Chapter 15: Let's go home

558 27 7
                                    

Carl's POV

Nagising ako na nasa malawak akong lupain. Ang sakit ng ulo ko. Napaupo naman ako.

Saan kaya ako? Parang hindi ko pa nakikita 'tong lugar na 'to ah. May nakita naman akong lalake. Naka all white siya. Shet. Kinilabutan naman ako. Pero familiar siya...

"Matthew?!" napatigil siya sa paglalakad. Tumingin naman siya sa gawi ko. Agad ako tumakbo patungo sa kanya.

"A--anong ginagawa mo dito? Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya. Nakangiti lang siya saken.

"It's good to see you too Carl." ginulo naman niya ang buhok ko. "huh? " naglakad naman siya palayo sinundan ko naman siya.

"Hoy Matthew, anyare sayo? Bakit ka nag bago? Sino yung bagong babae huh?!" lumingon naman siya saken.

"tsk. Silly. It's always been Jessy. " nakangiting sabi niya saken. Gumaan naman ang loob ko. Thank God.

"Matt--"

"tsk.ang ingay ingay mo." parang ang lungkot ng Matthew kaharap ko. "haist. Ang boring naman dito. Saan tayo pupunta?" nag cross naman kame sa bridge at napahinto dahil tumingin siya sa ilog sa ilalim neto.

Ang weird. Saan kaya kame? Nasan ang ibang kasama namin?

"Hey, you need to go back."

"Ano bang pinag sasabi mo Matt?"

Tumingin siya saken. Dumako naman ang tingin niya sa braso ko. Agad ko ito tinakpan. Puno kasi ito ng sugat dahil sa paglalaslas ko.

"Stop hurting yourself, okay?" akala ko babatukan niya ako dahil inangat niya ang kamay niya. Napapikit naman ako. But he tapped my shoulder.

"Let's go home Carl." inalay naman niya ang kamay niya. Nailang ako at nakangiting tinanggap ko ang kamay niya.

Nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko na rin maalala bakit ako nauwi dito. At ang weird, nanaginip ako pero hindi ko maalala ano.

"CARL!!!"

"Call a doctor now!!" familiar naman ang boses na yan. Naningkit ang mata ko. Agad naman ako niyakap. Pamilyar naman ang amoy neto...

"Damn it Carl."

"A--Ace??" nanunuyo naman ang lalamunan ko, sobrang uhaw na uhaw ako.

"yes. It's me." panaginip parin ba ito? Maluha luha naman ang mata niya habang nakatingin saken. Agad ako gumanti ng yakap..

"Owww.." nahawakan ko naman ang tagiliran ko. Ano bang nangyari? Bakit may tubo ako sa ilong? Nasogastric tube ata tawag dito. Argh.  Kaya pala may kakaiba sa lalamunan ko.

"Don't move too much joe, you have broken ribs. Luckily, it didn't puncture your lungs."

I cleared my voice. "why is it my voice is hoarse?" parang ang hirap mag salita.

"tsk. You were injured you dumbass, someone hit your head luckily wala namang internal bleeding na naganap sa utak mo. Basta nawalan ka ng malay, you have broken bones and gago ka, na ruptured ang appendix mo, inflammed na pala at napuruhan pa nung binugbog ka. You were sleeping for 5days. Intubated ka rin.  Kaya wag ka mag taka kung bakit may pagkahaba habang incision dyan sa tiyan mo. " kinilabutan naman ako. Putek, ayaw na ayaw ko ng mga tahi sa katawan ko.

Dahan dahan naman ako umupo at dumating na rin ang doctor. Sinuri ako at may tinanong na bagay bagay.

"pffft. You aged a lot." pigil namang tumawa si Ace. Nakatingin lang ako sa kanya. It's more than 3 years.

TIG2: Intertwined FatesOnde histórias criam vida. Descubra agora