Chapter 1: Mysterious Forest

131 30 5
                                    

______________________________________________________________________________________________

Justin POV

Justin Panganiban 20 years of age, wala akong balak magkwento kung sino ako basta ito lang ang tatandaan ninyo isang hamak na POGI lang naman ako. Kaya kung may tutol kayo wala na akong magagawa sa inyo.

Tsk.

Kahit kailan talaga ang daming pakulo nang school na ito, paano ba naman sa dinami - dami pa nang pwedeng lugar ng camping namin dito pa sa gubat na ito. Hindi naman sa duwag o natatakot ako pero may bali - balita kasi na may kakaibang nilalang na naninirahan dito kaya nga hindi ko maiwasan na matakot. Hindi porket natatakot ako ay duwag na ako ayoko lang talagang may mangyaring masama sa akin dahil nakasisigurado ako na maraming iiyak kapag may nangyaring masama sa akin.

"Ano ba Justin hindi ka man lang ba naaawa sa akin kanina pa tayong naglalakad pero hindi mo man lang magawa na tulungan ako." Maarteng saad sa akin ng babaeng ito, sorry but I forgot her name.

"Tss. Wala akong pakialam kung nahihirapan ka na diyan sa mga dala mo, sino ba namang matinong tao na alam ng sa gubat ang punta ay todo naka - heels pa at saka miss huwag kang feeling dahil hindi naman kita kilala." Sabay alis ko sa harapan niya dahil nakakairita ang mukha niya.

Ayoko sa lahat 'yung maaarte lalo na at hindi naman kagandahan anong tingin niya sa akin alalay niya in her dreams. Hindi ko nga siya kilala, akala mo naman kung makaasta ay girlfriend ko. 

Habang naglalakad kami sa gubat na ito ewan ko ba kung paranoid lang ako o talaga bang tila kanina pang may nagmamasid sa amin. Hindi ko tuloy maiwasan na mag - isip ng kung ano - anong bagay lalo pa at medyo nakakatakot naman talaga sa lugar na ito. 

At sa wakas sa hinaba - haba ng paglalakad namin nakarating din kami pero hindi ko lang maiwasan na hindi uminit ang ulo ko sa naka - isip ng ideyang ito. Paano ba naman ang iniisip ko ay ayos na ang lugar na pupuntahan namin kami pa rin pala ang maglilinis ng bahay na tutuluyan namin. Halata mo naman na matagal ng walang naninirahan dahil sa kapal ng gabok at napapalibutan ng mga halaman na lumabag na kaya umabot na sa pintuan.

"Pare, bakit kanina ka pang nakabusangot diyan."  Tanong ng isa kong kaibigan.

"Talagang tinanong mo pa pare, sino ba naman matutuwa kapag nalaman mo na ganito ang lugar ng tutuluyan natin sa loob ng isang linggo? Isipin mo nga pare kung nakakatuwa ba ang ideyang ito." Saad ko sa kaibigan ko at tuluyan ng umalis para makapagpahangin man lang.

Hindi ko na siya pinakinggan pa at tuloy - tuloy na akong umalis sa lugar na tutuluyan namin. Bahala silang maglinis doon basta ako maglalakad - lakad muna ako. Hanggang sa hindi ko namamalayan na nakalayo na pala ako sa lugar na tutuluyan namin pero ayos lang tanda ko naman ang daan pabalik. 

Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha sa lugar paano ba naman kahit naman nakakatakot ang gubat na ito may itinatago naman pala itong kagandahan. Sino ba naman ang hindi mamamangha kung may ganito kagandang lugar isa lang naman siyang batis na napakalinaw na tila bantay sarado sa sobrang linis nito. Isama mo na rin ang mga naggagandahang bulaklak sa gilid nito.

Pipitas na sana ako ng magagandang bulaklak ng tila manigas ako sa narinig kong ungol na nagmumula sa likuran ko. Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko ngayon dahil may limang malaking wolf na tila ba gutom na gutom sila. Kaya wala akong magawa kung 'di ang umatras ng umatras sa tindi ng takot na nararamdaman ko. 

Hanggang sa bigla na lang akong sinugod ng isa sa kanila mabuti na lamang at agad kong naiharang ang kamay ko dahilan para ito ang makagat niya sa halip na ang mukha ko. Pero wrong move lang dahil hindi ko namalayan na mahuhulog na ako sa batis na hindi ko alam kung gaano ba ito kalalim.

Different World #MLTimes2018 #BBA2018 #KidlatAwards2018Where stories live. Discover now