Epilogue

88 27 8
                                    

*****

"Lolo naman akala ko ba masaya ang kwento mo, ang lungkot naman lolo eh."

Oo aaminin ko na malungkot nga ang nangyari sa aming dalawa ngunit ang makasama siya sa bahay ko ang masasabi na tila isang napakasayang pangyayari sa aking buhay.

"Ikaw talagang bata ka, kahit kailan napakulit mo talaga."

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo lolo, saka bakit naman parehas pa kami ng pangalan. Averie ang pangalan ng nasa kwento ninyo tapos Averie rin ako."

Tama kayo ng basa magkaparehas ng pangalan sina Averie ang babaeng una kong minahal at ang apo ko. Sapagkat makita ko lamang siya ay para ko na rin nakakasama ang unang babaeng minahal ko. Sino ba naman mag - aakala na sa hinaba - haba ng panahon ay ang apo ko pa yata ang reincarnation ng babaeng minahal ko sa nakaraan.

"Hay nakung bata ka, ang mabuti pa matulog kana dahil maaga kapa bukas sa school."

Maraming taon na rin ang nakalipas ngunit tila sariwa pa rin sa aking alaala kung paano ako umiibig sa nilalang na hindi ko naman kauri. Masakit mang isipin na hanggang sa huli ay hindi pa rin pala kaming dalawa ang nagkatuluyan. Kilala niyo ba si Xheenai siya ang nakatuluyan ko dahil siya ang tumulong sa akin, upang malampasan ko ang sakit na dulot ng pagmamahal ko sa kaniya.

Masasabi ko rin na siya ang babaeng hindi ako sinukuan, oo aaminin ko ayoko sa kaniya noong una pero habang lumilipas ang panahon ay natutunan ko rin siyang mahalin. Hindi man kagaya ng pagmamahal ko kay Averie nagpapasalamat pa rin ako sapagkat kahit kailan hindi niya ako nagawang iwanan.

Baliw nga siguro ako sapagkat mas pinili ko pa na hindi siya mabura sa isipan ko, gayong sa mga kaibigan ko ay binura lahat ng reyna nila ang alaala ni Averie sa kanila. Aaminin ko na masakit mawalan ng minamahal sa buhay. Ngunit mas gugustuhin ko na masaktan dahil hindi ko siya nakalimutan kaysa sa nakalimutan ko nga siya pero para namang may kulang.

Ano ba 'yan ang tanda - tanda ko na ang drama ko parin hanggang ngayon. Kung itatanong ninyo ang asawa ko kung nasaan malamang masaya na siya ngayon sa piling ng panginoon sapagkat namatay siya ng ipinanganak niya ang anak namin. Ang kaisa - isa naming anak na isinunod ko sa pangalan ko.

Siguro nga may mga bagay talaga na kahit gustuhin mo ay hindi mapapasayo. Aaminin ko nagsisisi parin ako hanggang ngayon sapagkat kung hindi ko lang sana siya nakalimutan na balikan baka sana hanggang ngayon kasama ko parin siya.

Sana masaya kami ngayon na nabubuhay na magkasama.

Sana mayroon na rin kaming masayang pamilya.

Sana hindi siya namatay.

Ngunit ang lahat na ito ay mananatili lamang na . . .

SANA sapagkat sa simula pa lamang BOTH OF US LIVED IN DIFFERENT WORLD.

Pero kahit hindi man kami nagkatuluyan hanggang sa huli nagpapasalamat parin ako sapagkat nagkaroon parin ako ng isang masayang pamilya. Sabi nga nila walang masamang masaktan, oo nasaktan ka pero nagpapatunay ito na nagmahal ka lamang ng lubusan.

'Wag kang matakot na magmahal muli, nasaktan ka man noong una baka ito na ang sinasabi nilang TRUE LOVE mo na handang pawiin ang sakit na naranasan mo nang magmahal kang minsan.

Sa pagmamahal walang pinipili 'yan magkaiba man kayo ng uri: mayaman ka man o hindi, maputi o maitim at higit sa lahat gaya ko nagmahal ako ng hindi ko kauri. Siguro nga hindi pa ito ang panahon para sa aming dalawa ni Averie. Ito yata ang sinasabi nila na tamang pagmamahal ngunit sa hindi tamang panahon. Pero kahit ganito hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya sapagkat kung hindi dahil sa kaniya malamang wala na ako sa mundong ito ngayon.

Pero sana nga nawala na lang ako upang hindi ko naranasan ang sakit na maiwan ng taong ang ating minamahal. Paano nga kung nawala na lang ako, siguro hindi ko na nararanasan ang sakit na kahit gaano na katagal ang lumipas ay nananatili parin na sariwa sa aking alaala. Mga alaala na masasabi ko na kahit mapait ang naging karanasan ng una kong pagmamahal ay masasabi ko pa rin na naging masaya ako.

Sino ba naman na mag - aakala na may iba pa palang nilalang bukod sa aming mga tao, kaya hindi na rin ako magtataka na mayroon din na mga alien, bampira, sirena dahil siya ang nagpatunay na hindi lamang kaming mga mortal ang nabubuhay. Sapagkat may iba rin na mga nilalang ang nabubuhay sa mundong ibabaw.

Mga kakaibang nilalang na kahit iba man sa atin, may damdamin din sila. Tumatawa rin sila kapag masaya at umiiyak din kapag nalulungkot. Iba man sila sa atin pero tandaan din natin na kahit iba sila mayroon pa din silang damdamin.

Muli ako si Justin Panganiban na nagsasabi na walang masama kung iibig muli tayo, kung alam naman natin na ito ang paraan upang muling mabuo ang puso nating nasaktan dulot ng unang pag - ibig.

Hindi porket nasaktan tayo noong una ay wala na tayong karapatan na sumaya sa ikalawang pagkakataon. Marahil natagpuan nga natin ang una nating minahal ngunit baka ito 'yong sinasabi nilang PINAGTAGPO nang panahon ngunit HINDI ITINADHANA KAILANMAN.

At dito na nagwawakas ang aming kwento. Hindi man kami nagkatuluyan hindi ibig sabihin nito ay dito na nagtatapos ang aming kwento maaaring matuloy ito ngunit baka sakaling sa tamang panahon na.

Alam kong marami sa inyo ang nalungkot dahil hindi kaming dalawa ang nagkatuluyan, aaminin ko hiniling ko na sana bumalik ang oras na kasama ko pa siya, ang mga pangungulit niya sa akin kapag wala siyang magawa. At higit sa lahat ang mga ngiti niya na matagal ko nang nais makita, mga tinig niyang matagal ko ng ninanais na marinig pero ang lahat ng ito ay tanging sa panaginip ko na lamang mangyayari. Sapagkat kailanman ay hindi ko na muling maibabalik pa ang mga panahon na nakalipas na.

Panahon na nagulo ang buhay ko dahil sa kaniya.

Panahon na ang tahimik kong bahay ay bigla na lamang umingay.

Panahon na palagi na lang may paulit - ulit na humahalik sa pisnge ko.

NGUNIT

Ang panahon na iyon ay matagal ng lumipas at kailanman ay hindi na muling maibabalik pa.

~~~~~~~~~

Mukhang hanggang dito na lamang ang buhay ko, matanda na ako bukod dito pagod na rin ang katawan ko. Matagal ko nang gustong magpahinga, sobrang pagod na ako hindi na talaga kaya ng katawan ko.

Makakasama na din kita mahal kong Averie, malapit na rin tayong magkasama dalawa. Hindi man tayo nagkasama habang nabubuhay, siguro naman pagbibigyan na din tayong dalawa ng panginoon na magkasama kahit sa kabilang buhay na lamang.

Hanggang dito na lamang ang buhay ko . . .

Matagal ko nang inaasam na makasama na muli kita . . .

Paalam sa inyong lahat. Hanggang sa muli . . .

Justin Panganiban is signing off . . .

The End.

"Hindi porket magkaiba kayong uri hindi na kayo pwede sa isa't isa, may mga bagay lamang sa mundong ibabaw na hindi pwedeng ipagpilitan. Gaya na lamang sa nangyari kina Averie at Justin, pinagkaitan man sila ng tadhana ngunit sa puso nila mananatili ang pagmamahal nila sa isa't isa. Lumipas man ang panahon lagi nating tandaan na walang masama kung susubukan nating magmahal muli sapagkat baka ito na ang tamang panahon para kalimutan ang mapait na nakaraan na ating pinagdaan"

______________________________________________________________________________________________________ 

AN: End

🎉 Tapos mo nang basahin ang Different World #MLTimes2018 #BBA2018 #KidlatAwards2018 🎉
Different World #MLTimes2018 #BBA2018 #KidlatAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon