Entry #4

53K 1K 173
                                    

Entry #4

Dear Diary,

Ano ba ang isasagot mo pag tinext ka ng Fuck you?

Pwede ba akong magreply ng, 'same to you'? Hahahahaha.

Pero siempre hindi ko tinext yun. Baka lalong magalit. Hindi ko muna pinairal ang kaba ko, para saan pa ang pagiging lalaki ko kung hindi ako marunong magpakilig ng babae.

At isa pa dear diary, ayaw kong matapos ang pagtetext namin sa isang 'fuck you'. Kaya ang tinext ko,

"Highblood agad Anya?"

"Bakit kilala mo ako? Sino ka ba? Saan mo nakuha ang number ko?" Ang daming tanong. Sinasabi ko na nga ba eh. Ganyan talaga ang  mga babae dear diary, madali silang macurious. They want to know every detail.  Tapos mabilis silang magconclude pero bago sila makapagconclude, madami munang theory na mabubuo sa utak nila. Hahahaha.

"Kilala mo rin ako, hiningi ko ang number mo sa kapatid ko." Straight to the point na ako. Takte kasing mga reader ng diary ko, mali daw ang tinext ko. Corny daw! try kaya nilang maging lalaki. Mga pakyu sila! Hahahahaha. Peace!

"Kulit ng lahi mo ah! Sino ka ba?"

"Jeannie Paolo Zamora." ALam, mo dear diary. nagtataka ako habang sinusulat ko ang mga entries dito sa diary ko. Bakit naalala ko ang mga text exchanges namin. Di kaya fabricated lang ang diary na to? Wahahaha.

"Ahhhh, ikaw yung kapatid ni Joanne at kaibigan ni Johnny. Naklu, pasensiya ka na at natarayan kita. Ang ewan at ang corny kasi nugn reply mo. Hehehe." napangiti ako sa reply niya. Tama pala ang mga reader nito. Pero medyo nadismaya din ako sa reply niya.

"Hindi. Hindi ako kapatid ni Joanne at kaibigan ni Johnny." Send. Alam kong nagtaka siya sa reply ko. Ideny ko ba naman ang kaibigan at kapatid ko. Kung kaibigan okay lang kasi tatraidurin ko naman yun pero kapatid? tsk. tsk!

Tinawagan ko na siya bago pa siya makapagreply. Bahala na pero todo na talaga to.

"Hello." Ang ganda ng boses niya dear diary, swear.

Ang Diary ni Jeannie PaoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon