MLE: 11

12 1 0
                                    


Sasha

"My Ynnah, are you really okay?"

Ang kulit naman nitong si Kiel kanina pa how are you ng how are you tsk sabi kong okay lang ako?

Nasagasaan ba ako para hindi maging okay?

Nadapa ba ako para hindi maging okay?

Nasigawan ako? Oo! Yun lang yun! Naiinis lang ako dahil i've never been shouted since the day that my loving mother gave me birth! Ganon!

"Okay ako My Kiel!"

Mukha naman kasi itong hindi convinced kaya hinarap ko ito

"My Kiel, I admit that i was hurt. Alam mo naman diba? Since the day na pinanganak ako never akong nasigawan ng parents ko? Sabihin na nilang oa ako dahil ginagawa kong big deal ang maliit na bagay para sakanila, but they are not myself, and never will be"

Bumuntong hininga lamang ito.

"Okay, suko na na ako! Hmm? Alam mo naman na i will not let anyone hurt you"

"Tss. My old Kiel! Hahahahaha e ako pa nga laging nagtatanggol sayo e"

"So now you're bullying me? Uh im so hurt!"

Tumawa lamang ako

"Ah nga pala, kanina pa tayo nasa coffee shop na to, bored na ako atsaka kailangan ko nang umuwi baka hindi umuwi sa mama ngayong gabi, alam mo naman busy sa clinic"

"I'll drive you home"

"No need na my Kiel, I can go alone and walk alone"

"Okay okay, looks like i cannot do anything to stop you but be sure to go home safe hmm?"

"Yes master Kiel!"

Its already 6 pm at hindi na ako nakapasok sa panghapon kong mga klase dahil gusto ko munang mag unwind. Ay charot! Hahahaha. Kaya ayon? Sinamahan na ako ni Kiel sa paglibot libot kaya napadpad kami sa coffee shop para magpahinga.

Si Yannie naman ay kanina pa tawag ng tawag.

PrettyBesh calling*

And speaking of!

"Beshybessssh! I've been calling you so many times! Where have you been?"

"Yannie ha? Nahahawa ka na din ba sa kakaenglish ng mga tao kaya ka ganyan?!"

"To naman o! Try nga lang e, teka bat nga ba ngayon kalang sumagot? Saan ka galing ha? Akala ko'y nagbigti kana!"

"Anong pinagsasabi mo? Tsk, naglakad lakad lang ako kasama si Kiel—"

"H-hoy Sasha Ynnah Guerrero! Napapalapit kana sa president na yan ha? Makikita mo kukurutin talaga kita!!"

"Hay ang oa mo Yannie, bestfriend ko yung—"

"Bestfriend! Bestfriend ang sinasabi mo jan! Wag mo ako lolokohin bay!, sa tingin mo kaibigan turing sayo nun? Asa friend! A-S-A!"

Pansin ko lang? Bat ba masyadong highblood tong si Yannie kay Kiel?

"Baliw! Nagiging oa ka na naman! Inaano ka ba ni Kiel? Crush mo siya no? Wag mo na akong idaan sa mga pahate hate thingy mo, pwede naman kitang ilakad sakanya e hihihi" i teased her

"Holy son of a cow naman beshybesh! Iniisip mo ba ng mabuti yang sinasabi mo? Ako may gusto sa  mr. president na yon? EW as in EW!"

"Defensive be like hahaha!"

Ramdam kong umiirap na to ngayon! Haha!

"Oy ha? Nga pala beshybesh! Okay ka na ba?"

Here it goes again

Mr. Lab ExpertTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang