Chapter 6

0 0 0
                                    


SELENE's POV

Pumasok ako ng normal kahit walang Justin na laging nangungulit saakin, Kahit wala ang mga kaibigan kong laging nangaasar saakin lagi pinilit kong magfocus muna sa lessons namin dahil inannounce kanina na baka next month ay Foundation day na ng school

Bago maglunch ay idinaan ko muna sa Chief namin ang article na ginawa ko para sa school newspaper namin na ilalabas na next month bago ang Foundation day

Nang marating ko ang Restaurant na malapit sa school ay nagmasidmasid ako, marami akong nakitang couples, mga magbabarkada at ang iba sakanila ay pamilya

Nang dumating ang order ko ay sinimulan ko ng kumain ng wala sa sarili dahil medyo natotoxic ako sa mga pinapagawang articles at sumabay pa si Justin

"Miss can i have this seat?" Tanong ng isang lalaki na nagaaral sa may kabilang school na isang kanto ang layo mula sa school namin

Well gwapo naman sya kahit payat maputi at nafefeel ko namang matalino sya dahil sa dala nyang books and mukha nya

Tumango lang ako sa lalaki at kumain na ulit, nang makaalis ang lalaki ay nagumpisa nanamang lumipad ng utak ko at hindi ko namamalayang 5 mins. Nalang pala ang natitira sa vacant ko

Tumakbo ako ng pinakamabilis na takbong magagawa ko upang makaabot sa 3rd class ko at sa awa ng sapatos ko ay nakaabot naman ako

Nagdiscuss ang Prof. Namin at laking pasalamat ko nang maintindihan ko naman iyon kahit papaano

From:Nicole
I need to unwind sama ka? Let's have a drink dyan lang sa kabilang kanto yung malapit na bar doon hintayin kita sa table natin

Pinuntahan ko na sya sa table at nakita kong andun na nga sya kasama si Gwyn,halatang problemado sya hindi ko na siya tinanong kung ano ang problema nya dahil ang pinoproblema lang naman nyan madalas ay family,kami at si Krister yung boyfriend nya

"What time tayo pupunta diba may class pa kayo?"Tanong ko sakanilang dalawa ng makaupo ako sa harap nila

"Nilabas ako netong bruhang to habang nagquiquiz kami hindi nako papasok nawalan ako ng gana 50 items pa naman iyon" Sagot ni Gwyn saakin

Nang tumayo si Nicole ay sumunod na rin kami sakanya sa parking lot at sumakay sa sarili naming mga sasakyan

Nang makarating kami sa sinasabing bar ni Nicole ay agad kong ginala ang aking mata hindi naman ito ang unang beses kong makapasok sa bar dahil lagi akong sinasama nina Shy at Jin dito noong nasa Highschool pa kami

"Yes maam?"Rinig kong hindi makapaniwalang sabi ng bartender

"I said yung pinakamatapang nyong alak!give us 10 bottles!"Sigaw ni Nicole sakanya na talaga namang ikinabigla namin ni Gwyn hindi lang ng bartender

Agad namang sumunod ang bartender sa sinabi ni Nicole at sinerve ang order namin

Nang maka 7 shots na kami ay agad tumulo ang luha ni Nicole na agad din nyang pinunasan

"Ayos lang yan andito naman kami sige na iiyak mo lang yan"Sabi ni Gwyn at tsaka sunod sunod na pumatak ang luha ni Nicole

"All these years akala ko magkakaibigan tayo,akala ko walang bibitaw saatin kahit anong mangyari"Paguumpisa ni Nicole habang tuloy tuloy parin ang pagbuhos ng mga luha galing sa mga mata nya

Uminom muna sya ng isang shot bago magpatuloy "10 fucking years! Sampung taon tayong magkakasama and then magaaway lang kami dahil sa isang misunderstanding?! Fuck" Pagpapatuloy nya tsaka ulit tumungga ng isang shot

"Akala ko kelangan nya lang ng oras para makapagisip ng maayos dahil kahit sinong nasa lagay nya ay matutuliro pero tangina nagkamali ako"Dagdag ni Nicole tsaka pinunasan ang luha sa mga mata nya

Kami ni Gwyn ay tahimik lang na nakikinig at paminsan minsa'y tumitikim rin sa alak dahil hindi kami pwedeng malasing ngayon

"Intindihin mo nalang sya alam mo namang childish si Pearl eh"Sabi ko sakanya habang pinapatahan sya

"Inintindi ko sya ako nalang lagi umiintindi saaming dalawa ako nalang lagi ang nagpapaubaya dahil kaibigan ko sya kaibigan natin sya, pero sana naman kahit ngayon lang, kahit isang beses man lang ako rin naman ang intindihin nya dahil nakakapagod na" Sagot ni Nicole tsaka tuloy tuloy na humagulgol

Buti nalang ay malakas ang musika kaya ay hindi naririnig ang mga hagulgol at kahit ang mga pagsigaw ni Nicole

"Maaayos rin natin to diba nga sabi ni Selene it takes time hayaan muna natin sya hindi naman sya pababayaan ni Alex eh"Sabi ni Gwyn at binigyan ng pinakamatamis na ngiti si Nicole

"So ano na imbes magiyakan tayo ditong tatlong let's party!"Aya ko sakanilang dalawa at tumayo papunta sa may gitna

Iniwan namin si Nicole sa gitna upang makapagliwaliw muna sya at kami naman ni Gwyn ang naiwan sa table upang magbantay ng gamit

Uminom kami ni Gwyn ngunit hindi ko dinamihan dahil baka maamoy ako ni Shy at isumbong kay daddy

Nang matapos ang tatlong kanta ay umupo na si Nicole at itinungga ang isang bote ng alak

Kahit kelan talaga tong babaeng to adik sa alak eh

"Guys dyan muna kayo ha CR lang ako saglit"Paalam ko sakanilang dalawa at nagmadaling pumasok ng CR dahil ihing ihi na ako

nang makapasok ako sa CR ay may narinig akong parang nagmomoan sa may huling cubicle

What the shit! lord patawarin nyo po sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa sa mga sandaling ito
Pagdarasal ko sa utak ko

At dahil sa kuryosidad ay sumilip ako sa huling cubicle dahil bukas ng kaunti ang pinto noon at laking gulat ko ng makita kung sino ang nasa loob

Agad akong umihi at tsaka naghilamos ng mukha dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakita ilang ulit kong ipinagdasal na sana ay hindi sya ang nakita ko at impluwensya lang ng alak sa aking katawan ang dahilan kung bakit ganoon ang nakita ko

Dali-Dali akong lumabas matapos kong maghilamos at bumalik sa kinaroroonan nina Gwyn at Nicole

Nakita ko pa ang dalawa na halatang lasing na lasing na bigla tuloy akong natawa sa mga itsura nila dahil si Nicole ay nakasubsob na ang mukha sa Strawberry pie na binili ko habang si Gwyn naman ay masarap na ang tulog

Hays this two sabi ko saaking isip habang umiiling iling pa

Nagpatulong ako sa mga bouncer na buhatin silang dalawa papunta saaking sasakyan dahil ayaw ko naman silang iwanan dito magisa

Mabilis lang ang naging byahe ko sa paghahatid kay Nicole dahil malapit lang naman sa bar na iyon ang Condo na tinitirahan nya, kay Gwyn ako natagalan dahil sa kabilang bayan pa ang Condo nya ayaw ko naman syang iuwi sa bahay nila dahil ayokong mapagalitan sya ng daddy nya dahil nanaman sa paglalasing nya

Nang ako nalang magisa ay bumalik nanaman sa aking isipan ang nakita ko kanina sa cubicle at paulit ulit ko ulit na dinasal na sana ay hindi sya iyon

"Gabing gabi na saan ka pumunta?"Tanong saakin ni Daddy nang makapasok ang aking sasakyan sa garahe

"Sinamahan ko lang po si Nicole dun sa Bar sa kabilang kanto ng school"Sagot ko kay Daddy habang lumalabas ng sasakyan

"Sa susunod ay magpaalam ka kung pupunta ka sa mga ganyang lugar para maipasama namin si Shy sayo dahil hindi mo kilala ang ugali ng mga tao riyan" Bilin ni daddy saakin at tumango naman ako bago pumasok sa loob ng bahay

Sa sala ay nadatnan ko na si Kuya At Shy na naglalaro sa Xbox hindi ako pinansin ni Kuya at si Shy naman ay tinanong lang kung saan ako nanggaling ngunit sinamaan ko lang sya ng tingin

Nagbabad ako sa aking Bathtub at duon na rin nagpahinga

To be continued.....


FatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon