Entry #2

64.6K 1.1K 171
                                    

Entry #2

Dear Diary,

Madami ang nagsasabi na kung ayaw daw sa akin ni Anya sa kanila na daw ako. Siguro mangyayari lang yun dear diary kung hindi ko maaagaw si ANya kay Johnny. OO! Nakapagdecide na ako na aagawin ko siya kay Johnny. May nakapagsabi kasi na uso na yun ngayon. Eh di makikiuso ako! Bwahahaha!

OO nga pala, last time umuwi ang pasaway kong kapatid na si Joanne sa bahay kasama ang mga kaofficemate at kaibigan niya dear diary. Nagkataon na naglalaro ako noon ng Call of Duty, Black Ops sa sala namin. Tapos na nagulat na lang ako na dumating sila.

Natulala ako kasi isa sa kanila si Anya. Hindi na ako nakagalaw. Hindi ko na napindot ang controller ng PS3. Natalo tuloy ako. T_T.

Ang mas nakakagulat pa dear diary, nung nakarecover na ako, nakiupo si Anya sa tabi ko at nakipaglaro sa akin. Magkalaban kami pero shet lang, hindi ko siya magawang barilin. Talo tuloy ako.

Hindi man lang ako nakapagpakitang gilas.

SImula noon, palagi ko na siyang tinatanong kay Joanne. Minsan sinasadya ko pang kunyaring pupunta sa opisina nila ni Joanne para makita lang si Anya.

Alam kung may alam na ang baliw kong kapatid. Malakas kasi ang pakiramdam noon pero hindi lang siya nagsasalita.Hinahayaan niya akong dumiskarte pero takte ni hindi ko nga alam kung paano sisimulan ang pang aagaw ko.

Ang hirap pala.

Hindi ko alam ang steps.

tapos nagulat ako nung isang beses, kinamusta ko si Anya kay Joanne at nagulat ako sa sinagot ni Joanne:

"Okay naman si Anya, ayun ang isang pack ng condom naubos niya ng isang linggo."

Nagulantang ang aking pagkatao.

Ano ang ibig sabihin noon? Ay takte! siempre alam ko na ang ibig sabihin nun. Nagulat lang talaga ako.

Parnag biglang uminit ang paligid.

Kaya may mga katanungan ulit ako dear diary?

Ano ba ang mga steps ng pang aagaw ng gf ng iba?

At......

Kinakailangan ko na bang punuin ang drawer ko ng condoms?

Just in case??

Love,

Paolo

P.S. May picture pala ni Anya sa gilid. Kinuha ko yan one time sa wallet ni Johnny nung nagkunyari akong hihingi ng discount card sa isang h/motel. Madami kasi siya noon. Alam na!!!

Ang Diary ni Jeannie PaoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon