Kabanata 4

7 1 0
                                    

Annyeonghaseyo! Enjoy reading.
5 votes, 5 comments for this chapter  and follow my account. Gomawo!!! 😃😃😃

Janicca's POV

"Ang galing mo talaga Nickx!" puri nya sakin dahil kakatapos lang ng midterm exams at isa ako sa mga nakakuha ng mataas na scores. Syempre pati sya kasali, di naman sya papatalo eh. Tsaka kailangan ko talagang ipasa sa dami ng late at absences ko kailangan ko ng mataas na scores para mahatak ang grades ko at dahil na rin sa part ako ng social welfare group or yung samahan ng mga scholars.

Dahil sa school na to as long as matataas ang grades sa academic okay lang kahit maraming late at absent. Ang Montereal International School ay binubuo ng mga mayayamang estudyante. Mga elites at inheritors, at ang mga gaya ko ay nabibilang sa social welfare group dahil scholar lang ako at masasabing matalino kaya nakakapasok sa ganto ka pamosong eskwelahan.

"By the way sa isang linggo na yung mini concert namin pumunta ka ha. Oh ito ang ticket mo" sabay lagay ng ticket sa kamay ko.

"Hindi ako pupunta." bored ang tonong saad ko at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway.

"Nicx naman eh pumunta ka naman!" pagmamaktol nya. Pero di ko pinansin. May naglalakad na babae papunta sa gawi namin at parang maiihi sa kilig dahil makakasalubong nya ang kumag na Lexus. Tss

"Wait" pigil ko sa babae at nagtataka nya akong tiningnan. "Oh ticket nasimot ko eh" sabi ko at naglakad na. Narinig kong napatili yung babae dahil nakalibre sya ng ticket. Sa pagkakaalam ko ay mahal ang ticket kaya mayayaman o rick kid lang ang makakadalo sa concert nya. Di na nakapagtataka.

Maya maya ay naramdaman kong nasa likod ko na ulit sya at handa nanamang mangulit.

"Nicx! Bakit mo naman ipinamigay yung ticket ko?" tss parang bata talaga to.

"Sa pagkakaalam ko ay ibinigay mo na yon sakin kaya hindi na yun sayo. At wala ka na ring pakielam kung anu man ang gawin ko sa ticket na yon" sabi ko at naupo sa wooden bench malapit sa field.

"Hmp! Sige ganyan ka, ayaw mo lang marinig yung pagkanta ko! Ni minsan hindi ka pumunta sa concert ko." ngumawa nanaman. Ang pangit naman kasi ng boses nya eh bakit ako pupunta? Ang dami ko kayang trabaho.

"Tumigil ka nga para kang bata!" Hindi ko tuloy mapigilan ang pagkunot ng noo ko ng tumingin ako sa field, santing ang init kaya napapikit ako. Humahapdi ang mga mata ko.

"Nicx naman eh...sige na pumunta kana" makaawa nya. Iminulat ko ang mata ko at tumingin sa kanya.

"Susubukan ko kapag wala akong trabaho, masaya kana?"

"Talaga??? Iintayin kita ah, hindi ako kakanta kapag hindi ka dumating. Oh ticket mo ulit hehehe" gusto kong matawa dahil sa itsura nya, ganon ba sya kasaya at pupunta ako?

Paniguradong kakausapin nya ang manager ko sa convenient store para bigyan ako ng day off at makapunta sa concert nya. Tss gamay na gamay ko na sya.

"Oh paano? Una na ko, may trabaho pa ko." patalikod kong winagayway ang kamay ko at iniwan sya doon. Dahil malamang sa hindi ngangawa nanaman sya at pipihilan akong umalis, kontra kase sya sa pagtatarabaho ko. Sabi nya pauutangin nya ko para sa pambayad ng miscellaneous fee sa school maging mga pamproject ko sasagutin daw nya at bayaran ko nalang daw sya kapag tapos nako magaral. Totoong napakabait nya pero ayoko ng ganong patakaran masyadong nakakahiya sa pagkatao ko tutal kompleto naman ang kamay at paa ko, anong dahilan para hindi ako magtabaho diba?

Mabuti nalang at hindi ako binubully ng mga estudyante sa MIS dahil sa estado ko ngayon.

Haysss paano nalng kung mawala ka bigla tulad nya...

De NovoWhere stories live. Discover now