Chapter 13

35 1 1
                                    

Author's note: Milky Navidad at the Multimedia. So pretty isn't she? *^*

**

Hapon na kaya naman sama sama kami nina Christian. And nakasuot pa din netong costume namin. Sabi kase ni Class Pres baka daw manalo kami and kailangan namin umakyat sa stage kaya mas maganda kung ganito na muna daw

Halos kalahati ng booth puro mga food shop o di ka mga cafe, may planetarium, horror both, marriage booth, detective booth, natawa ako nung makita ko yung tatlo kong classmate na nakasuot pa talaga ng Detective Conan saka yung Sherlock Holmes pati si Dr. Watson. Mga loko loko

"Kiera? May balak kang puntahan?" tanong ni Milky kaya naman umiling ako. Medyo nailang pa ako nung mapansin kong nakatingin pala halos saamen

"Kayo ba?" tanong ko

"Gusto ko kumain" rinig kong sabi ni Jake na sumangayon naman si Silver saka Milky. Sabagay busog na siguro si Xavier

"Ikaw Christian?" tanong ko tumingin naman ito saaken

"I want to eat" sagot nito kaya napagdesisyonan namin na kumain na lang sa mga food standee na nandito

"Yay! Buti na lang may naisipang mag tayo ng Pancake shop" masiglang sabi ni Milky habang patalon talon na lumapit saamen. Oo nga pala favorite nya yun

"Kiera oh. Lord eto pong sainyo" napakunot noo ako sa asal ni Silver. Sobra naman atang galang ng lalaking to kay Christian? Kumpara kina Jake na di ko alam kung ginagawa nilang biro ang lahat

"Any problem, Kiera? Kanina ka pa nakatitig kay Silver ah?" rinig kong tanong ni Jake kaya napatingin ako sakanila. Nakatitig saaken si Milky tapos nakakunot noo naman si Xavier

"I can't read you" sabi nito. Buti naman

"Wala. May naisip lang. Sige na kain na tayo" nagkibit balikat na lang sila

Malapit ko ng maubos yung kinakain ko nung dumating si Lizzy. Ilang araw ko na ding hindi nakakasama to

"Hi guys!" bati nito saamen kaya naman binati din sya nitong lima

"Break mo?" tanong ko

"Oo. Salamat nga eh. Maghapon akong nakatutok sa laptop. Jusme. Di pa nag tatally kanina yung nga binabudget ko. Nga pala mamaya na yung awarding ah? Bakit di ko na ata nakikita yung iba nating classmates?" tanong nito habang dumadampot sa kinakain namin

"Nanjan lang siguro sila, naglilibot" sagot ko naman. Break kasi ng lahat ngayon. Saka di na ata bubuksan yung cafe. Wala na din kaseng stocks

"Nakita ko si Zeus kanina may kasamang lalaki. Ang gara nga eh. Kulay green yung buhok" sa sinabi nyang yun biglang nanikip yung dibdib ko feeling ko di ako makahinga sa sobrang kaba, napansin naman nila yun kaya agad nila akong nilapitan. Fuck, anong nangyayari saaken

"Kiera! Anong nangyayari sayo!" rinig ko pang sigaw ni Lizzy. Feeling ko hinihigop ako ng kung ewan hanggang sa pagmulat ko nasa isa akong garden. Shit. Nasaan ako?!

"Lizzy! Milky! Christian! Nasan kayo? Silver? Xavier! Jake!" sigaw ko pero wala namang sumasagot. Tumayo ako pero feeling ko ang bigat ng katawan ko

"Karias Landegre" napatalon ako sa kinatatayuan ko ng biglang may nagsalita pero di ko makita kung sino yun

"Hello po! May tao po ba dito? Hello? Nasaan po kayo?" tawag ko pero wala mang sumasagot. Tss. Sino ba yun?

"Lord Regis!" halos matumba ako dahil sa lakas ng sigaw na yun. Feeling ko nagkalindol dahil doon

"Hello po!" sigaw ko ulit pero wala pa din. Hays. Ano ba yan. Nasaan ba sila? Nagsimula akong maglakad pero bawat hakbang ko pabigat ng pabigat. Ano ba to!

One Lucky Monster [HIATUS]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن