Entry #7

42.3K 942 131
                                    

Entry #7

Dear Diary,

Nagdate kami ni Anya! Totoo! Hindi ito joke lang. Nag lunch date kami.  At ito ang nangyari.

Pagpasok pa lang niya sa restaurant alam kong masama na ang mood niya. Nakasimangot kasi siya pero nevertheless hindi ko iyon pinansin. Pero hindi pa nga siya nakakaupo ito na agad ang sinabi niya...

"Don't think of it as a date! Pumunta ako dito dahil kliyente ka namin and nothing else. At kung ano man ang plano mo, hindi ka magtatagumpay" Galit na galit siya pero ang ganda pa din niya dear diary.  

"Anya, ang alam ko lang na plano ko, ay ang pinapagawa ko sa kompanya niyo." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Hindi niya ata inakalang, susupalpalin ko siya. Nakita ko siyang namula at walang sabi sabing umupo sa upuan. 

Wala siyang sinayang na oras, agad agad niyang tiningnan ang land title para mapag aralan at diniscuss kung anong klaseng bahay ang ipapagawa ko. I indulge her. Ayaw ko namang lalo niya akong kainisan. 

"Wala ka bang picture ng lupa para makita ko?" She is very professional na nakakaasar. bakit napakaseryoso niya pag ako ang kaharap samantalang pag ibang tao nagagawa naman niyang ngumiti.

"Wala akong picture. But if you want we could visit the site. Sa QC lang naman ang lugar." Hindi ko alam kung anong sumapi sa kanyang espiritu pero pumayag siya dear diary. 

Natuwa ako pero siempre tinago ko. Baka kasi tarayan na naman ako. Naka convoy kami habang papuntang sa location. Sumusunod siya sa akin.

Sana literal na lang di ba? Literal na lang na susundan niya ako kahit saan ako pumunta. Hehehe.

Mabilis lang naman kaming nakarating sa location. Tinitingnan ko lang siya habang chinicheck niya ang lupa. 

Buti pa ang lupa, sinusuri niya samantalang ako, halos hindi niya sulyapan. 

I swear, it was not deliberate on my part nung hawakan ko ang siko niya para alalayan siya pero pumiksi siya. Bigla akong nainis. First time kong makaranas ng harapang rejection. 

"Tinutulungan lang kita!" 

"Hindi ko kailangan ang tulong mo. Wag mo akong hawakan." I don't know what did I do to merit such a treatment from her but I know that I don't deserve it.

"Anya, I know that you knew that i like you, pero hindi ibig sabihin nun magkakandarapa na ako para sayo. So spare me from your bitchiness dahil kliyente niyo pa rin ako!" Inis na inis ako dear diary, napuno na rin siguro ako.

Pero hindi ko naman siya masisisi kasi hindi naman niya kasalanan na siya ang magustuhan ko.

Kasalanan ko naman na siya ang pinili kiong mahalin.

Kaya dear diary,

I give up.

-Paolo.

Ang Diary ni Jeannie PaoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon