CHAPTER 73:

2K 46 0
                                    


Maxine's POV: 


 Nagising ako dahil sa sakit dulot ng pag kakadiin sa hita ko, pigil ang ungot na daing ko.

 "Mabuti naman at gising kana. Masyado kang nag papaka prinsesa!." Halata ang inis sa tono ng pananalita nya. Masyadong pamilyar ang boses nya, hindi ko lang maalala kung kanino at kung saan ko ito nadinig. 

 "Ganito ba kayo sa mga dinudukot nyo." Wala sa hulog na tanong ko habang ang paningin ay nasa madilim na parte ng abandunadong lugar na ito.  "Oh. Baka naman, mali kayo ng napurnadang kidnap-en." Dugtong ko pa tyaka tingin sa taong kaharap. 

 "Sa dami ng araw ay ito pa ang napili nyo'ng oras, masyado atang importante sa inyo ang araw na ito. Hindi kayo marunong lumaban ng patas kung ganon." Kalmado paring sambit ko. 

 "Kung inaakala mo ay papakinggan namin ang mga pinag sasabi mo. Mali ka, dahil una sa lahat ikaw talaga ang pakay namin. At hindi ang babaeng kasama mo, kani-kanina lang." Tukoy nya kay Aimee. Kanina kase bago nila gawin ang plano nila ay napansin kong may sumusunod kay Aimee, kaya naman agad ko syang nilapitan para protektahan. 

Hindi ko naman akalaing ako pala ang tinitiktikan. 

 "Ako palang talaga." Ngising sambit ko na lang. Tyaka inilibot ang tingin.

 "At ano naman kaya ang pakay ng leader nyo sa akin, mukha kaseng kita sa kanyang gigil na gigil syang pag higantihan ako." Natatawa ko pang tanong. Mukhang medyo naiinis na sya sa naging asta ko, hindi ko kaipangang ipakitang natatakot ako. Ni hindi iyon ang nararamdaman ko, ang nasa isip ko lang ngayon. Ay ang mokong kong boyfriend, nasa bokabolaryo ng isang yon ang salitang pag aalala. Ramdam ko parin ang sakit ng bugbog kong katawan, masyadong marami sila. At hindi ko nagawang depensahan agad ang satili ko. 

 "Oh. Baka naman sa inyo ako may atraso."

 "Sabihin na lang natin na, oo sa kanya ka may atraso at hindi sa amin." Lumuhod sya para mag pantay kami. 

 "Pero sa tingin ko ay ganon din sa akin." Ngingising tumingin sya sa akin ng deretso. At ano naman ang atrasong sinasabi nya. 

 "Mukha kang inosente sa mata ng ilan, pero sa aming halang ang bituka ay hindi." Dugtong nya pa, habang hinihimas gamit ang daliri nya ang pisngi ko. 

 "Atrasong sa tingin ko ay hindi mo maisip kung ano, atrasong ikaw mismo ang dapat na nakakaalam non." Umupo sya sa harapan ko, at doon ay kinalikot ang mga daliri nya.

"Magaling kang mag maang maagan, mukhang mali ang pag kakaakala kong madali kang basahin." Ngumisi sya. Tyaka ako pinahapyawan ng tingin bago ibalik sa ginagawa ang tingin.

 "Ang kaso..." Huminto sya sandali. 

 "Para sakin ay hindi." 

 "Kung ganon pala ay masasabi kong isa kang duwag, kung titignan mo ay hindi tamang pahirapan nyo ako habang nakatali ang mga kamay at paa." Alam kong nakaka insulto, pero sinadya kong sabihin yon. 

 "Hindi kami gaya ng nasa isip mo."

 "Pero yon ang nakikita ko, sa tingin ko... Natatakot kayong maka kita ng katapat, masyadong makasarili ang gawaing bugbugin ang dinukot nyo habang walang kalaban laban." Napa ngisi ako. Totoong itinali nila ako, kung kaya ang lagay ay dehado ako. Ni hindi ko naagapan ang pag papaamoy sa akin ng pampatulog gamit ang panyo.  

"Bakit hindi kayo lumaban ng patas."

 "Hindi kami hangal!, hindi kami uto-uto."

 "Ganito pala kaseng talaga kayo lumaban, Claire De Vera. Tama ba ako?." Ngising pag siwalat ko sa pangalan nya, noong una ay hindi pako sigurado pero ng mag tagal ay nakikilala ko ang mga kilos nya at galaw. Nakita ko pang nagulat sya sa pag banggit ko sa pangalan nya.

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Where stories live. Discover now