CHAPTER 77:

2K 55 3
                                    


Maxine's POV: 

Tahimik na naka upo lang kami sa Bleachers ng hospital. Kung saan hinihintay namin ang resulta, masyado naman kabado ang ina. Hindi ko akalaing matapos nyang makapag tapos sa kuraong kinuha, sa simpleng lagnat lang ng sariling anak ay hindi nya naaalala ang tinapos. Hindi ko naman masisisi dahil, sariling anak nya ang nasa ganitong sitwasyon. Mabuti na lang at nandyan si Hukluban at patuloy na pinapagaan ang pakiramdam ng kapatid.

 "Hon." Sigaw ng isang pamilyar na boses. Si Enzo, mabilis na tumayo si Sam. At sinalubong ng iyak ang asawa. I really hate this, lalo na kapag nakakakita ako ng umiiyak.

 "Wifey." Tawag sakin ni Ace. Hanggang ngayon ay kinikilabutan parin ako sa t'wing tinatawag nya ako sa ganyang endearments. Hindi ako sanay. 

"Hmm." Tanging ungot lang ang naisagot ko. 

"You okay?." Tanong nito. Nag taka naman ako, kung bakut ganon na lang sya kung maka tanong. 

"Ha?." 

"Yong noo mo kase naka kunot." Turo nya sa noo ko.

 "Nothing may naisip lang ako." 

"Gaya ng ano?." Pangungulit nya. 

"It's nothing." 

"Okay. Can we buy some drinks and food. Bigla akong nagutom." Aya nya saking bumili ng makakain. Anong iras na rin naman, tanghali na at oras na para sa tanghalian. 

"Okay." Sagot ko na lang. Nakita ko pang nag paalam sya, tyaka nya ako yinayayang lumabas. Kotse nya ang ginamit namin, hindi na naman ako nag reklamo. Dinala nya ako sa isang fast food chain at doon umorder sa drive thro. Nang matapos ay tyaka kami bumalik sa hospital at niyaya silang kumain. Nang matapos ay nag pasya na kaming umuwi ni Ace at naiwan ang mag asawa. Sinabihan pa sila ni Ace na balitaan para sa resulta. Tumango lang naman sila at nag paalaman sa isa't isa. 

"Mag iingat ka pag uwi." Sambit nya ng tuluyan na kaming makalabas ng hospital. 

"Hmm." 

"Wag mag madali sa pag mamaneho, wag masyadong mayabang sa pag da-drive ha." Nag aalalang sambit nya pa. Sa t'wing ganyan sya ay natutuwa ako, napaka babaw nya kaseng mag bikin. Para bang wala syang tiwala sa akin.

"Ikaw din mag iingat ka. Balitaan moko tungkol sa lagay ng bata." Sambit ko pabalik. 

"Oo. Pag uwi mo tawagan moko, para alam ko kung naka uwi kana. Pasensya na at hindi kita maihahatid, ayaw mo namang mag pahatid sakin. Dahil dyan sa motor mo." Turo nya sa motor kong naka parada. 

"Susubukan ko." Sumimangot sya.

 "Wag mong subukan, gawin mo. Kundi malalagot ka sakin." Parang batang pag babanta nya, natawa naman ako ng bahagya sa iniaasta nya. 

"Tigilan mo yang pagiging isip bata mo, hindi angkop sa edad mo." Ngising suway ko sa kanya. 

"Tsk!. Ngumisi kapa. Hahalikan kita dito." Banta nya, kaya naman pigil ang ngising nanahimik ako. Umakyat agad ang sarili kong dugo mula sa ulo ko. 

"Namumula kapa." Pansin nya sa mukha ko. 

"Masyadong mainit lang ang panahon." Pag dadahilan ko. 

"Mainit nga ba o kinikilig ka." Ngumisi sya ng nakakaloko. Ipag pipilitan nya nanaman yan panigurado. 

"Kahit minsan hindi." Nawala ang ngiti nya. Dahil sa narinig. Hindi kaya tignan ng mata ko ang lungkot sa mata nya sa t'wing ganyan sya. 

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Where stories live. Discover now