Chapter 15

24 1 1
                                    

Author's Note: Silver at the multimedia

Medyo nawawala na ako sa plot and di ko na alam kung paano ko gagawin yung buong plot kaya naman nagiisip ako ng magandang magiging conflict ng kwento and ending. Pft. Nakalimutan ko yung original eh. Hahaha.

**

Nandito kami sa labas and hinihintay nanaman si Christian. Napakabagal talaga kahit kelan. Nagbabangayan nanaman sina Jake saka Milky dumagdag pa si Lyxander. Tsk

Kailan kaya matatahimik yung bahay? Hays. Anim na betlog na ang binabantayan ko. Titignan pa daw yung status ni Lyxander to make sure kung okay ba talaga sya. So PANSAMANTALA syang tutuloy muna sa tinutuluyan namin. It sucks

"Di pa ba kayo tapos jan?" nayayamot kong tanong napatingin ako sakanilang apat nung lumabas sila. Si Milky inaayos yung tie ni Christian habang si Lyxander sinusuot kay Christian yung bag nya and si Jake naman ang may hawak nung Lunch namin

"Sorry for making you wait" sabi ni Christian kaya naparolled eyes na lang ako, mukhang malalate kami ngayon. Nagmamadali akong naglakad na sinabayan naman ako ni Christian habang yung iba nasa likuran namin

Teka? Bakit ba laging ganito formation namin? Kami g dalawa ni Christian sa harap tapos sila sa likod namin. Trip ng mga to?

"Christian, kita na lang tayo mamaya" sa ibang daan na pumunta si Lyxander, mukhang papunta ng lab para sa pagkulay ng buhok nya

"Sino ngang Step brother nun? Nabanggit nya ba? May alam ba yun?" sunod sunod kong tanong na ikanakunot noo nina Milky

"Alam ko di nya nabanggit kung sino eh pero ang alam ko wala daw alam yun" sagot ni Jake na kumakain pa ng sandwich na gawa ni Lyxander marunong din kase daw magluto yun

Di na lang ako umimik saka nagpatuloy sa paglakad. My life is weird and full of fantasy. May mas weweird pa kaya na mangyayari? Ugh. Bigla kong naalala yung pagaya ko sa Amusement park. By weekend siguro

**

"Good Morning, Class. I know it's kinda weird but again we have another transferee student. Please come in" napadukdok ako sa table ko. Please sana di weird and sana di nanaman kakilala ng mga to

Pumasok na yung transferee and guess what? Lalaki nanaman. Seryoso tong tumingin sa harap, weird lang kase dalawang bag ang dala nya. Nakita ko nanaman yung malalanding mata ng mga classmates kong babae. Hays. Lagi na lang ganyan.

"Hiroyuki Sato-desu. Asdfghjklshimasu" napakunot noo ako kaya napatingin ako kay Christian na katabi ko na nakatingin nanaman sa bintana

"Ano daw?" tanong ko kaya napatingin saaken si Christian

"Please take care of me daw" walang emesyon na sabi ni Christian. Saka ko nagtaka

"Teka paano ka natuto magJapanese?" tanong ko kay Christian kaya naman tinuro nya si Milky saka si Xavier

"Huh? Paano?" di ko naman sila nakitang nagusap ah?

"Our minds are connected. Tinanong ko si Milky because you're asking" napakunot noo ako. Lagi silang connected? Wew. Nabigla ako nung may kumalbit saaken and si Lizzy lang pala

"Bes mukhang galing sa anime yang transferee oh. Sayang di na vacant seat ko" napakunot noo ako sa sinabi ni Lizzy. May Xavier na humahanap pa ng iba. Napailing ako. Pansin ko lang kanina pa ako kumukunot noo

Pinaupo sya sa tabi ni Sandra dahil pinalayas nya yung katabi nya. Napansin kong patuloy ang pagpapacute ni Sandra habang yung transferee namab halos umikot yung ulo dahil mukhang may hinahanap. Di ko na lang pinansin saka nagfocus sa dinidiscuss ng instructor sa harap namin. Di na ako mabibigla kung may transferee nanaman bukas

One Lucky Monster [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon