Chapter#85

1.1K 20 4
                                    



Leo's POV.....




Mabilis kaming nakatakbo palabas ng club na iyon. Kasama ko ang lalaking tumulong sakin para labanan ang mga lalaking ewan ko ba kung gulo lang ang gusto sa buhay.




" I think they're gone!"




Napatingin ako dito at masasabi kung mukha itong foreigner. Nakangiti pa ito na animo'y natutuwa at nag eenjoy pa sa sitwasyon namin.







" Thank you!"







" Nuh! It's ok sa totoo lang eh dehado ka naman talaga sa mga yon. Masyado ka yatang sikat talaga para pag initan ng mga yon."







Nagulat pa ako ng bigla itong magsalita ng tagalog at talagang matatas ito managalog. Sa itsura nito ay mukha itong banyaga talaga at walang lahing pinoy.







" Oh bakit? Kala mo siguro hindi ako marunong magtagalog anu?"








" Oo pasensya kana kung---,"







Nahinto ako sa pagsasalita ng biglang ilahad nito ang kamay nito sa harap ko at magpakilala.







" Ah by the way ako nga pala si Norman! Norman John Pierce "







" Ah Leo, Leo---,"







" Leo San Martin!"







Sya na ang nagtuloy sa pagpapakilala ko sa sarili ko. At bahagya parin akung namangha dahil kilala nya ako.








" Sino ba ang di makakakilala sa isa sa pinakasikat na lalaki dito sa pilipinas. Tama nga sila malakas daw ang dating mo."








" Huh? what do you mean?"







Tumawa ito sa itinanong ko, Napaisip tuloy ako kung anung uri ba ng tao ang Norman Pierce na ito. At parang pamilyar ang pangalan nya na hindi ko mawari. At parang napakadami nyang alam.








" Salamat ulit sa pagtulong mo sakin. Mauuna na muna ako sayo. Next time makakabawi din ako."





At naglakad na nga ako paalis sa lugar na yon. Tinawagan ko nalang ang driver ko at naghintay sa isang lugar na di gaanong matao.






Norman's POV.....





Sinundan ko nalang ng tingin ang papalayong bulto ng katawan ni Leo San Martin. Ewan ko ba may kakaiba akung pakiramdam sa kanya. Naiinis na ewan, Pero bakit ako makakaramdam ng ganon sa kanya eh di ko naman sya ganon kakilala.




Pero atleast nagkaroon ako ng chance na makilala sya sandali. Mukhang nagiging madali ang lahat. Pagkakataon nga naman wala akung time pa para ma meet up ang Leo na yon dahil sa sunod sunod na nangyari but all off a sudden walla sa club pa kami magkakakilala.





Nagpunta na ako sa kotse ko at doon ay naisip kung magandang lalake talaga ang Leo San Martin na iyon. Matangkad, matipuno, maganda magdala ng damit. At higit sa lahat mayaman. Sobrang yaman.





My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now