Chap. 22

8.4K 256 3
                                    

Dumating sina Elaine sa Denmark. Tumuloy sila sa isang Mansion. Sinalubong sila ng 3 katulong. Namangha si Elaine sa ganda ng hardin at ang konstraktura ng Mansion. Masasabi n'yang kahalintulad ang laki ng Mansion na 'to sa dating Mansion na kanyang tinutuluyan.

Sinalubong sila ng isang matangkad na lalaki. Blond ang buhok at may maganda paring pangangatawan, dahil bakat na bakat parin ang muscles nito sa suot na polo Shirt. Sa tantya ni Elaine nasa mid 40's ang edad. Nakuha ang pansin ni Elaine ang kulay GRAY na mga mata ng lalaki. Masasabing makisig ang lalaki. Kasama ng lalaki na sumalubong sa kanila ay isang dalagita. Marahil ay anak ng lalaki. Tulad ng lalaki ay blond hair din ito at hindi naman gaano kagandahan ang bata.

Niyakap ng dalagita si Christer. Hindi maunawaan ni Elaine ang kanilang pag-uusap dahil sa linguaheng ginagamit.

(Author's Note : Direct translate na lang natin sa tagalog or English ang conversation, para madaling matapos ang story. Nose Bleed na talaga ako!! )

Pinakilala ni Christer ang dalawa sa kamag-anak nito.

"They are my friends from the Philippines, Margaux and Vee." -- Si Christer. At nagkamayan silang apat.

"Margaux, Vee..This is my cousin Alfred and my niece -Helen."Pagpapakilala ni Christer.

Palingon lingon si Vee sa kanyang paligid. Kahit mismo si Elaine ay di maalis ang paningin sa mga nakikita nito. Pakiramdam nilang dalawa ni Vee ay nasa loob sila ng isang palasyo. Samantala, si Christer ay normal lamang naglalakad na tila walang pakialam sa paligid.

Ginaya silang maupo sa isang mahabang sofa. Kasalukuyang nasa sala sila ng mansion. Napakalawak ng sala at pinalilibutan ng mga mamahaling muebles.

"So, what brings you here?" Tanong ni Alfred. Na nakatuon ang mga mata kay Vee at Elaine.

" We just want to have some fun ." --si Christer.

"Really. I'm glad that you're here. I hope you enjoy staying here in Denmark. You can bring Helen with you; if you like." Sabi ni Alfred.

"Of course. I love to go out with her." Agad inakbayan ni Christer ang pamangkin.

" Christer, let me remind you - STOP SPOILING her." --si Alfred.

"Yes, my Lord!" -- Walang ganang sinagot ni Christer.

"Don't worry Dad. I don't want to be a SPOILED BRAT." - Sabi ni Helen sa ama.

TIME AND SPACE ( Completed )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora