Chapter 7

0 0 0
                                    


SELENE's POV

Nagising ako dahil sa presensya na naramdaman ko sa aking silid

"Gising kana pala ija" Bati saakin ni Manang tsaka ngumiti

"Paano ako nakapunta dito sa kama ko?"Tanong ko sakanya dahil ang naaalala ko ay sa bathtub ako natulog

"Binuhat ka ng kuya mo kagabi dahil sabi ng daddy nyo ay wag ka raw gisingin dahil lasing ka"Pagpapaliwanag ni Manang

Nang makita ko ang orasan ay agad na nanlaki ang aking mga mata dahil tanghali na

"Manang bat hindi nyo ako ginising may pasok pa ako ngayon!"Hindi ko mapigilang malakasan ang boses ko ng sabihin ko iyon kay manang

"Hindi ka na pinagising ng daddy mo ieexcuse ka nalang raw nya sa klase"Sabi ni manang

Wala na akong nagawa kaya ay naligo nalang ako bago bumaba at kumain ng tanghalian

"Maam Selene pinapatawag po kayo ni Sir Shy sa may garden"Sabi ng isa sa mga kasambahay namin

Tinanguan ko lang naman sya tsaka dumiretso muna ako sa kusina para kumuha ng tinapay at lettuce

"Bakit?"Tanong ko kay Shy ng makita ko syang nakaupo sa isang upuan sa may garden na malalim ang iniisip

Natigilan ako nang makita kung sino ang kasama nya na dahilan upang hindi nya ako lingunin, Nang makarating ako sa harapan nila ay agad umalis si Shy at iniwan kaming dalawa ni Justin sa may garden

"Oh Justin ngayon ka lang? I missed you lve!"Masiglang bati ko sakanya tsaka hinalikan sya sa pisngi ngunit hindi parin nagbabago ang mukha nya "May problema ba?"Tanong ko sakanya at umupo sa kaninang inupuan ni Shy

"Let's break up"Iyon lamang ang narinig ko ngunit para akong pinagsakluban ng langit at lupa

Hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang luha ko "Bakit?Saan ako nagkulang Justin? Saan ba ako nagkamali?Hindi pa ba ako sapat!?"Pasigaw na tanong ko sakanya

"No hindi ikaw, ako ang may problema baka siguro nagsasawa na-"Hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil isang malakas ng sampal ang dumapo sa pisngi nya

"Dahil ba dun sa babae kagabi ha?dahil ba sakanya!?Justin halos dalawang linggo kang nawala and you don't know how it fucking hurts!hindi mo alam pinagdaanan ko nang mga sandaling ni anino mo ay hindi ko makita"Sigaw ko sakanya

Kitang kita ko kung paano mabigla ang mukha nya "Paano mo-"Sabi nya ngunit pinutol ko nanaman sya sa sasabihin nya

"Nandoon ako at kitang kita ko kung paano kayo maghalikan ng babae mo! 2 linggo akong halos mabaliw kakahanap at kakaalala sayo tapos magpapakita ka ng ganyan ang sasabihin mo?nanggagago ka ba?!"Muli kong sigaw sakanya at sinampal nanaman sya

"Oo dahil doon sa babae kagabi!Oo dahil sakanya! Bakit kaya mo bang ibigay ang mga naibibigay nya saakin?Ngayon narealize ko na mas masaya ako tuwing kasama ko sya na mas masaya ako sakanya kesa sayo!Let's end it here ayoko na sawang sawa nako sayo!"Muli nyang sigaw saakin at tatayo na sana sya nang bigla ko syang hilahin pabalik sa upuan

"Justin isipin mo naman yung dalawang taong pinagsamahan nating dalawa, isipin mo yung mga bagay na ginawa natin ng magkasama yung mga araw na masaya pa tayo Justin isipin mo yun"Sabi ko sakanya habang hawak hawak ang kanya kamay

"No i can't do this anymore please let me go hindi na kita mahal wala na akong maramdaman sa tuwing yayakapin mo ako o di kaya ay hahalikan, Ayoko na pagod nako sorry"Sabi nya tsaka ako iniwan sa may garden

Ang sakit,Sobrang sakit matapos ang dalawang taon ganun ganun na lang ba iyon?

Tanging pagiyak lamang ang nagawa ko hanggang sa dumating si Shy na may dalang pagkain, tubig at pamunas

"Shhh tama na yan pati yung mukhang yun iiyakan pogi pako dun"Sabi nya saakin habang hinahagod ang likod ko

"Shy saan ba ako nagkulang?Wala naman hindi ba? Binigay ko naman ang lahat sakanya bakit hindi sya nakontento saakin?"Tanong ko sakanya habang patuloy parin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko

"Hindi ikaw ang nagkulang,hindi ikaw ang nagkamali kundi sya hayaan mo na sya dyan hindi nya deserve ang kaisa-isang pamangkin ko"Sabi nya tsaka pinunasan ang luha ko "Tahan na kain ka muna hindi ka pa raw nagaalmusal"Sabi nya at ibinigay saakin ang Lunch ko

Matapos kong kumain ay nagkulong na ako sa kwarto ko, biglang bumalik sa aking ala-ala lahat ng pinagsamahan namin ni Justin umpisa sa makabalik sya dito galing states yung pagbibilliards namin na kelangan pa namin tumakas kay Shy para magamit ang Biliiards table nya, ang paglalaro namin noon sa tuwing umuulan, ang mga kagaguhang ginawa namin ang sarap balikan parang kelan lang ito nangyari akala ko ay mangyayari pa ulit iyon ngunit nagkamali ako

Tumingin ako sa kawalan tsaka muling naglakbay ang aking utak
Sabi mo hinding hindi moko iiwan, naalala mo pa ba noong nagbrown out sa bahay nyo noong mga bata pa tayo tapos iyak ako ng iyak sabi mo wag akong matakot sa dilim dahil kasama kita at hinding hindi mo ako iiwan kahit gaano pa kadilim ang kaharapin natin? Akala ko ba hinding hindi ka susuko pero nasaan kana? Sabi mo tutuparin natin ang mga pangarap natin pero bakit parang ako nalang ang gagawa nun magisa? Ang sakit Justin napaka sakit!

Sobrang sakit ng ginawa nya ayos pa sana kung sinabi lang  nyang sawa na sya pero bat isang dahilan doon ay ang ibang babae at kapusukan? Akala ko iba sya sa lalaking kilala ko isa rin pala sya sa mga 'yon akala ko hindi sya tulad ng iba eh tangina nakakagago

"See?ito ang paulit ulit ko nang sinasabi sayo eh"Sabi ni Kuya na hindi ko man lang naramdamang pumasok sa kwarto ko

"Kuya ganyan ba kayong mga lalaki madaling bumigay kapag kapusuan ang usapan?"Tanong ko sakanya na naiiyak pa

"Hoy hindi naman porket ipinagpalit ka dahil sa kapusukan eh lalahatin mo na kaming mga lalaki!"Sigaw saakin ni Kuya tsaka binato ako ng unan

"Shit!"Mura ko nang matamaan ako ng unan sa mukha "Tumakbo kana kuya dahil pag nahabol kita ay baka hindi kana makakain ng hapunan mamaya"Sigaw ko sakanya ngunit hindi sya nagpatinag

Umupo si Kuya sa tabi ko at muling nagsalita "Wag ka nalang kaya ulit magmahal? Pagpahingahin mo muna yang puso mo 25 ka palang naman marami ka pang pagdaraanan"Seryosong sabi saakin ni Kuya

"Ah ano itutulad mo ako sayo?kung sabagay wala ka pa ngang naging girlfriend kase crush mo si kuya RR"Pangaasar ko sakanya

"Ano!?Wag mo nga pagdudahan kasarian ko baka sa susunod na punta ko sa kwarto mo ay kami na ng kaibigan mo"Seryosing sabi ni Kuya na talagang ikinagulat ko

"Hoy kuya tigilan mo yang kaibigan ko niloloko mo lang naman yun eh"Sabi ko sakanya

Tumawa naman sya tsaka biglang nagsalita "Eto na seryoso na to, wag ka munang magmamahal ulit ayokong nakikita kang umiiyak gusto ko kami lang ni Shy nagpapaiyak sayo, Prinsesa ka namin tapos pinapaiyak ka lang nila?Yang susunod na boyfriend mo daraan muna saakin ha naiintindihan mo?"Sabi ni kuya tsaka ako niyakap

"Thank you kuya"Sabi ko habang nakayakap padin sakanya

"Ano kayo lang ba magyayakapan dyan?"Pabirong tanong ni Shy tsaka lumapit saamin at yumakap

"Selene Tandaan mo na kahit wala kang lovelife eh nandito kami ng kuya mo para sayo ha?Mahal na mahal ka namin ng kuya mo kahit bossy ka at kahit ganito kami sayo"Sabi ni Shy habang nakayakap

"Love you Kuya,Tito"Sabi ko sakanila nang makakalas na kami mula sa pagkakayakap

"Sana pala Shy laging brokenhearted 'to para laging sweet satin hindi amazona"Sabi ni Kuya tsaka ko sya binatukan

"Kita mo na?"Sabi nya kay Shy tsaka kami tumawa

To be Continued.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FatedWhere stories live. Discover now