Prologue

363 35 39
                                    

Prologue: 

"May pag - ibig na dumarating sa maling panahon, maling pagkakataon. Masakit man ito para sa atin, pero kailangan nating iwasan. Pero kung talagang para sa atin, babalik at babalik pa rin ito kahit ilang beses natin itong iwasan" 

Ang UNFAIR naman ng mundo. Paano ko nasabi simple lang porket ba magkaiba kami nang mundo ay hindi na kami pwede para sa isa't isa. Ang Unfair lang 'di ba, hindi naman sa nagiging BITTER ako pero bakit sa dinami - dami pa nang nilalang dito sa mundo siya pa ang napili kong mahalin.

"Siya pa 'yung gusto kong makasama sa hirap at ginhawa."

"Siya pa 'yung gusto kong makapansin sa akin."

"Siya pa 'yung gusto kong makapagparamdam sa akin na hindi ako naiiba sa kanila."

Paano 'yun mangyayari kung magkaiba kaming dalawa nang mundo?

Isa siyang TAO habang ako naman ay isang kakaibang nilalang in short isa akong GUMIHO. Isa akong Gumiho na kahit kailan hinding - hindi magiging katulad niya na tao na kahit anong nais niyang gawin ay magagawa niya nang walang kahirap - hirap. Hindi katulad ko na limitado lamang ang pwedeng gawin kasi nga kahit baliktarin man ang mundo kailanman hindi ako magiging isang TAO kagaya nang minamahal ko.

Oo inaamin ko na sana naging tao na lang din ako kagaya niya, baka sakaling maranasan kong mahalin din ng taong mahal ko. Pero paano 'yun mangyayari kung sa simula pa lamang pinagkaitan na agad kami nang tadhana. Pinagkaitan na kahit anong pilit kong gumawa nang paraan tututol at tututol pa rin sa amin ang tadhana. Kasi nga ang tao ay para sa tao habang ang gumiho ay para sa gumiho.

Isa lang naman ang katanungan ko, MALI BANG UMIBIG LALO PA AT ALAM MONG MAGKAIBA KAYO NANG MUNDO?

'Yan palagi ang paulit - ulit kong tinatanong sa sarili ko. Mali ba na magmahal kung sa una pa lang alam mo nang hindi kayo pwede sa isa't isa?  Pero bakit sa fairytale pwedeng magmahalan kahit magkaibang uri kaya ba tinawag na fairytale kasi nga kahit kailan hindi ito mangyayari sa totoong buhay. Ang sakit lang 'di ba tila ba ayaw ng mundo na maging masaya ako kahit minsan lang. Kahit minsan lang sana naman maranasan ko rin mahalin at magmahal ng walang balakid.

Oo aaminin ko tila isang kahibangan ang naiisip ko dahil saan ka ba naman makakakita na isang tao at gumiho ay nagkatuluyan wala naman 'di ba. Pero anong magagawa ko bigla na lang tumibok ang puso ko nang makita ko siya. Baduy man pakinggan pero nang makita ko siya alam kong siya na ang matagal ko nang hinihintay. Kaya lang handa ba siyang tanggapin kung ano at sino ako o iiwanan niya lang ako dahil sa hindi kami magkatulad.

Handa ba akong sumugal kung alam ko naman na sa bandang huli baka ako lang din ang talo sa laro na ako mismo ang gumawa. Ang laro na masasabi ko na tila isang napakahirap na laro sapagkat kailangan mong isiping mabuti kung susugal ka pa ba oo susuko ka na lang.

Dapat ko pa bang ipagpatuloy ang kahibangan kong ito o tatanggapin ko na lang ang katotohanan na kahit kailan BOTH OF US LIVED IN DIFFERENT WORLD.

Ang magkaibang mundo na kahit anong pilit ko sa aking sarili tila sinusuway ko pa rin dahil lamang sa kahibangan ko. Baka sakali maranasan ko rin na maging masaya sa piling ng mahal ko. Mahal kong handa akong ipaglaban mapatunayan lamang niya ang pagmamahal niya sa akin.

~~~~~~~~

"Saan ka ba nanggaling, b - bakit ngayon ka la----"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong yakapin ng sobrang higpit at pinaulanan ng halik ang mukha ko habang sinasambit ang katagang "Miss na miss na kita, Mahal ko".

Tila nakaramdaman ng saya ang puso dahil mahal niya rin pala ako, pero bakit ganoon pakiramdam ko kahit inamin niyang mahal niya ako ang lungkot ng dating ng pagkakasabi niya sa akin.

"J - Justin b - basta tatandaan mo na mahal na mahal na mahal kita kahit wala na ako sa tabi mo. Kaya sana palagi mong tatandaan na palagi kang nasa puso ko." Saad niya sa akin habang patuloy ang pagbuhos ng luha niya.

Hindi ko mapigilan ang lalong mapaluha sapagkat tila ba nagpapaalam na siya sa akin. Ayoko nang ganito bakit pakiramdam ko anytime ay iiwan niya ako. Kaya ang ginawa ko ay hinapit ko siya upang mahalikan ko ang mga labi niya. At doon ko naramdaman na sobrang lamig pala nang katawan niya.

"H - hindi kita maintindihan bak---"

"Nandito ako ngayon sa harapan mo upang magpaalam, natatandaan mo ba nang iwan mo ako sa may field. Noong araw din 'yun ako namatay, nagtataka ka siguro kung paano mo ako nakakausap kung patay na ako. Simple lang dahil hindi ko pa nagagawang magpaalam sayo kaya hindi pa matahimik ang kaluluwa ko. Kaya sa huling sandali nais kong sabihin na huwag mong sisihin ang sarili mo sa pagkawala ko lagi mo rin tatandaan na MAHAL NA MAHAL KITA."

Hanggang sa ginawaran niya ako nang halik. Halik na baka ito na rin ang huli kaya wala akong nagawa kung 'di tumugon sa mga halik niya habang kapwa kami lumuluha.

"A - Averie m - mahal na mahal din kita."

Bigla na lang akong nataranta nang unti - unting naglalaho ang katawan niya, kaya wala akong nagawa kung 'di ang yakapin siya. Sapagkat umaasa ako na hindi totoong iiwan niya ako ngunit nagkamali ako dahil patuloy pa rin ang paglalaho nang katawan niya.

"P - paalam Justin h - hanggang sa muli nating pagkikita."

"P - Paa---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tuluyan na siyang naglaho sa harapan ko kasabay ang pagbuhos muli nang aking mga luha. Kasabay rin ng ulan na tila nakikisabay sa nararamdaman ko. Hanggang sa unti - unti kong narinig ang iba't ibang ungol na sa tingin ko ay mga kagaya rin niya na tila nagpapaalam na rin sa kaniya.

Hanggang sa muli nating pagkikita MAHAL KONG AVERIE.

_________________________________________________________________________________________________

A/N: Bakit ganoon habang ti -na- type ko ito parang nasasaktan din ako.

Sinong nasaktan din sa part na ito?

READ. VOTE. COMMENT.

Different World #MLTimes2018 #BBA2018 #KidlatAwards2018Where stories live. Discover now