Entry #3

56.6K 1.1K 182
                                    

Entry #3

Dear Diary,

Kunting kunti na lang malalandi na ako ni Casper! Sa  kanya na daw ako oh! Wahahaha. Pwede! Joke! Kay Anya lang kaya ako!

Oo nga pala, dear diary, nainis ako last time kasi nagdeposit ako sa bangko. At ang tawag ba naman sa akin ng cashier ay Geenee Paolo Zamora. What the heck di ba? Hindi naman ganun ang pagpronounced ng name ko. Jeannie is pronounced as Zhahnnie because Jean is pronounced as Zhahn in French. Sa susunod nga tuturuan ko ng French word pronunciation ang cashier na yun. Kaya pinull out ko nga ang lahat ng savings ko sa bangko na yun. As in lahat. Di ko tuloy alam kong saan ko idedeposit ang 10K. At baka maholdap pa ako! Wahahaha.

Kaya sa lahat ng magkamali sa pagpronounced sa pangalan ko, di na ako magdedeposit sa inyo.

Anyway ang galing mong mag advice dear diary. Maraming salamat. Kaya susundin ko ang payo niyo na kikilalanin ko si Anya. At magagawa ko yun kung makukuha ko ang number niya. Pero dear diary, hindi ko naman inakala na ang mahal pala ng number ni Anya.Tinanong ko kasi si Joanne ng number ni Anya at ang sagot ba naman sa akin ay....

"AYOKO NGA" Malutong yan dear diary at naka all caps pa. Takte!

"Bibigyan kita ng iPad 4G" Sabi ko naman sa kanya. Ganyan ako ka desperado dear diary.

"Anong akala mo sa akin? Masosohulan?" May kasama pang irap yan. Kainis itong kapatid ko. Ang damot damot.

"May kasamang iPhone 4S" 

"09165006589" Mas mabilis pa sa alas kwatro. Pero nabutas naman ang bulsa ko. Langya yan!

Pagkakuha ko ng number niya tinext ko siya kaagad.

'Hi! How's your day?' Yan ang text ko sa kanya.  Ngumingiti pa ako niyan kasi excited ako sa reply niya. Naghintay ako ng mga 10 minutes tsaka ako nakareceive ng reply. Medyo kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

'Hu u?' Yan ang sagot niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Magpapakilala ba ako? Pero baka itanong niya kung bakit ako nagtetetx sa kanya. Sasabihin ko na ba agad na gusto ko siya? Baka magalit siya.

Yan ang mga katanungan ko dear diary habang binabasa paulit ulit ang reply niya.

'I just got your number by a chance' Hindi ko din alam kung bakit yun ang nireply ko. Feeling ko kais yun ang pinakasafe.

Mga wala pang 1 minute nagreply na siya.

'Fuck you!!!!'

Bakit?

Bakit ganun ang reply niya dear diary?

Sinunod ko naman ang payo mo na kilalanin siya. Kinuha ko naman ang cellphone number niya para magkakakilanlan kami at para masimulan ang panunulot sa kanya.

Pero bakit bigla kaming umabot sa 'fuck you?'

May mali ba sa ginawa ko?

Naguguluhan,

Paolo

P.S.

Di ba gusto mo dear diary na ipost ko ang pic ko? Ayan po sa gilid ang pic ko. Pinutol ko kasi bawal daw makita ang pagmumukha ko. Kaya sa ngayon maglaway ka muna sa abs ko. Wahahaha.

Maglaway ka dear diary.

Ang Diary ni Jeannie PaoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon