Chapter 5: Accomplishment

596 29 19
                                    



Dedicated to #CarlCO  and #Chayna11sana magustuhan mo dear! 

At sa ibang nagbabasa, sana magustuhan niyo. Comments and votes are highly appreciated! Thank you very much. #JackieNavin #JessyNavin

And... janggggg! Napalitan ko na ang cover. Inalis ko na muna ang video na ginawa ko. Papalitan ko rin ang cover na yan, for the mean time lang yan. Kung meron mang nag babasa neto, pinalitan ko na si Jackie which is Han Hyo Joo before at ngayon si Kang Seulgi. Bakit siya? Layo ng agwat nila ni Jaejoong nuh? BUT may dahilan ako, which is malalaman niyo rin sa story.At mukhang bata naman si Jaejoong huh? Vampire rin yun. And yung cover, alam ko parang ang gulo tingnan pero kung titingnan mo ng maayos, ginawa kong background yung mga pictures na edited ko nina Jessy ang Matthew, nagka amnesia si Matthew diba? Kaya ayan!!! hahaha. Pero, papalitan ko rin yan kapag gaganahan ako mag edit. Ewan ko ba kung may nag babasa neto, pero bahala na. Okey... KANG SEULGI TAYOOOOO! Jackieee!

***************************

Graduation Day at Maven University

I survived! I made it! Ang nasa isip ni Jessy, matapos lahat ng paghihirap at pagtitiiis sa Maven university, nakapagtapos rin siya dito. Marami mang hindi magagandang alaala na nangyari sa loob ng university, ay masasabi niya ring marami rin namang masasayang alaala nabuo niya dito.

"Whooa. Shet lang, di ko akalain na makakapag march na rin ako." Hindi ring makapaniwalang pahayag ni Ren. Tuwang tuwa sila dahil one step to success na sila. "Imagine? Dati rati, tumatakas sa class at nagbubulakbol lang? Ngayon, tatanggapin ko nalang ang diploma ko? sheeeet, gwagwapo na talaga ako." Natawa lang si Jessy sa kanya.

"Malamang nuh. Pinaghirapan kaya natin yun. Iiwan na rin natin sa juniors natin ang club na binuo ni Loise." Tiningnan siya ni Ren. "Ano nanaman?"

"Kailangan talaga banggitin ang pangalan niya?"

"Oo naman, si Loise naman talaga ang bumuo ng club diba? Tapos ikaw na nag alaga nung wala na siya?" agad siya binatukan ni Ren. "Tumigil ka sa kakadaldal ha! You're polluting the air!"

"Di parin nakakamove on ang gago, ano?" kakarating naman ni Nathan at hawak hawak neto ang toga. "Kumusta ang Magna Cum Laude natin? " bati naman ni Jessy sa kanya.

"sows, porket Magna Cum Laude ka, akala mo hindi kita pagbugbugin with my toga on?" inis namang sambit ni Ren dito. "sige ba, para mag extend ka dito sa University." Hamon rin ni Nathan.

"Huuuy! Ano ba yan! yang bangayan niyo ba hanggang graduation day di parin natatapos? " pumagitna naman si Jessy dito. "Hahha! Magtaka ka kung wala na kameng bangayan, di kapa nasanay." Natatawang saad ni Ren. "Congrats satin joe." Nakangiting bati ni Nathan kay Ren sabay abot ng kamay neto. Pero, niyakap siya ni Ren. At sinama na rin nila si Jessy.

"Yey! GRADUATE NA TAYO!!" sabay talon talon naman nilang tatlo while forming a small circle. Pero, wala parin silang balita mula kay Matthew at maging sa Maven siblings.

"Groupie naman dyan!" nilabas naman ni Ren ang smart phone niya. Nakangiti naman silang nag pose. "Sheeet sa buong buhay ko ngayon lang ako naging early sa isang event. Haha"

"Mabuti naman at sa huli nagbago ka. Tsk." Sabay iling ni Nathan. May dumating namang isang grupo ng magkakaibigan. "oh? Hanggang graduation gusto niyo makipag rumble?" naiinis namang tanong ni Ren dito.

"ano kaba Ren, yang bibig mo ba!" awat naman ni Jessy. "eh, diba sila ang nag bubully sayo dati?"

"Nandito kame para makipag picture sa inyo at humingi na rin ng tawad kay Jessy. Sorry jessy." panimula naman ng nag aastang netong leader. Nakangiting tumango naman si Jessy. "nakalipas na yun, kaya ayos lang."

TIG2: Intertwined FatesWhere stories live. Discover now