Chapter 12

32 1 1
                                    

Author's note: Readers? Let's appreciate this guy with his extra ordinary side view. Christian Zach everyone~
As you see. Sa Previous Chapter lumabas na ang anak ni Cosima Frangos which is the former right hand and Family Leader of Elemental. Nag iisip pa ako ng pwedeng portrayer ni Lyxander. Haha.

**

[Kiera Zapanta's POV]

"CHRISTIAN! BILISAN MO! LATE NA TAYO! KANINA KA PA KASE SINABIHAN NI XAVIER TIGNAN MO! NAUNA NA SYA SAATEN!" rinig kong inis na sigaw ni Milky sa loob kasama si Jake na naghihintay din sa loob habang kami ni Silver nandito sa labas

"MILKY! SINISIGAWAN MO BA SI CHRISTIAN?!" rinig ko din na sigaw ni Jake sa loob

"BAKIT BA! EH SA ANG TAGAL NYA! KUNG DI KO SYA SISIGAWAN DI SYA MAGMAMADALI!" hays

"BAKIT KAILANGAN MO PA SYA SIGAWAN. MILKY! LORD NATIN ANG SINISIGAWAN MO!"

"ALAM KO! SO, ANO BOBO AKO GANON?! FYI, MAS MATALINO AKO SAYO!"

"ABA! WALA NAMAN AKONG SINABING BOBO KA AH?! EH ANO NGAYON KUNG MAS MATALINO KA SAAKEN? MAS MATAAS PA DIN RANKO KO SAYO!"

"WALA AKONG PAKE!"

"MAS WALA AKONG PAKE SAYO!"

"PANGET!"

"MAS PANGET KA!"

"BANSOT!"

"ABA! PERSONALAN NA YAN AH?!"

"BANSOT! BANSOT! BAKLA!"

"SUMOSOBRA KA NA AH!"

"Ang aga aga. Bangayan maririnig ko" rinig kong bulong ni Silver. Nagthumbs up naman ako. Nagtataka syang napatingin saaken

"Bakit?" takang tanong nya

"Wala lang. Sumasangayon lang ako sa sinabi mo" sagot ko

"Sinabi ko?" ulit nyang tanong. Hays. Ano ba naman tong si Silver

"Oo. Yung sa ang aga aga bangayan na yung naririnig mo" sagot ko naman. Mukhang may sasabihin sya kaso di na nya natuloy dahil sa sobrang lamig na boses ang narinig namin

"Tara na" sabi ni Christian habang nagbabangayan yung dalawa sa likod nya. Tinabihan ko si Christian sa tabi nya para sana kausapin sya. Kalmado naman pakiramdam ko ngayon kaya okay na to

"Ngumiti ka ha?" sabi ko sa kanya kaya naman napatingin ito saaken. Nakita ko na syang ngumiti kaya alam kong madami itong mahahakot na costumers

"Ngiti? How?" di siguro to sanay ngumiti. Kaya naman ngumiti ako saka ko tinuro lips ko

"Ganito. Try mo nga" sabi ko sakanya. Tinry nya pero parang yung ngiti lang ni Silver na pilit. Hays hirap naman pala turuan neto. Tumingkayad ako para maabot ko lips nya masyado syang matangkad para saaken saka ko inistretch yung lips nya

"Ganito" sabi ko napatingin ito saaken kaya napatingin din ako sakanya. Agad naman akong bumitaw dahil sa awkward position namin.

"G-Ganun l-lang. Hehe" medyo bulong na sabi ko. Nabigla na lang ako nung biglang may yumakap sa braso ko. Nagtataka naman akong napatingin kay Jake

"TAMA NAMAN AKO KIERA DIBA?!" pasigaw na sabi nya kaya naman medyo nilayo ko tenga ko sakanya. Saka naman luminkis din sa kabila kong braso si Milky

"HINDI! AKO ANG TAMA DIBA KIERA?!" pasigaw din na sabi ni Milky. Wala akong idea sa pinagsasabi ng dalawang to or kung ano man yun wala akong pakielam

"Stop" naramdaman kong ninerbyos yung dalawang nakasabit sa braso ko. Maging ako. Tumayo pa ata yung buhok ko sa may batok ko dahil sa kilabot na nararamdaman ko. Dahan dahan kaming humarap kay Christian. Halos mapaatras ako sa sama ng tingin nito sa dalawa. For the first time ngayon ko lang sya nakitang ganito. Bumalik din sa pagiging expressionless ito nung hinawakan ni Silver yung balikat nya

One Lucky Monster [HIATUS]Where stories live. Discover now