Chapter 3
Kaarawan
"Hi"
A-akala ko hindi siya pupunta?
Isang sulyap ang ginawa ko sa manlolokong birthday boy. Damn! Bakit nga ba ako naniwala sa kaniya? Nalimutan kong magkaibigan nga pala silang dalawa.
They're allies. Goddammit! Ang tanga ko talaga.
Kinagat ko ang ibabang labi.
Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na siya.
Ngunit nakakapagtakang mabilis ang tibok ng aking puso? Wala naman siguro itong malalim na kahulugan. Dahilan lamang siguro ito ng kaba dahil paniguradong kahilahilakbot na pangungulit na naman ang matatamo ko sa kaniya.
Bahagya akong napatalon ng maramdaman ang marahang pagkalabit sa akin ni Matthew.
"Zoe, akala ko naman nakasunod ka na sa akin, nakatayo ka pa pala 'dyan. Tara ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." His monolid, amber eyes sparkle in mischief. Tila mayroon siyang alam na hindi ko nalalaman.
Isang sipol ang umagaw sa aking atensyon. Mula sa lalaking may maputing balat at singkit ding mata nanggaling ang sipol.
Sadya bang mga singkit ang pinili niyang kaibigan dahil katulad niya o nagkataon lamang?
"Fuckers, you're late. Ubos na ang handa ko."
"What? Damnit! Uuwi na lang kami kung ubos na pala. Hindi mo man lang kami tinirhan! Gago ka talaga!" Sabi ng lalaking hindi ko kakilala.
Well, si Eon at Matthew lang naman ang kakilala ko sa mga taong nandito. May mga pamilyar malamang ay nakita ko na sa SU.
"Tara na." Bumigat ang aking balikat nang pumatong dito ang braso ni Matthew.
Bahagya kong inigalaw ang aking balikat upang maalis ito ngunit mas humigpit lamang ang pagkakapatong nito. Shit.
Malaki siyang tao. Magkasing taas sila ni Lucifer ngunit mas malaki ang body built ni Matthew. Hanggang baba lang nila akong dalawa.
YOU ARE READING
Love in Hatred
ActionWARNING: CLICHE! CRINGE! Zoe Nadine Fernandez has a simple life she was living for 18 years with no conflict and violence. The thing she only minded for is her grades, but as the two bad boys came inside the picture, the violence she never encounter...