Chapter 2: We Meet Again

78 27 6
                                    

Chapter 2: We Meet Again

Luigi POV

Luigi Plata at your service same age lang kami nang kaibigan kong si Justin. Speaking of Justin ang gagong 'yun kahit kailan talaga napakadaya niya. Talagang hinayaan lamang kami ang maglinis dito kung 'di ko lang talaga siya kaibigan kanina ko pa siyang nabigwasan. Halos lahat ay napatigil sa mga ginagawa nilang paglilinis. Nang bigla na lang humangin ng sobrang lakas na may kasamang kulog na kung mamasdan mong mabuti tila katapusan na nang mundo.

Makalipas ang limang minuto tila unti - unti na muling bumalik ang katahimikan sa paligid. Ewan ko ba pero pakiramdam ko talaga hindi lang kami ang naririto paano ko nasabi kasi naman nakakapanindig balahibo lang naman ang narinig naming ungol na tila ba galit na galit ito. Kaya nga binalaan kami nang mga tagabantay na kahit anong mangyari ay huwag aalis dito hanggat hindi nila nasisigurado na ligtas na ang magpagala - gala rito.

Kaya nga halos mabaliw na kami dito kahahanap sa kaibigan kong pa - VIP palagi akala mo naman saksakan ng pogi. Hamak naman na mas lamang ako sa kaniya ng mga isang paligo lang naman.

"Jev pare nakita mo na ba ang magaling nating kaibigan." Tanong ko kay Jev.

"Tsk. Hindi pa nga pare ang mabuti pa tumambay na lang muna tayo sa kwarto mo uuwi rin naman ang gunggong na 'yun kapag nagutom." Sabay akbay niya sa akin.

Nang makarating kami sa kwarto ko halos lumuwa ang mata naming dalawa paano ba naman may nakita lang naman kaming babae na hinahalikan si Justin at ang matindi pa nito bigla na lang siyang tumalon sa bintana. Kaya kaagad namin siyang tiningnan pero nakapagtataka lang kasi ang bilis niyang mawala. Napaisip tuloy ako baka mamaya magpinsan pala sila ni The Flash.

Tingnan mo nga naman ang siraulong to halos mabaliw kami sa kahahanap sa kaniya nandito lang naman pala siya sa kwarto at natutulog matindi pa nito may humalik na't lahat sa kaniya hindi man lang niya nalalaman. Saan kaya siya dumaan ni hindi nga namin siya nakitang dumaan sa pintuan 'di bale na nga lang tatanungin na lang namin 'yung babae na humalik sa kaniya baka sakaling kilala niya ito.

Kaya kaagad namin siyang sinapok para magising siya sa mahimbing niyang tulog.

"What the eff? Kitang natutulog ang tao istorbo naman kayo."

"Hoy Justin kanina ka pa pala dito hindi mo man lang sinabi sa amin, halos mabaliw kami kahahanap sayo tapos makikita ka lang namin dito na sarap na sarap---"

"T - teka nasaan ako? Nasaan 'yung babae?"

"Tsk. Nasa kwarto ka lang naman natin at saka sino bang sinasabi mong babae, alam ko na 'yun bang humalik sayo teka ami---"

"Bakit ako nandito kanina na lang nasa may batis ako, pero paanong napapunta ako dito sa kwarto natin saka 'yung mga wolf patay na ba ako o na---"

Hindi na namin tinapos ni Jev ang sinasabi niya kasi halata naman na wala pa siya sa katinuan niya. Pagpasensiyahan ninyo na lang guys ang kaibigan namin dahil baka nakalimutan na naman niyang uminom ng gamot niya kaya siya nagkakaganyan.

Daig pa kasi niya ang nababaliw lintik na Justin na ito kung ano - ano pa ang sasabihin halata naman na baka hanggang ngayon nananaginip lang pa rin siya. Kaya guys ako na ang humihingi nang pasensiya sa kabaliwan ng kaibigan namin.


Jev POV

Tsk.

Pasensiya na talaga guys kung umatake na naman ang pagkabaliw ng kaibigan namin hayaan ninyo na lang siya ang mahalaga ay pogi ako. Oo nga pala Jev Mendez is the name palayaw ko nga pala ay "Pogi Talaga Ako" huwag ninyong kakalimutan guys.

Different World #MLTimes2018 #BBA2018 #KidlatAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon