Chapter 35

350 7 1
                                    

@EdithadeLeon0 thank you po


Chapter 35

Pirata


Ilang araw matapos ang nangyari ay bumalik na sa dating kondisyon ang katawan ko. Damn. Ilang araw din akong nag tiis sa pananakit ng katawan at talagang ngayon lang nakabawi ang katawan ko.


Thanks to Eon dahil hindi niya talaga ako hinayaang gumalaw ng gumalaw. He must be. Siya lang naman ang dahilan kung bakit nanakit ang katawan ko.


And now, I am finally recovered. Bukod sa maayos na ulit ang pakiramdam ko'y mas naging intimate ang relasyon namin ni Eon. We're still uncomfortable though but I know, mawawala din iyon.


Nagsisimula pa lang naman kami sa mas malalim naming relasyon.


"Did you packed your things, Zoe? The gang is on the way here."


Pinanood ko si Eon habang pasalansan niyang nilalagay ang mga damit sa sariling maleta. By the way, nasa iisang room na din pala kami matutulog. Mag wo-work out ba naman itong intimate relationship namin kung hindi? Although we didn't do it again after the last time.


I told you, I have been in pain and soreness for days. Pero syempre hindi absent ang mga kamanyakisan niyang padali sa akin. He's Eon Daniel Soriano afterall. Magtataka talaga ako pag hindi niya ako minanyak sa isang araw. Psh.


Tumayo ako at inagaw sa kaniya ang mga damit niya. "Idiot. Tiklopin mo. Magugusot 'yan pag basta mo na lang nilagay ng ganyan."


Namewang siya at ngumisi. "Teach me how then, Mrs. Soriano."


Umirap ako kahit sa totoo lang ay kinikilig ako sa banat niya.


"Hindi ka talaga marunong? Ayos ah. Mabuti at hindi ka hinahabol ng plantsa."


"Actually malapit na. Thanks to my maid. If it wasn't for her, baka ulikba ang itsura ko lagi. However, will you still like me?"


"Ano?"


"If ever I look unpresentable and ugly?"


Kumunot ang noo ko. Kung ano-ano na naman po ang pinagsasasabi ni Eon Daniel Soriano.


"Of course. Tsk. Andami mo na namang nalalaman. Tulungan mo na lang ako dito."


Tatawa-tawa niyang ginaya ang pagtitiklop ko. 12am nang sunduin kami ng gang. And all of them are all present. Talagang sinisiguro nilang magiging ligtas kami sa pupuntahan namin.


Dahil sunod-sunod na ang peligrong dumadating sa amin, napagpasyahan nila Eon na huwag ng tumigil sa iisang lugar dahil hindi na safe para sa amin ni Eon.

Love in HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon