Kabanata 7

15 0 0
                                    

"Miss. Zobel ang kailangan mo lang gawin ay linisin ang mga kwartong nakaassign sayo." sabi ng manager na babae sakin sabay bigay ng mga susi ng kwarto. Napatulala ako.

"Mas maraming kwarto mas malaki ang pera. Okay? Maiwan na kita." Tinitigan kong maigi ang mga susi na binigay nya. Kaya ko ba?

Mas maraming kwarto, mas malaking pera!

Kailangan mo ng pera Janicca.

R1004

Sinimulan ko ng linisin ang unang kwarto na nakaassign sakin. Mabilis ko iyong nalinis dahil hindi naman makalat. Mukhang maayos parin kung tutuusin. Gano'n rin naman sa mga sumunod na kwarto. Halos magtatatlong oras na akong naglilinis ng maisipan ko ng magpahinga. Kaunti nalang din naman ang kwartong lilinisin ko, kaya magpapahinga muna ako sandali.

To: Monte-arte

Gagabihin ako ng uwi. Magorder ka nalang ng dinner mo sa labas.

Sent.

Hindi naman siguro sya magagalit diba? Tss Nalala ko tuloy kanina ang eksena noong inaakay ko sya papunta sa kotse nya dahil awasan na. Napakaclingy ng damuho! Walang pakielam kahit pinagtitinginan na. Daig pa namin ang magsyota sa asta nya eh. Kung makaakbay parang yakap na ko at ayw kumawala. At sa twing naaalala ko kung gaano kalapit yung pagmumukha nya sa mukha ko nadidiri ako. Tapos sasabayan pa nya ng pagnguso argh! Nakakadiri talaga. Hindi marunong mahiya.

Pero sa kabilang banda ng isip ko nais kong matuwa sa paguugali nya. Sanay na ko na gano'n sya. Maarte pero mabait. Clingy pero carrying. Madaldal pero maasahan at higit sa lahat ayaw nya kong mapahamak o masaktan. Gusto nya kong pasayahin na minsan ata ay hindi nya ko nakitang nguminti ng tunay. Alam kong yun ang dahilan ng pagiging baliw nya minsan kahit na mukha na syang tanga, kahit kung ano ano na ginawa nya mapapangit lang ang itsura nya ayos lang basta mapatawa ako.

Parang ang sama sama ko tuloy dahil hindi ko manlang maipagkaloob ang kahit isang ngiti para sa kanya. Hayyy pero naa-appreciate ko lahay ng effort nya.

Nagsimula na muli akong maglampaso ng tiles at sinunod ko na ang comfort room. Matapos kung linisin ay lumipat na muli ako sa kasunod na kwarto. Gano'n nalang ako gulat ko ng madatnan ko ang isang lalaki na nakaupo sa couch at nagbabasa. Hindi naman nya ko pinansin pero alam kong alam nya ang pagpasok ko. Sinimulan kong pulutin ang mga balat ng chips at mga can ng beer na nakakalat. Ngayon ko lang napansin na napakarumi ng kwarto at sa tingin ko ay matatagalan ang paglilinis ko dito.

Hindi ko nalang pinansin ang dami ng kalat at mabilis kong natapos iyon. Inayos ko rin ang mga throw pillow na magulo ang pagkakaayos pero habang ginagawa ko iyon ay narinig ko ang pagpatak ng liquido na parang natatapon kaya't napalingon ako sa pinanggalingan non.

"Sorry, nadulas lang sa kamay ko." Sabi nya na may himig pangasar sa tono, at hindi na ako nagabala pang tinganan ang pagmumukha nya. Basta ang alam ko ay hawak nya ang isang botelya ng beer. Sinadya nya!

"Okay sir. Lilinisin ko nalang po ulit." magalang na saad ko at agad kong pinunasan iyon pero tinapu an nya ulit ng beer ang pinunasan ko. Pasensya Janicca.

Pasensya.

Agad ko rin iyong pinunasan, pero tuloy tuloy sya sa pagtatapon ng beer.

"Sa tingin ko ay sinasadya nyo na iyan." tiim bagang kong asik sa kanya. Halos mabura na ang parte ng sahig na aking pinupunasan dahil sa gigil na gigil ako sa pagpupunas.

"Well nageenjoy lang akong panoorin ka. Tumingin ka kase sakin kahit saglit." mayabang na turan nya pero hindi ko iyon pinansin napailing nalang ako sa asal nya. Baluga!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

De NovoWhere stories live. Discover now