chapter #23

1.7K 36 0
                                    

Anna's POV





Nang mga sumunod na araw ay naging abala ang lahat, kasi naman nandoon ang pinaka may-ari ng hacienda na si Don Leon. At talaga namang mausisa ang Don at talagang tutok sa pamamahala ng mga tauhan nito sa hacienda.






Lagi akung kasama sa paglilibot nito sa buong hacienda, at talagang namangha ako sa kabuohan ng hacienda. Hindi lang ito basta hacienda na puros taniman ng manga kundi ang kaubuohan ng hacienda at nahahati sa apat na bahagi. Merong taniman ng manga na roon ay ang pinaka malaking bahagi. At taniman ng piña at melon at pakwan. Ikawalang bahagi. Ang ikatlong bahagi ay palaisdaan kung saan may mga alagang sugpo, bangos at tilapia. At ang ikaapat na tahiman ng gulay, ibat ibang uri ng gulay.






Talaga namang labis akung nasiyahan sa mga nakita ko, lalo na ang taniman ng ibat ibang uri ng gulay. Ang sabi ni Nana Belen ay sa labas daw ng hacienda ay may lupa ring sakahan ang mga San Martin, doon daw nagmumula at ibang bigas na inululuwas sa maynila at ini-export sa ibang bansa. Nang mapadako kami doon ay eksaktong nag aani ang mga tao at labis ang kasiyahan nila ng makita nila Don Leon na pumaroon.






"Naku Don Leon labis po kaming natutuwa at mapadaan po kayo rito sa amin."

"Wala yon Igme saka matagal nadin mula ng huli akung mag ikot sa hacienda hindi ba?"

"Oo nga po eh,-- na hinto ito sa pag sasalita at napatingin sakin. Na alam kung napuna naman ni Don Leon.

"Oh nga pala sya nga pala si Anna Isa sa pinagkakatiwalaan kung tao dito sa mundo hahaha parang anak ko na."

Turan ng Don na kumindat pa para siguro i- assure ako

"Magandang hapon po,mam!"





"Naku wag nyo na po akung tawaging mam. Kahit Anna nalang po para po mas komportable po ako."





"Napakabait naman po ng kasama ninyo Don Leon, hindi po katulad nung artista na isinama rito ng inyong anak noon, naku po!"

Sabay sabay pang nagsalita ang kasama ni mang Igme, nasa wari ko ay negatibo ang sinasabi.

"Naku pasensya po kayo dito sa utang Don Leon at mam Anna talagang madaldal lang ho talaga ito." Si Choleng na ang buong akala ko ay nag day off.

"Choleng akala ko ay nag day off ka!" Turan ko na nakangiti dahil sa uri ng pananamit nito. May salukot sa ulo balot ang katawan ng damit pang saka.

"Ay mam kasi po pag day off ko po ay natuling ako dito sa sakahan pandagdag po sa panggastos sa bahay."Napangiti ako sa sinabi ni Choleng, napaka sipag at matulunging anak nito sa mga magulang.

"Abay napaka sipag naman pala nitong anak mo Igme, ang alam ko ay naninilbihan din sya sa mansion."

"Opo Don Leon, pag sabado po ng hapon ay nauwi po ako samin."

"Ay naku po bakit nga po pala dito namin kayo kinakausap Don Leon, ang mabuti pa po ay doon na po tayo sa kubo at ng nakainom po kayo ng sariwang buko."

Mabuti at mabait si Don Leon sa mga mga tauhan nito at talagang sa ilang araw na naisama nya ako sa paglilibot sa kabuohan ng hacienda ay labis akung namangha at natuwa dahil sa pagiging makatao ng Don.

My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon