Chap. 18

8.5K 266 1
                                    

Elaine’s POV

Hanggang ngayon, hindi ko mapigil ang di mapaluha tuwing na aalala ko ang nangyari nung Linggo. Hindi ko akalain na hahantong kami ni Gelo sa hiwalayan. Siguro dapat ko na ngang tanggapin na wala akong SWERTE SA PAG-IBIG. Lintek! na pusong ito..PINAHAMAK ANG BUHAY KO. Magsisimula ako sa simula. Babaguhin ko ang lahat. Hindi dito matatapos ang buhay ko.

Nang dumating ako sa Mansion sinalubong ako ni Claire. Talaga namang hindi ko matatakasan ang babaeng ito, na di mapansin ang namumugto kong mga mata.

“Friend, anong nangyari? Wala ka bang tulog? Mukhang haggard ka ngayon....Mmmmmm pinagod ka ba n’ya?” Napatingin ako kay Claire.

“ Claire, punta muna ako sa bathroom..aayusin ko muna ang sarili ko. Tulog pa naman si China, eh.”

Ayaw kong malaman ni Claire ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Pero alam kong hindi ako titigilan ni Claire hanggang hindi ako aamin. Kabisado ko na ang babaeng ito. SAKSAKAN NG KULIT. Nang lumabas ako sa silid ni China, pababa palang ako sa hagdanan nang masalubong ko si Kenzo.

“Good Morning,Sir.” Bati ko sa kanya. Wala man lang akong narinig ng sagot mula sa bibig n’ya. Isa pa ‘tong MANHID. Ewan ko, simula kahapon pakiramdam ko galit ako sa mundo. Ang hirap palang maging MABAIT. Nasasaktan ka ng lubusan.

“Elaine..” Napatigil ako nang tinawag n’ya ang pangalan ko. Nilingon ko s’ya.

“May sakit ka ba? Mukhang matamlay ka ata?” Tanong n’ya.

“Wala. Okay lang po ako.” Sagot ko sa kanya. At agad bumaba. Kailangan matuto akong umiwas at di umasa sa kahit sino man. Para di na maulit ang nangyari sa akin.

Nagulat nalang ako nang may humawak sa aking balikat. Humarap ako at muling nagkatitigan kami ni Kenzo. Ano bang gusto n’yang palabasin? Concern sya?

“Sabi sa akin ni Claire kahapon may sakit ka raw. Kaya hindi ka pumasok.” --si Kenzo.

“ Okay na ho ako ngayon. Hwag kayong mag-aalala hindi ko mahahawaan si China.” Wala akong ganang kausapin si Kenzo. Gusto ko umalis para maiwasan ko ang kanyang mga titig. At baka mapaluha ulit ako. Mahirap na dagdagan ang problema. Saka ko lang napansin na hawak ni Kenzo ang isang kamay ko. Agad ko inalis ‘yon. Ayaw ko nang maniwala na meron pang nararamdaman si Kenzo sa akin.

Tumalikod na ako.

-------------------------------------------------------

Namasyal kami ni Claire at ni China sa Mall. Syempre kasama namin ang mga body guards. Hindi nga lang halata ang mga body guards dahil nakasuot sila ng simpleng damit. Si Charlie ang aming alalay.

TIME AND SPACE ( Completed )Where stories live. Discover now