chapter #41

1.5K 27 0
                                    

Anna's PVO...





Naiinis na ako sa sarili ko halos dalawang araw nakung parang high school student na nagtatago Pag nalaman kung paparating na ang crush ko.





Tapos pag kaharap ko na si Leo ay Mistula akong nawiwindang na animo'y laging wala sa sarili. Gaya nalang kanina. Haysss






"Ang ganda ganda naman nitong painting na ito."  Sabi ko habang pinagmamasdan ko ang painting sa hallway ng mansion. Ewan ko ba sa ilang linggo kong inilagi sa mansion ay ngayon ko lang napansin ang naturang larawan.





Larawan iyon ng isang napakagandang babae na naglalakad sa isang beach. Tapos papalubog na ang araw kaya kala mo ay talaga totoong totoo ang larawan.





Nasa ganoon akong sitwasyon ng marinig ko ang tinig ng taong nagpapabilis ng pagtibok ng puso ko.





"Mamaya ho Nana Belen pupunta ako sa hacienda pakisabi nalang po kina mang Isko magpapalit lang po ako ng damit at Pupunta na po ako."






Nataranta ako at hindi ko alam kung saan ako susuot. Ang hall way na yon ang daan papunta rin sa kwarto namin sa itaas.





Nagpalinga linga ako at wala akong malalabasan kaya naman ang huling  chance ko ay ang kurtina sa malaking bintana.





Agad akong pumasok sa kurtina na mahigit sa sampong talampakan yata ang haba kaya naman kasya ako doon.
Naramdaman kong naglalakad na si Leo patungo sa gawi ko. Ako naman ay parang batang natetensyon na mahuli ng kalaro ko sa taguan. At ng ang buong akala ko ay nakalagpas na si Leo ay dahan dahan akong lumabas ng kurtina.





Patagilid akong umibis at bigla Bigla nalang akong nagulat ng sa Pag harap ko ay nakita ko si Leo.






"So what my dearest wife doing now huh?"






Na freeze ako sa pagkakatayo ko. Ikaw ba naman na halos gahibla nalang ang pagitan nyong dalawa ay di ka maninigas.





"Anu...... Anu–––





Tsk di ako makahagilap ng maidadahilan.





"Siguro ay Sadyang tinataguan mo lang ako anu Anna? "





"––hala sya Bakit naman kita tataguan, grabe to tinitingnan ko lang kaya yong painting dito kanina tapos may nakita lang ako kaya ako nasa may bintana."





Kaloka ang mga dahilan ko! >.< maniwalang naman kaya sya doon.





"Owwsss hindi nga so anu naman ang tinitingnan ng asawa ko sa bintana aber!"




Tsk kaasar na talaga tong si Leo eh parang gisto talaga akong paaminin na tinataguan ko sya o should I say iniiwasan.




At hindi pa talaga nakontento ang loko huh, hinila nya ako at walang anu among pumasok sa loob ng makapal at mahabang kurtina.




My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now