Chapter 4

0 0 0
                                    

SELENE's POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising mas maaga sa normal kong pagbangon dahil paputol putol naman ang tulog ko. Ewan ko ba minamaligno yata ako

"Naks naman ang aga natin ngayon ah!"Pagbibiro ni Shy nang makababa ako ng Sala

"Asan sina Mommy at Daddy?"Tanong ko sakanya ng mapansing sya lang ang nasa sala

"Hindi sila umuwi kagabi eh doon muna raw sila sa La Union babalik rin naman daw sila mamaya para sa party ng kuya mo"Paliwanag ni Shy

Speaking of Kuya bumaba na si Kuya mula sa kwarto nya sa taas na katabi ng kwarto ni Shy

"Uh Good Morning"Bati nya saamin ni Shy na halatang inaantok pa

"Oh bat ang aga mo magising excited ka sa party mo?"Tanong ko sakanya

"Hindi naman inutusan lang ako ni daddy maging driver mo and may pupuntahan ako sa school mo kaya pumayag na rin ako"Sabi nya saakin

"Okay fine bilisan mo maligo kana ayoko ng pinaghihintay ah"Sagot ko naman

"Oh tapos ako ang paghihintayin mo?!"Sigaw nya saakin bago ako pumunta sa kusina




*West International University*

"Bye see you later. iiwanan ko tong kotse mo para may gamitin ka pauwi"Sabi ni kuya bago ako bumaba sa sasakyan

Wala namang masyadong nangyari sa first class discuss discuss lang naman hindi sya boring kase joker naman si Mrs.Ferrer minsan nga lang ay may pagkastrikto

Matapos ang 3 klase pwede na akong umuwi dahil 3 lang naman ang klase ko

To:Lve
Lve asan ka?makakapunta ka ba mamaya?party yun ni kuya eh hihintayin kita sa bahay.Miss you!

Matapos ko syang itext ay sumakay nako ng sasakyan pabalik ng bahay para tumulong sa pagaayos ng mga gagamitin para mamaya

"Buti naman naisipan mong umuwi ng maaga"Sabi ni Shy nang marating ko ang swimming pool sa may likod ng bahay

"Wala naman na akong gagawin and wala ako sa mood magbasa ng books so dito nalang ako"Paliwanag ko sakanya tsaka kinuha ang upuan na gagamitin para mamaya

Kasama ang Catering at ang iba pa naming kasambahay ay natapos namin agad ang venue ang sa foods and drinks ay si Kuya na ang bahala roon

"Asan pala si Kuya?kanina pa yun ah di pa ba sya umuuwi?"Tanong ko muli kay Shy ng makapagpahinga na kami

"Baka dumalaw lang sa mga kaibigan nya malay mo diba"Sagot nya naman saakin

From:Pearl
Selene what time yung party?

To:Pearl
Mamaya 8pm makakapunta ka diba?sabay sabay ba kayo nila Alex?

From:Pearl
Si Gwyn lang kasabay ko si Nics daw at Alex susunod nalang sila

Matapos nun ay umakyat nako sa taas upang magbabad sa shower dahil hindi ako komportableng gumalaw kase feeling ko ay ang lagkit ko na

7:30

Agad akong nagbihis ng isang short shorts at tshirt bago bumaba dahil pool party naman iyon

Wala pang masyadong bisita dahil maaga pa naman ang nandoon lang ay ang mga kaibigan ni kuya na kakilala ko,Kuya at Shy

"Hi Selene gumaganda tayo ah"Biro saakin ni kuya RR

"Shut the fuck up RR baka kung andito si Justin ay nasapak kana nun"Biro naman ni Kuya Renz tsaka sila tumawa

FatedWhere stories live. Discover now