabilis namin itong matapos at sana ay maging maayus ang presentation na ito, lalo pa't kaming mag kaaway ang mag ka-partner sa class project na ito. Hindi ko talaga inaasahan ang bagay na ito, mula pa nung una.

" Good morning to all of you were here to represent our presentation about anti drugs we hope you like this presentation " Sambit ko na maski konting kaba ay nakakaramdam na ako na hindi naman nararapat. Masyadong tutok ang mga mata nila sa akin maging kay Ace, kaya naman nakaka dagdag pressure ang bagay na iyon.

" Ang drugs ay ang mga uri ng mga ipinag babawal na gamot gaya ng marijuana o 'Mary jane' , shabu at kung ano ano pang drugs na nakakasama sa kalusugan ng tao, lalo na sa pag iisip ng gumagamit nito. Ang mga nagiging posibleng epekto ng mga ipinag babawal na ito ay ang mga nakikita niyo mula sa screen this picture is a man na may lung cancer sanhi ng paninigarilyo na alam naman nating lahat na may halo itong tobacco o marijuana kung tawagin, ang paninigarilyo ay lubhang nakakasama sa katawan ng sino mang gumagamit nito. Mas lubhang delikado ito para sa mga taong hindi gumagamit nito, na nakukuha lamang sa pag langhap sa mga taong maaaring nasa paligid ng sino man. Tinatawag silang second hand smoke, ang mga taong hindi naninigarilyo pero nakaka kuha ng ano mang sakit mula sa usok na dulot ng sigarilyo. Isa sa mga dahilan kung bakit marami ang nag kakasakit sanhi ng sigarilyong alam naman ng lahat na hindi maganda sa kalusugan ng tao. " Pag papaliwanag ni Ace na halata ring kinakabahan ito pero hindi niya iyon ipinapahalata, ni hindi nga siya humuhinto sa pag sasalita. Para bang minamadali niya ang report na ginagawa namin.

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon