MIW:twenty-nine

1.5K 26 2
                                    

Natsumi's POV

Pagkatapos naming maglibot ng kaunti sa school ay naggrocery muna kami.

marami rami rin ang nabili namin... pauwi na kami at malapit na sana sa kotse namin..

pero nagulat na lang ako nang may humigit sakin at may matalas akong naramdaman sa tagiliran ko..

"Holdap to!"

Napamura na lang ako sa isip ko

".. ibigay mo ang pera at cellphone mo, makakuwi ka ng ligtas.." sabi naman nung nanghoholdap

"talagang makakauwi ako ng ligtas dahil hindi mo naman ako magagalusan kahit isa.." I smirked with the thought

Hinanap muna ng mata ko si Kurt at nakita kong malayo na siya.. saka ako ng smirk sa holdaper na to..

"Aba matapang ka ah" 

napaigtad ako ng lalo niyang idiin ang kutsilyo sa tagiliran ko... dmn!

"kung ako sayo magtatrabaho na lang ako kesa mang holdap.. dahil hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo"

Tila nagulat pa ang holdaper na to sa biglaang pag-iiba ng aura ko.. well isang legendary PAIN ang kinalaban mo...

"tss.. masyado kang matapang miss.. Ibigay mo na lang ang pera mo at wag nang maraming satsat"

"ah ganon ba? Tingnan naten"

Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa may leeg ko upang makatakas sa kanya bago sinipa ang kamay niya na may kutsilyo..

Sumugod siya ng suntok at gusto kong matawa dahil para siyang baklang kumukulbit lang kung sumuntok dahil madali ko lang iyong nasangga..

I was about to punch him ng may sumangga sa kamay ko.. pagtingin ko kapawa niya holdaper.. nagdala pa ng resbak ang baklang to..

Sinipa ko sa you-know-where-it-hurts yung resbak at mabilis itong binigyan ng suntok sa mukha..

Easy ko lang natalo yung resbak.. ang tibay lang nitong si baklang holdaper..

Nasipa ko naman sya sa mukha at sinigurado kong malakas yon.

Tumumba siya pero nagulat ako ng may hinugot siya at mabilis iyong itinutok sa akin..

Dmn! May baril siya..

Sisipain ko sana ang kamay niyang may baril pero natigil ako dahil sa tumawag sakin..

"NATSUMI!!!!"

Nilingon ko kung sino ang tumawag. Si Kurt... at nagulat ako ng may pumalo sa likod niya..

"Kurt!"

Nagawa naman niyang sipain ang kalaban kaya nakahinga ako ng maluwag..

Pupuntahan ko sana siya ngunit pinaputukan ako nung isa.. biglang nagkagulo.. narinig ng mga tao ang putok ng baril...

Mabilis kong hinanggit ang baril nung holdaper ngunit ayaw niyang ibigay.. naririnig ko na ang pagdating ng mga pulis...

Nangyari na din ang eksenang agawan ng baril na ito at hindi ko hahayaang ako na naman ang matamaan...

Isang nakakabinging putok ang nakapagpatigil sa lahat.

"NATSUMI!!!

Nakita kong pinalo ulit sa likod si Kurt..

---

Naipakulong na ang dalawang holdaper..

Hindi sa baril na pinag-aagawan namin nanggaling ang putok.. kundi sa mga pulis... kinuhanan lang ako ng statement at mabilis din naman akong nakaalis sa presinto..

Mabilis akong nagdrive pauwi sa bahay.. dahil...dinala ko lang sa bahay si Kurt.. kabilin-bilinan niya kase sakin na ayaw na niya ng magpunta sa hospital..

Tila hindi pa ako makapaniwala sa naganap kanina.. naulit na naman..

naulit na naman ang pangyayaring yon.. at ang masaklap nakita ni Kurt..

dapat ay hindi siya ma-stress ngayon dahil nahihirapan pa siyang mag-adjust pero heto nga ang nangyari

Nilagyan ko na din naman ng benda ang katawan niya upang gumaling ito mula sa pagkakapalo..

pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog.. sinusuklay ko ang medyo mahaba niyang buhok... hinalikan ko siya sa noo..


"hon... I love you"

-------------------------------------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

Book 2 of MIF:My Imbecile Wife(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon