CHAPTER 71: HEART PAIN (Part II)

2.1K 61 0
                                    


Maxine's POV:


 "LETS end this. I'll set you free." mabilis na kumalas ako mula sa pag kakayakap nya, ng sa wakas ay matagumpay akong ma kawala sa kanya. Sa una ay ayaw nya pang bitawan ang pag kakahawak sa kaliwa kong kamay, pero kalaunan ay nabitawan nya ng bigla kong bawiin yon sa kanya.

"Please." Pakiusap nya pang muli. 

"Hindi ko kayang gawin mo to. Ayusin natin to."

 "Naisip mo ba ang mararamdaman ko kapag ginawa mo to. Hindi diba, ngayon sino ba sating dalawa ang higit na nasaktan." Nakatalikod sa kanyang tanong ko. 

"Hindi ko intensyong saktan ka, buong akala ko ay ikaw sya." Patungkol nya kay Claire. 

"Malandi na pala ang pag kakakilala mo sakin, kase kung ganon hindi mo pa nga ako lubusang kilala. Dahil hindi ako gaya nya na makati pa sa higad, iba ako Ace iba ako hindi ako gaya ng nasa isip mo. Na gagawa ng hindi tama, hindi ako gaya ng mga babaeng kapag inaya ay sasama agad. Iba ako at yon ang inakala kong kilala mo. Na malayong malayo sa ibang babaeng nakilala mo." Inakala nyang ako ang babaeng kasiping nya, ni hindi ko maisip na hindi nya naisip na hindi ako ganong klase ng babae. Hindi ko maintindihan kung dapat ba akong maniwalang hindi nya alam ang nangyayari.

 "Kahit siguro mag paliwanag ako sayo ay hindi ko parin ako makuhang paniwalaan, alam kong lasing ako pero hindi ako gaya ng nasa isip mo. Hinding hindi ko kayang baliin ang ipinangako kong aalagaan kita at hindi sasaktan." Sinserong sagot nya. 

"Ang dali mo naman kaseng maniwala." Singit ni Claire sa pagitan ng pag uusap namin. Mabilis na natuon ko ang tingin sa kanya. 

"Hindi ko akalaing maniniwala ka, ni hindi ka man lang nag dalawang isip na hindi nya format ang message na ipinadala sayo. Ganon ka katanga." Panlalait nya sakin. 

Matapos nyang sootin ang long sleeves na naka sampay. Mahaba iyon dapat na para matakpan ang kabuoan nya, dahil kulay itim ang damit na yon. "Hindi ko akalaing ganon kana katanga." Halos nag pantig ang tenga ko sa mga sinasabi nya. 

"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito." Sambit ko ng mapag tantong sya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang totoo. "Ang totoo nyan. Ako ang nag type, habang sya ay naka ibabaw sa akin at nag eenjoy sa init na nararamdaman nya. Ganon sya kasabik na maangkin ako sa pangalawang pag kakataon." Nanlambot ako sa narinig ko mula sa kanya.

  "Wag kang maniwala sa kanya, please wag." Singit ni Ace at inuutusan akong wag maniwala. "Ay oo nga pala pangatlong beses na pala. Una ay hindi pa kayo, yong pangalawa ay nitong ikalawang linggo lang mula ngayon, at ngayon ang ikatlo." Pag papaliwanag ni Claire sa mga araw na ginagago na pala nila ako.

  "Hindi na masama para sa pangatlong pag kakataong pinag saluhan namin ang bawat tawag ng laman, hindi ko pinag sisihan dahil ang galing nyang gumalaw." Malanding sambit nya. At this time hindi ko na napigilan ang sarili kong luha na kumawala.

"Hayop ka claire, wag mo kaming sirain!." Sigaw ni Ace sa kanya. 

"Im just telling the truth na, naging masaya ka sakin nong mga gabing yon. Why don't you try to say yes." 

"Kahit kailan ay hindi ko ginusto ang nagyari satin, dahil nagigising akong hindi ko alam ang nangyari." Ayoko na hindi ko na kayang tagalan pa. Tama na yong malaman kong may nangyari sa kanila ngayon.

 Pero yong malamang pangatlong beses na ito ay hindi ko na kaya pa. Mabilis na napaluhod ako sa tindi ng sakit na nararamdaman kong sakit, bakit. Bakit kailangang maranasan ko ang lahat ng ito. 

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Where stories live. Discover now