Chapter 3: New Home

59 27 5
                                    

Chpater 3: New Home

Xheenai POV

Xheenai Cradle is my name that's all. Kung sino man ang babaeng 'yun pagbabayadan niya ang panlalandi niya kay Justin ang kapal ng mukha niya na basta na lang halikan ang Justin ko.

Tss.

Wala akong pakialam kung magalit man kayo sa akin ang mahalaga magawa kong makuhang muli si Justin sa babaeng 'yun na hamak naman na mas lamang ang kagandahan ko sa kaniya. At kung titingnan mong maiigi tila isang hamak na hampas lupa lamang siya. Hindi na ako nagtataka kung bakit nilalandi niya si Justin dahil batay pa lang sa itsura niya isang hamak na malandi na siya.

"Hey! Justin bakit hindi mo na ako tinatawagan, alam mo naman na - miss na kita 'di ba." Sabay angkla ko nang braso ko sa kaniya, para ipamukha dito sa loob ng campus na walang magtatangkang mang - agaw sa akin kay Justin dahil tiyak na ako ang makakalaban nila.

"Tsk. Please stop being stubborn miss cause I don't know who you are so stop flirting with me." Sabay lakad niya at hindi man lang nagawang lingunin akong muli. Nakilala niya lang ang babaeng 'yun bigla na lang siyang naging cold sa akin at 'yun ang hindi ko matatanggap dahil gagawa ako nang paraan para mawala nang tuluyan sa landas ko ang babaeng 'yun.

"Mabuti nga sa kaniya, masyado kasing mapapel."

"'Yan lang ang napapala ng mga malalanding katulad niya, halata namang ayaw sa kaniya ni Justin."

Dahil sa ayokong masira pa ang kagandahan ko hindi ko na lang pinagtuusan ng pansin ang sinasabi nang iba sa kanila dahil halata naman na naiinggit lang sila sa akin dahil hindi nila magawang lapitan basta - basta si Justin. Ako lang naman ang may kakayahan na lumapit sa kanila dahil kung hindi ninyo naitatanong ako lang naman ang "CAMPUS PRINCESS" dito sa school habang ang grupo naman niya ay siyang tinatawag na "CAMPUS PRINCE".

Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit bagay kami dahil bukod sa maganda ako ay isang hamak na pogi naman siya kaya wala ng makakatalo pa sa love team naming dalawa. Binabalaan ko na kayo na huwag ninyo nang tangkain ang agawin sa akin si Justin dahil tiyak na may paglalagyan kayo sa akin.


Third Person POV

Matapos ang camping nina Justin at ng iba pang mga estudyante, tila isang kisap mata lang ang nangyari sa buhay niya. Sapagkat hindi niya lubos maisip kung bakit ba siya pumayag na sumama sa kaniya ang babae na kahit alam naman niya na magkaiba sila nang uri.

"Justin dito na ba ang magiging bahay ko." Tanong ng babae sabay lambitin sa braso ni Justin.

"Tsk. Anong bahay mo bahay ko ito so ibig sabihin lahat ng gusto ko ay gagawin at susundin mo. Maliwanag ba."

Nang matapos nilang mag - usap sa mga napagkasunduan nila sa bahay kaagad binilin ng lalaki sa babae na kahit kailan huwag na huwag niyang tatangkain na ilabas ang mga buntot niya kung ayaw niyang pagkaguluhan ng ibang tao.

Dahil sa hindi malaman na dahilan tila ba may nararamdaman siya na kakaiba sa babae na hindi niya maipaliwanag kung ano ba ito. 'Yun tipo bang bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya na tila ba may nagkakarera na mga kabayo sa loob nito. Naguguluhan man siya sa nangyayari ngunit tila ba hindi siya nakaramdam ng pagkatakot sa babae. Simple lang naman dahil isa siyang tao habang ito naman ay isang gumiho na kahit kailan hindi niya maisip na mayroon palang ganitong nilalang na nabubuhay sa mundo nila.

Ngunit ang hindi niya alam na ito pa lang babaeng ito ang may dahilan kung bakit tila hindi niya naaalala kung ano nga ba ang totoong nangyari sa kaniya sa batis. Sapagkat tanging ang magandang nangyari lamang ang naaalala niya dahil binura nang babae ang alaala niya sa limang wolf na naging dahilan ng kamatayan niya.

Different World #MLTimes2018 #BBA2018 #KidlatAwards2018Where stories live. Discover now