LOVE IN HATRED

4.3K 66 4
                                    

Bago ipagpatuloy, alalahaning ang manunulat na ito ay reyna ng typo. Pakatandaan, hindi po ako nag eedit lol.


PROLOGUE



"What are you thinking?

"This." Sapo ang aking tyan ng tumingin ako sa kaniya. Alam ko, nababakas ang kaba at takot sa aking mata. "What will happen to us.. I-If it's positive?"

Bumadha ang sakit sa kaniyang mata. "Y-you don't want the baby?"

Mabilis akong umiling. "No! H-hindi ko lang talaga alam ang mangyayari kung totoo man na... may b-baby na tayo.."

"D-don't worry. I'm here. If you are pregnant? Papanagutan kita. I love you and no matter what happen, I'll stay with you."

I sighed. Buti na lang at hindi niya ako iiwan. Hindi katulad nung iba na magpapakasasa sa sarap, pero pag dumating ang responsibilidad ay wala na. Basta-basta na lang mangiiwan sa ere. Hindi ko ata kakayanin kung mangyayari yon sakin.

Mahigpit na yakap ang aking ibinahagi sa kaniya. Siniguro kong hindi ito maiistorbo sa pagmamaneho habang yakap ko ang matipuno niyang katawan. "Thank you. Thank you. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka sa tabi ko." Halik ang pumatak sa aking ulo bilang tugon.

"You know how much I love you, Zoe. Tanga ko na lang kung iwanan pa kita."

Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam ng marinig ang sinabi niya. Malaking tulong sa akin para kumalma ang nagwawalang kabog sa aking dibdib.

Nang makarating sa condo ay agad akong dumiretso sa bathroom dala-dala ang biniling pregnancy test kit sa isang sikat na drug store. Pikit matang hinintay ko ang resulta. It was the longest fifteen seconds of my life until the PT kit shows the result.

Muli akong napapikit ng makita ang resulta.

Dahan-dahan akong lumabas ng bathroom, nabungaran siya na nakayuko sa gilid habang nakasandal sa pader.

"Zoe.." Nilapitan niya ako.

"What is it?" Bakas sa mukha niya ang excitement na kahit anong hanap ko ng pagsisisi sa kaniyang mata ay wala akong makita. Walang kahit anong bakas.

With a heavy sighed, I handed him the pregnancy test kit. Ang kaninang isang guhit na labi ay unti unting umangat dahil sa pag ngiti.

It was two red lines. And it's positive. I'm pregnant with his child.

Napapikit ako.

I'm happy. Yes, pero sa ganitong klaseng buhay, mabubuhay ba namin ang bata?

"Oh fuck! We are pregnant!" Halos magtatalon na siya sa sobrang tuwa.

Sana'y kaya ko din maging masaya tulad niya sa ganitong klaseng sitwasyon.

I want to jump and shrieked for joy.

But the danger ahead of us is ceasing me to do so.

Love in HatredDonde viven las historias. Descúbrelo ahora