Chapter 5

1 0 0
                                    

SELENE's POV

Sa mga sumunod na araw ay hindi padin nagpaparamdam saakin si Justin ganun padin ang routine ko magaaral,magbabasa,kakain at matutulog ilang beses ko na syang tinext pero hindi sya nagrereply

"Ano na Selene lutang ka nanaman cheer up baka busy lang yon!"Sabi ni Alex ng madatnan ko syang magisa sa table namin

"But what if--"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla syang magsalita

"Fuck that what if's walang mangyayari kung puro what if ang iniisip mo"Sabi nya saakin tsaka ibinalik ang tingin sa kanyang laptop

"Nakakabaliw Alex hindi ko na alam kung anong nangyayari sakanya girlfriend ako kaso parang wala lang ako sakanya"

"Baka nakakalimutan mo girlfriend ka lang"Sabi nya saakin habang nakatingin sa mata ko

Kahit kelan talaga tong si Alex ang laking tulong nya

"Bakit para yata kayong pinagsakluban ng langit at lupa?"Tanong ni Gwyn nang makaupo sya sa table kasama ni Pearl

"Ewan ko dyan sa kaibigan nyo nakakatanga problema nya"Paliwanag ni Alex habang nagtatype sa laptop nya

"Bakit pinuntahan mo na ba sa room nya?baka andun lang yun"Suhestyon ni Gwyn

"Ano tara puntahan natin sya?"Tanong naman ni Pearl

"Mamaya nalang dahil baka busy yon after class nalang siguro mauuna naman dismissal ko sakanya ng 1hr"Paliwanag ko sakanila

"Uh sige ikaw bahala"Sabi ni Gwyn tsaka na inumpisahang kumain

Matapos ang paguusap namin ay lutang parin ako napagusapan nila ang tungkol sa outing pero nararamdaman kong drawing nanaman,ang nalalapit na activity sa school at ang kung ano ano pa. Hindi rin naman ako masyadong nakinig dahil wala naman akong maintindihan

Nang tapos na ang 3rd class ko ay tinawagan ko si Nicole na pumunta sa canteen dahil magpapasama ako sakanya sa room ni Justin dahil alam kong sya lang ang free ngayong oras

"Ano tara na?"Tanong ni Nicole saakin nang makalapit sya sa Table namin

Nasa hallway kami papunta sa 4th floor ng Engr. building nang may marinig kaming nagaaway

Medyo pamilyar ang isang boses ngunit hindi ko nalang iyon pinansin dahil hindi maaaring sya iyon

"Ito na yung room oh katok ka ikaw naman mayari ng school"Sabi ni Nicole saakin at agad naman akong kumatok

"Good afternoon po sir andito po ba si Shawn Justin Castillo?"Tanong ko at narinig ko pang banggitin ng Prof. Nila ang pangalan nya ngunit walang sumagot sakanila

"Ah si Justin ba?hindi sya pumasok mula kaninang umaga eh"Narinig kong sabi ng isa sa mga kaklase nya tumango naman ako at nagpasalamat bago iwan ang room nya

"San mo sya hahanapin sa bahay nila ganun?"Tanong ni Nicole saakin

"Kung doon ko sya mahahanap ay sige pupunta ako"Sagot ko naman sakanya

"Jusmiyo, Well ikaw bahala katangahan mo yan eh"Sabi nya saakin tsaka na sya nagpaalam dahil may last class pa raw sya

*Villa Castillo*

Nang marating ko ang bahay nila ay agad akong pinapasok ng gwardya dahil kilala naman na nila ako.agad kong hinanap ang lider ng mga kasambahay nila dahil medyo kaclose ko naman sya

"Manang,Andito po ba si Justin?hindi po kase sya pumasok kanina"Tanong ko nang marating ko ang kwarto ng mga kasambahay nila

"Hindi pa sya umuuwi rito mula kagabi pinasyal nya kase si Ms.Zea dahil nakabalik na sya hindi pa ba nya sinasabi sa iyo?"Pagtatakang tanong ni Manang saakin

FatedWhere stories live. Discover now