CHAP. 24

8.5K 249 0
                                    

Sumunod na mga araw ay naging abala si Elaine sa mga photo shoots na ginawa; sumasama s'ya sa pag-endorse ng cosmetic products ni Mrs. Welch. Naunawaan naman ni Christer ang hirap ng trabaho ni Elaine kaya pumapayag s'ya na ipagpaliban ang pag-awit nito sa gabi. Gumawa narin ng mga commercial videos para sa wine.

Naging tanggap sa publiko ang wine at ang cosmetic products na inindorso ni Elaine.

Minsan nagkaroon ng isang party sa Mansion ni Mrs. Welch. Dinaluhan ito ng mga kilalang tao sa lipunan. Pumunta sina Elaine, Christer at Vee sa paanyaya narin ni Mrs. Welch.

"Margaux, let me introduce to you my friend ANTHONY GUSTAVIEN. He's half Filipino-half Swedish. And he is a businessman too. " Pakilala ni Mrs. Welch kay Elaine si Anthony.

"Hello, Mr. Gustavien. Nice to meet you." Inilahad ni Elaine ang kanyang kamay. Ngunit imbes na makipagkamayan sa kanya ang lalaki ay hinalikan ang kanyang kamay.

"I'm glad to meet you, Margaux. You're such a lovely woman." Pagpapuri ni Anthony. Napangiti naman si Elaine kay Anthony. Iniwan sila sandali ni Mrs. Welch upang makapag-usap.

"Matagal ka na ba dito sa Sweden?" Tanong ni Anthony.

"Medyo. Mag-aapat na taon na." Sagot ni Elaine. Naging magaan ang loob ni Elaine sa lalaki dahil napaka magalang ito sa kanya. Hindi s'ya ang tipo ng lalaki na mayabang ang dating. Lumapit naman bigla ang dalawang kaibigan ni Elaine. Pinakilala naman ni Elaine ang dalawa.

"Marg, kanina ko pa nahahalata 'yang Anthony na 'yan. Dikit ng dikit sa atin. Sino kaya ang type n'ya sa ating tatlo? Ako?" Bulong ni Vee sabay halakhak.

"Gaga, hindi ikaw..ako." Sagot naman ni Christer.

Umiling nalang ang ulo ni Elaine. Wala s'yang magagawa sa kakulitan ng dalawa. Kaya tuwing ganito ang mga kaibigan n'ya naaalala n'ya sina Claire at Charlie.

"Margaux, Can I dance with you?" Paanyaya ni Anthony kay Elaine. Pumayag naman si Elaine at pumunta sila sa gitna ng dance floor. Nagsimulang tumugtog ang awitin. Pakiramdam ni Elaine parang hinihigop ng mga mata ni Anthony ang kanyang buong pagkatao dahil nakatutok ito sa kanya.

"H'wag mo akong titigan ng ganyan, natutunaw na ako." Biro ni Elaine.

"You can't blame me. I'm under your spell." Sabi ni Anthony.

Nakadama naman ng kilig si Elaine sa sinabi ni Anthony. Pero iba ang dikta ng kanyang utak-" Hindi ka pa ba nadala sa nangyari sa 'yo? Tumigil ka na nga!"

Agad s'yang napabitaw sa kay Anthony.

TIME AND SPACE ( Completed )Where stories live. Discover now