Chapter 24

362 9 1
                                    

K-Drama is hooking me so bad. My apology for the delay update. Hehe!


Chapter 24

Someone like me


"Why are we here?"


Kunot noo akong tumingala sa matayog na building na pinagdalhan sa amin ni Xander. Nang lingunin ko si Eon ay parang wala lang sa kaniya na dito kami pumunta.


Baka nga siya pa ang nag-suggest nito.


"Are you kidding me? Mas madali tayong mamamatay kung dito tayo mag-stay!"


"This place is better. Sa dami ng kwarto malilito ang huma-hunting sa inyo kung saan ba kayo tumutuloy." Kumindat pa si Liam bago bumaba.


"Seryoso? Kasi, base sa kwento mo sa akin kagabi masyadong malakas ang mafia na kinalaban niyo. You're underestimating that fucking mafia."


"Just trust us, Zoe. Hindi naman kita hahayaang mapahamak." Nilingon ko si Matthew na may malambing na ngiti sa labi.


Ngingiti na din sana ako ng malakas na tumikhim si Eon bago padarag na hinawi ang pagitan namin ni Matthew. Damn. Ano na naman?


"Huwag nga kayong magsiksikan. Kitang ang init oh."


Mainit? Todong-todo nga ang aircon!


Inirapan ko ang dalawa bago sumunod kila Liam. Natabig ko pa sa mukha si Matthew nang ako'y dumaan palabas ng van.


Naabutan kong nag-che-check in na si Liam at Xander. "Are you going to stay here too?"


"No. Busy ako. Isa pa, andyan si Matthew at Eon para bantayan ka." Sabi ni Liam.


Tinaasan ko ng kilay si Xander ng hindi kaagad siya sumagot. "Janine is waiting for me. Nevertheless, Eon and Matthew can handle you." Tumikhim siya. "Makuntento ka na sa dalawa." Tinapunan niya ako ng tingik bago umalis.


What the hell is that?!


Humahalakhak na sumumod si Liam kay Xander kaya naiwan akong nakanganga.


Anong sinasabi ng gagong iyon na makuntento ako sa dalawa? Is he assuming that I am hitting on him?


Nanginig ako sa isiping iyon. Napaka-ambisyoso niya naman. Psh.


Palihim kong iniirapan ang likod ni Xander nang sumulpot si Eon sa tabi ko. "He's really hitting on my counsin, huh? Ewan ko lang kung sagutin siya ni Janine. Ayaw 'nun sa suplado."


Tsk. Sila na nga, e.


Iiling-iling na bumaling sa akin si Eon. "Wanna grab some food? May restaurant dito. Hindi na natin kailangang lumabas."

Love in HatredWhere stories live. Discover now