3

27 1 0
                                    

"My name is Gift Helena Christensen. Nice meeting you all." I said with a smile. Pagkatapos kong sabihin yun ay napatingin ako dun sa lalaking kakapasok lang few minutes ago. Nakatingin ulit siya sakin at nag-iwas naman ako baka ano pang isipin nun. Nang matapos first class namin ay nagsimula na naman yung mga classmates namin na magchikahan including Aj and Xylein, sinilip ko naman si Chaney na tahimik parin at nakatingin ng deretso sa whiteboard. Tsk tsk halatang wala sa sarili, nakatingin pa sa whiteboard e tapos na magsulat yung teacher namin at isa pa ay umalis na ito.

Sa wakas ay dumating na rin ang teacher namin dahil di ko na ma-take yung ka-ingayan ng paligid at katahimikan ng katabi ko. Introduce yourself na naman ang ganap. This time naman ay mukhang mabait yung teacher at ang sabi niya ay new daw siya. Time na nung lalaki kanina, di ko pa alam yung name niya dahil hindi siya, i mean 'sila' hinayaang magpakilala kanina nung teacher, mukhang may galit sa kanila.

"I'm Earl Clein Carter." Earl pala ang pangalan niya, kanina ko pa kasi gustong malaman yung pangalan niya dahil baka kilala ko pala siya, hindi ko lang alam, pero after i knew his name ay na confirm ko na hindi ko talaga siya kilala.

"Thank you Mister Carter." mabait parin na sabi ng teacher. Bumalik na sa upuan niya si Earl at tumayo naman yung kaninang tumitig kay Chaney.

"I'm Sebastian Collins." ang pagkakatanda ko ay Seb ang tinawag sakanya ng mga classmates ko. Include siya dun sa mga hindi nagpakilala kanina.

"Oh so you must be--"

"Yes miss." hindi na natapos ni miss yung sinabi niya dahil sumagot na ito agad.

"Tss." napatingin naman ako kay Chaney dahil sa rine-act niya. I bet may something sa kanila.

"There's something between you and Sebastian i guess." napaharap sakin si Chaney dahil sa sinabi ko.

"I know na curious ka sa lahat ng nangyayari but i'm not in the mood to tell you. I'm sorry."

"It's okay. Don't be sorry. I'm sure naman na magkukwento si Xylein mamaya kahit hindi ako magtanong." nag-smile ako and naghalf smile siya na lalong nagpakita that she's not okay.

Napaharap nalang ulit ako sa mga nagpapakilala pero tapos na pala ang lahat.

"Tomorrow our class will start regular. So i'm expecting all of you to participate and be active durimg discussions. I won't give you too many works if you'll be active and be a great student. Thank you for today, again i'm Miss Alegro, your English teacher."

•  •  •

"Hey Gift Helena! May kasalanan ka sakin." napaharap ako sa kanya. Kasalukuyan kong inilalagay iyong bag ko sa study table ko ng bigla siyang pumasok.

"And what is it?"

"You didn't tell me na magkakilala pala kayo ni Earl. The way he stares at you, kala mo di ko nakita yun?"

"I didn't tell you because hindi naman talaga kami magkakilala, and that stare? I don't know kung bakit siya nakatingin ng ganun."

"Ano yun? My gosh. Na-love at first sight?" andaming alam nito, nakatingin lang love at first na agad.

"By the way Zamilla Xylein ikaw ang may utang sakin. Hindi mo ako in-inform na uso pala ang expression na 'gulat' or 'pagkagulat' sa school na iyon."

"Hahaha hindi din nga ako na-inform na ang salitang 'gulat' ay ngayong araw na ito babagsak."

"Ano bang nakakabigla sa mga nangyari? Una " Dito uli siya mag-aaral? Is this for real?" pangalawa "he's not with his friends? Really?" E hindi ko naman alam kung sinong 'he' ba yan at bakit ang laking issue ng pagbabalik niya. Pangatlo may nakabanggaan akong lalaki at ang sama ng tingin niya sakin wala namang sinasabi, ang creepy. Pang-apat ay classmates pala natin yung nakabanggaan ko, nabigla ako syempre tapos nabigla din lahat ng tao sa classroom. Pang-lima ay may pumasok na dalawang lalaki  at nagulat din ang lahat including si Chaney na hula ko ay may somethimg sa kanila nung Seb. Pang-anim ay habang nagpapakila ako sa harapan ay may pumasok na lalaki na nagulat bigla nung nakita ako and ofcourse magugulat din ako dahil nagulat siya nung makita ako and again gulat na naman ang expression ng mga classmates natin. What? Can you explain it to me?" Nakita ko naman siya na nakataas ang isang kilay at pinanglakihan ko siya ng mata.


"Alam mo Heli? Andami mo pang sinabi dyan, bakit hindi mo nalang ako deretsuhin at sabihin na explain ko lahat para hindi na na-expose laway mo." Natatawang sabi pa niya. Tinigna ko lang siya at nag-act siya na sinasara yung bibig niya. "Okay i'll start. That 'he' we're talking about, is the guy na pinakaunang pumasok, alam mo ba?"

"Yes, yun nga yung nakabanggaan ko na masama ang tingin pero di man nagsalita." Nanlaki naman ang mata ni Xylein "Why?" tanong ko naman.

"Nothing. Okay he's Hans Dean Emerson, ganda ng lahi no? then yung magkasama na dumating na maganda din ang lahi ay si Mark Wade Mortel at Sebastian Collins a.k.a Seb a.k.a ex ni Chaney."

"Ex pala siya ni Chaney kaya ganun pala maka-react. Bakit sila nag-break? Because i can say na Chaney still care for Seb."

"Yun din ang pakiramdam namin ni Aj na until now Chaney still care for Seb. Bitter pa nga e hahaha. But i'm sorry to say na hindi ko masasabi sayo kung bakit sila nag-break because nobody knows and yung further explanations about sa relationship nila ay mas mabuti kung kay Chaney mismo manggaling, i'm not in the right position to talk."

"I understand. Every one need some privacy."

"Oh paano mo pala napansin na may care parin si Chaney sa ex niya?"

"Bitter pa siya e kaya ibig sabihin ay may something pa. And i also told her na nakabanggaan ko yung Hans Dean tapos tinanong niya kung may kasama nung nakabangga ko then sabi ko wala dahil wala naman talaga at napansin kong na-disappoint na parang nalungkot yung expression niya at simula ng dumating yung Seb ay natulala at naging tahimik nalang siya."

"Halata talaga siya tsk tsk. Let's move on, okay and yung huling dumating ay si Earl Clein Carter ganda talaga ng lahi nang mga iyon, mabait yang Earl, ewan ko lang at bakit nakatitig sayo baka nalove at first sight nga."

"Xylein."

"Joke lang ikaw naman. So now let me tell you na silang apat ay magkakaibigan." Napa-'ahh' naman ako.

"Dati." dagdag pa niya.

"What do you mean?"

"Ano bang meaning ng salitang DATI? Ikaw talaga Heli idinamay mo pa si Justin Bieber. Dati as in noon kung baga ex."

"Yun lang? Bakit gulat silang lahat?" Tss. Oa naman ata.

"Bigla nalang nag-away yang mga yan then nagtransfer sa ibang school at ngayon ay bumalik sila dito at sabay-sabay pang bumalik but hindi pa rin sila nag-uusap. Pero si Wade at Seb ay magkasama pa rin hanggang ngayon, si Hans at Earl kasi ay hindi na talaga nag-uusap pero yung dalawa ay okay pa naman."

"Kailan nagbreak sina Chaney at Seb, nung bago pa sila umalis, nung aalis sila or after nilang umalis?"

"Nung aalis sila, pero ang sabi ni Chaney, she don't think daw na iyon ang dahilan ni Seb."

"Bakit ba nag-away yung mga yun? Baka yun ang nakasira sa relasyon nila." Malay mo diba yun pala ang dahilan.

"Yun nga ang tanong ng lahat. Wala ang nakakaalam kung paano sila nag-away-away, kung meron man ay ayaw niya sigurong magsalita." humikab si Xylein at tumayo na pagkatapos ay isinuot ang tsinelas niya "That's all Heli, i think that explains everything." nagsmile ako sakanya.

"Goodnight Heli." and she closed the door. That really explains everything.

SOREWhere stories live. Discover now