20: Maven

211 16 11
                                    

....

Navin is in Maven University. At nag argue pa sila ULIT ni Jackie regarding sa paglipat niya dito. Ayaw na ayaw kasi ng kasintahan niya ang magkalayo sila, maging siya ayaw niya naman. Pero, kahit anong kumbinsi niya sa sarili na manatili lamang malapit kay Jackie, mas gusto niya ang Maven University. And mind you, he is qualified in prestigious universities in US. Kahit ang sarili niya ama, walang nagawa.

"So, this is the famous Maven University." Hindi niya alam bakit parang alam na alam niya ang lugar na ito. Dinala siya ng mga paa niya sa University registar. "How the hell did I end up here." Hindi niya man lang tiningnan ang school map. Malawak ito, pero hindi siya naligaw. He didn't mind.

Tumingin naman ang School Registrar sa kanya thru glass window. Napapikit naman ito at tumingin sa kanya ulit. What's the problem of this lady? He thought. Binigay naman niya ang documents niya. Tiningnan naman ito ng matandang babae. "Oh, Mr. Armani. What's your purpose in Maven University?"

"I registered online, I would like to take an entrance exam." Tiningnan siya ulit ng babae na para bang kilala talaga siya neto. Pero hindi na ito nag salita."So, you are turning 24 years old? Why did you transfer here? "usisa naman sa kanya. Naiinis naman siya. He knows he is behind, but he wanted to finish his studies. And it is not even his fault that he had that brain surgery.

"I was sick and wasn't able to finish my study. I took some online classes and did some home schooling and I just need a few units to finish my course." And I lose my memory for pete's sake! How can I cope up with that? Tsk, good thing my dad and Jackie is very supportive.

"I see. Well then, good luck Mr. King--I mean Mr. Armani. I'm sorry you remind me of someone." Kinuha naman niya ang slip. At tipid na ngumiti dito. Hindi niya pinansin ang sinabi ng babae sa kanya. Patuloy siya sa paglalakad nang huminto siya sa harap ng elegante at napaka gandang fountain. Tiningnan niya naman ang school map. Located ito sa pinaka gitna ng University. 

Nakita niya na ito sa internet at minsan sa isip niya. Anong meron dito? Bakit parang ang lungkot?

Napalingon siya sa dalawang estudyante na nagdadala ng malalaking boxes.

"Teka lang! Mahuhulog 'tong dala kong cupcakes! lugi nanaman 'to ng club natin." sigaw ng isang estudyante sa kapwa neto. 

"Sorry! Pero don't worry mayaman naman ang Tearrific club! haha!" Nakalayo na ang dalawang students. Navin feels uneasy. Hindi niya rin alam kung bakit. What's with the Club name. Gusto niya habulin ang mga ito, pero nakakalayo na ito. Tumungo naman siya sa isang building, at hindi niya rin alam kung bakit siya dinala ng mga paa niya dito. 

"TEArrific club." Ngayon nasa harap niya na ang club room. Minsan rin niyang narinig ito sa isip niya.  Kinakabahan siya sa hindi niya malamang dahilan. WTF is wrong with me.

Hahawakan niya sana ang sliding door, nang may bumukas sa pinto neto. Nagtagpo naman ang mata nila. May tatlong lalake ang lumabas sa pinto ng club room. At kilala niya ang isa dito, few months ago he met this guy way back in Chicago.

"Mikhail Ren?" parang gulat na gulat rin ito nang makita siya. Pero agad naman nakabawi at inabot ang kamay neto. "Joe, Navin. What brings you here?" nagulat rin ang dalawang kasama neto. Parang nakita niya rin ang isa kung saan. Hindi niya lang maalala kung saan.

The heck? Joe?? What's with the endearment?

"See I told you." sabi naman ni Carl, pero malamig na tiningnan niya si Navin. Hindi naman nakabawi agad si Ace sa pagtatagpo nilang apat. May kakaibang tension siyang nararamdaman. 

"Oh guys sorry. Gulat na gulat kayo ah, si Navin pala. I met him few years ago while I was in US. Navin, these are my friends Ace and Carl. I believed I mention their names to you before, if you can remember." Inabot naman ni Ace ang kamay niya at ngumiti sa kanya. "Ace Lancer Troth. Nice to see you----again." Malamig ang kamay niya nang tinanggap niya ang kamay ni Ace. Ngayon niya lang ito nakita, pero napaka pamilyar rin ng lalake sa kanya.

TIG2: Intertwined FatesWhere stories live. Discover now