22: There She Is

259 16 12
                                    

Where is he?

Wala ring makasagot sa tanong ni Navin. Kasi maging sila hindi rin nila alam kung nasan si Matthew. Hindi nila alam bakit may kaharap rin silang Matthew.

Tahimik ang lahat at umiwas sila lahat ng tingin kay Navin. Gusto rin malaman ni Navin kung nasan naba ang sinasabi nilang Matthew. Wala siyang maalala sa nakaraan niya, pero hinding hindi niya makakalimutan na minsan siyang tinawag na Matthew, kahit hindi niya kailanman nakilala ang mga taong kaharap niya ngayon.

"What happen to him anyway?" sunod na tanong niya dito. Nathan cleared his throat kasi walang nagsasalita sa kanilang apat.

"Ahm. He left." maiksing sagot niya kay Navin. Hindi na sumagot si Navin sa kanila dahil naiibahan eto sa kinikilos ng apat na binata.

"I see. I guess I need to go." tumango naman si Ren sa kanya. Gustong gusto nila ito pigilan umalis pero kahit gustuhin nila maniwala na si Navin at Matthew ay iisa, may parte ng isip nila na baka nga ibang tao ang kaharap nila. Kahit kamukhang kamukha ito ng kaibigan nila.

Na marahil ang totoong Matthew ay naghihintay rin sa kanila kung saan man pero wala ito kakayahan para humingi ng tulong sa kanila.

"Hey..." tumigil naman sa paglakad si Navin nang tawagin siya ni Nathan.

"If you need help, you can always call us. Ok, Navin?" He smiled. Gustong gusto niya makilala ulit sa pangalawang pagkakataon si Matthew, at tulungan ito tulad ng pag tulong sa kanya noong mga bata pa sila.

Yun ay kung talagang iisa lamang tao ang kaharap nila.

"Ahmm. May kapatid kaba Navin?" biglang tanong lang ni Ace sa kanya. "Ah.. Nope. I'm the only child." sagot naman sa kanya.

"I see. Well, nice meeting you again. I hope we'll get along. See you around Navin. " inabot naman ni Ace ang kamay niya and Navin shook it.

Nakaalis na si Navin at nasa loob parin sila ng lumang tambayan.

"Now tell me na si Matthew nga talaga ang kaharap natin. Damn it. " biglang mura ni Ace. Napahinga rin ng malalim si Nathan.

"they look identical but you're talking with different individual." napailing si Nathan.

"I told you before. Pero malakas ang pakiramdam ko that guy is Matthew! What the fvxk happened to that guy!" mura naman ni Carl.

"Language Carl." Pinagsabihan naman siya ni Ace. "Bakit ba kung mag mura ako? What is it with you?"

"tsk. Diba, I told you I'm a dad now? Baka madala ko sa bahay yang mga lenguahe niyo."

"Ulol!!"

"Mga sira ulo!! Hays. Ano na plano natin kay Navin neto? May naiisip kaba Thanie?" tanong naman ni Ren.

"Actually Ren, di ko rin alam. I want to know more about that guy but it looks like he doesn't even know himself. "

*****

Nagmamadali naman si Jessy pumunta ng Maven dahil naghahabol siya ng oras. Gustong gusto ni Ayu kasi kumuha mg HRM kaya tinanong niya ang mga kakailanganin na documents dahil papaaralin niya ito. Hindi niya man natupad ang pangarap niya para kay Alvin, sana matupad niya ang pangarap ni Ayu.

Ang alam niya rin is nasa campus sina Ren at iba pa. Kaso kanina pa siya tumatawag pero walang sumasagot.

"Mga letche na lalake yun! Nagdadala pa kayo ng cellphone!" binaba niya ang telepono. Hinalungkat niya ang bag niya at hindi tumitingin sa daan nang nabangga niya ang isang lalake na nagmamadali rin. Lumipad ang mga gamit niya. Nabasag rin ang phone niya.

TIG2: Intertwined FatesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ