Chap. 21

8.6K 252 1
                                    

Dumating si Elaine sa bansang Sweden. Kasama n'ya si Vee. Dumiretso sila sa isang mamahaling hotel.

"Vee, ito ba ang hotel ng kaibigan mo?"tanong ni Elaine habang nilibot ang paningin sa buong paligid. Kinakabahan man si Elaine pero inisip n'ya ang pagbabago ng kanyang buhay. Hindi dapat s'ya aatras..kailangan n'yang isulong at ayusin ang buhay n'ya. IpapasaDios n'ya nalamang ang kapalaran n'ya.

"Marg, h'wag kang kabahan. Mabait naman si Christer. Matagal ko na s'yang kaibigan. S'ya nga ang tumulong sa akin na makapagtrabaho dito noon. Hanggang nagkaroon na ako ng sariling Beauty Salon at Clinic na rin." Kwento ni Vee habang sinusundan lamang ni Elaine kung saan sila pupunta.

Pumasok sila sa elevator at tinungo ang 15th floor.

Nang lumabas sila. Tinungo nila ang isang silid. Nabasa ni Elaine sa pinto " NO BUSINESS TRANSACTION. GET OUT!" Sa tingin ni Elaine mukhang strikto ang kaibigan ni Vee. Nakilala n'ya na ito noong nag-audition palang s'ya sa Pilipinas. Hindi naman sila masyadong nag-usap ng lalaking 'yon. Mukha kasing tahimik na tao.

Kumatok si Vee.

TOK TOK TOK

At bumukas ang pinto.

"Hi." --si Vee.

"Oh, Good Morning. Come inside." -si Christer.

"Good Morning, Sir." Bati rin ni Elaine.

"Hello, Margaux. Welcome to Sweden." - Bati din ni Christer.

Halatang bagong gising si Christer. Dahil makalat ang buhok nito.

"Ngayon ka lang gumising? Napaka batugan mo talaga." - Sabi ni Vee. Nagulat naman si Elaine kung ba't nagsalita ng Tagalog si Vee samantalang SWEDISH si Christer.

"Naku, Marg. H'wag kang mag-alala marunong bumasa', sumula't magsalita ng Tagalog si Christer. Dahil karamihan ng mga tauhan n'ya dito ay mga Pinoy. Kaya parang nasa Pinas ka lang rin." Kwento ni Vee habang inilagay sa tabi ang mga bitbit nilang bag.

"Oo, nga naman. Eh, ikaw lang naman ang tumulak sa akin na mag-aral ng Tagalog. Salamat." Agad na sagot ni Christer.

" At ito pa, magkapareho kami ng ORGANISASYON. Kaya h'wag kang mahiya." Dagdag ni Vee.

"Hindi ko maintindihan. Anong ORGANISASYON?" tanong ni Elaine.

Sabay humalakhak ang dalawa.

TIME AND SPACE ( Completed )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora