MLE: 13

8 1 0
                                    


Sasha

Sa sinabi niyang iyon lalo tuloy akong di nakapagfocus sa pagrereview tuloy malapit nang 11 pm at ako nalang ata ang di nakagets sa topic namin inizxcs!

Kalahati sa amin ay natutulog na sa guest room syempre dahil madami naman ang vacant guest room nina Z hinati  nalang yung babae tsaka lalake, yaman diba? samantalang ako, si Yannie, si Z na baka nasa kusina at si Xia nalang ang di pa natutulog, kailangan ko pang mag review dahil hindi ako kampante sa pinagaralan namin kanina, si Z naman kasi e!

Nagulat ako ng bigla akong nabuhusan ng juice sa may damit pag angat ko ng tingin automatikong kumulo ang dugo ko kanina pa to nananadya e, una nambabato ng papel na kunwariy aksidente daw tapos kanina pa sumisingit kada nag tatanong ako kay Z tuloy isa yun sa mga dahilang di ako kampante sa pagrereview kanina tapos ngayon urgh!!

"Kanina ka pa nananadya Xia!" Tiningnan lang ako nito sabay ngiting pilyo!

"Don't judge without evidences, alam mo bang makakasuhan ka pag ganon?" Ultimong uminit ang ulo ko sa babaeng nasa harapan ko!!

"Besh wag mo nang patulan!" Ngayon si Yannie ang umaawat sa akin, kanina ko pa siya pinagtitiisan!

"Wag mo akong ginagalit Xia!" Naiinis kong baling rito pero tila ba wala siyang narinig at binato ako nito ng unan!

"Such a cry baby! Yan lang ba ang kaya mo? Ang titigan ako? Well para sabihin ko sayo di ako mamamatay niyan!"

Tumayo na ako dahil punong puno na ako sa babaeng ito.

"Hindi ko alam kung anong nagawa ko sayo para tratuhin mo ako ng ganito pero ang alam ko ay wala akong kasalanan kaya kung gantihan man kita ngayon atleast masasabi kong hindi ako ang nauna!"

Sabay bato ko sa mukha niya yung juice na iniinuman ni Yannie kanina tapos di makapaniwalang tiningnan ako nito

"How dare you!! You dont know how much my dress is!"

"Wag mo akong ma how dare you how dare you dahil ikaw ang how dare you! Ang kapal din ng mukha mo para laitin si Yannie" sabay sampal ko sa kanya bagay sakanya iyon! Kulang pa nga e!

"What the?!" Sinampal din ako nito kaya di ko natiis ang sarili ko at sinambunutan ko ito,

"Let go of me! How dare you!"

"Walang hiya ka kulang pa to sa ginawa mo sa akin sumusobra ka ng clown ka!"

Natigil lang kami dahil sa nakakatakot na boses ang sumigaw sa amin

"ENOUGH THE BOTH OF YOU!!" Automatiko akong napabitaw sa buhok ni Xia na siya naman itong bumagsak wag mo sabihing aarte pa siya

"Z its really not my intention to hurt her pero binuhusan niya ako ng juice at sinampal pa niya ako dahil daw sa sinabi ko kanina sa kanya, humingi naman ako ng sorry pero ito yung ginanti niya sa akin" sabay iyak niya pa!

"Wag mo kaming artehan dahil makikit—"

"I SAID ENOUGH! For me its the both of you who starts this shit! Tinuringan kayong college students but you dont act like one! You are both immature!"

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo Z? Ako immature? Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko sa babaeng ito tapos ngayon na ipinapakita ko lang na di niya dapat ginagawa iyon immature na —"

He cutted me off

"Stop defending yourself! Alam mo Sasha ewan ko bat ang hilig mo sa away ganitong ganito din yong nangyare sa classroom before and then you wanted me to believe that you did not start this shit! Oh c'mon!"

Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ni Zander, akala ko ba he felt sorry dahil nasigawan niya ako the last time Xia and I argued tapos mauulit din pala? Ang hirap hirap ng intindihin ni Zander.

I hate this kind of situation! I dont know what to say, hindi ko gusto ang ganitong sitwasyon na yung ako pa yung naiipit sa ganito! Wtf!

"So yan yun? Ako na naman ba? Bat di mo tanungin si Yannie? Palibhasa kasi yan ang hirap sayo Z hindi ka marunong makinig ng side ng iba ang unfair mo ni hindi mo naman nakita ang buong pangyayare pero kung yan ang gusto mong paniwalaan bahala ka at ikaw naman babaeng sinagad ang make up at mukhang clown! Kung sinabi mo na sa akin maaga pa na ayaw mo ang presence ko edi sana kanina pa ako umalis dito, mag sama kayo!" Sabay kuha ko ng gamit ko at lumabas wala akong pake kung anong oras na

I cant believe this! Di ko nga alam kung anong kasalanan ko sakanila

"Besh! Uuwi ka? Baka mapano ka? Tingnan mo oh anong oras na?"

"Yannie, alam kong nag aalala ka pero kaya ko na ang sarili ko, uuwi na ako tsaka ikaw bumalik kana dun at dun ka nalang matulog"

Hinabol pa din ako nito.

"Besh naman e, kung uuwi ka sasama ako sayo" wala na akong nagawa kundi pasamahin siya sa akin

"Sana di mo na pinatulan ang ugali ni Xia"

Kung kaya ko lang sanang tiisin oero dinamay niya ang best friend ko e, yon ang di ko matitiis.

"Nangyare na Yannie"

Napabuntong hininga nalang ito.

Kinaumagahan ay maagang umalis sa bahay si Yannie para maghanda na sa exam namin mamayang 9 am oo dito na natulog si Yannie kagabi at buti nalang before kami natulog ay nakapagreview kami kahit na saglit

Bumaba na ako para mag agahan dahil nakaprepared naman na ako papuntang school

"Ija nagaantay na ang mama mo at kapatid mo sa baba tatawagin na sana kita dahil kakain na" ani ni manang

"Sige po manang, nandyan na po" pagbaba ko binati ko si mama at Sassy

"Oh Sash good luck sa exam mo" sabi ni Sassy

"Thanks Sas"

Padating ko sa classroom lahat ay abala sa exam namin, naroon na yong may maliit na kumpulan na nagtatanungan tungkol sa lesson nandoon na din yung nagmememorize sa isang tabi then mapadpad ang tingin ko sa seatmate kong siya rin palang nakatingin sa akin, umiwas ako ng tingin at umupo na sa tabi niya

"Sash oh bigay nung masungit na ssg president pang goodluck daw" bigay sa akin ng isang kahon sabay irap niya pataas

"Baka sayo to at di mo lang tinanggap" pang aasar ko sakanya

"Id rather fail than to receive that the hell i care thing inside that box"

"Ikaw na ang pinakamataray na taong nakilala ko hahaha sige besh good luck sa exam" ngumiti lamang ito at bumalik na sa kanyang upuan na di manlang pinansin tong katabi ko

Tiningnan ko naman yung laman ng kahon na bigay daw ni Kiel and its cupcakes, alam kong ginawa niya to, aside from being good in academics mahilig din itong magbake ng sweets at di  na ako magtaka na sooner or later magpatayo ito ng sarili niyang business

Tinikman ko naman ang isa rito at hindi pa din nagbabago ang baking skills niya, ang sarap pa din

"Sweets is number one cause of diabetes" napalingon naman ako sa tabi ko na nagbabasa ng libro nito tapos binalingan din ako nito ng tingin

"Im memorizing" baling nito uli sa libro nito, ano naman? Teka? May natopic ba kami sa sweets sweets na yan?

Siguro dahil di lang ako nakikinig? Idk.

"Everyone speed out and keep your things away from you so that we can start the examination"

Ginawa namin ang sinabi ni Doktora Martina at di  naman nag tagal nagumpisa na ang exam pagbalik ko sa upuan ko galing sa likod dahil linagay ko ang gamit ko ay may sticky notes na nakalagay sa upuan ko

"I'm sorry and good luck! I know you can do this"

Automatiko akong napalingon kay Z ngunit naguumpisa na itong magbasa ng test paper nito.

Ewan ko pero parang ginanahan akong sumagot sa exam ngayon.

To be continued!!

Mr. Lab ExpertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon