Thank God it's friday

but why?

bakit tamad na tamad ako ngayon? Friday is Lazy day ang ganap ngayon.

Sa lahat talaga ng araw ay ngayon pa ako tinamad ng ganito. May quiz kami ngayon at hindi ako nakapagreview na maayos kahapon dahil ginulo ako ng magaling kong pinsan. Ngayon naman ay tamad na tamad akong magreview.

and for the 4th time ay iniwan ko ulit ang magaling kong pinsan na dahilan kung bakit di ako nakapagreview kahapon. First day of class when we first go to school together, and probably the last too. Hanggang first day lang pala ang alarm clock niya.

Umupo ako sa isa sa mga bench, and i'm trying to concentrate sa pagrereview, pero sadyang binagsakan ako ng malaking katamaran.

"Ugh. I need to review, but i can't concentrate." tinatapik-tapik ko ang aking pisngi para medyo magising yung diwa ko, nang may biglang umupo sa tabi ko kaya itinigil ko iyon, baka pagkamalan pa akong nababaliw. Itinuon ko nalang yung pansin ko sa libro na akin hawak.

"Relax your mind. Don't think about concentrating, 'coz the more you do the hard you can't." napatingin ako sa katabi ko na bigla nalang nagsasalita, nakatingin ako sakanya pero nakatingin lang siya ng diretso sa harapan.

"Excuse me. Are you talking to someone? me perhaps?"

"Tss."

"Great answer." bulong ko sa sarili, self-support nalang. Napapahiya pa ako ng wala sa oras, nagtatanong lang naman ako para sure, baka hindi naman pala ako ang kausap at matawag pa akong assuming.

Sinubukan kong i-apply yung sinabi niya, malay mo magwork, and it did. Nakapagreview ako kahit konti, short quiz lang naman kaya okay na siguro yung kahit konting alam ko. Kasalukuyan ko ng inililigpit yung gamit ko ng makita ko si Earl na naglalakad sa di kalayuan. Tinawag ko siya at kumaway, he smiled and come near me.

"Papunta ka na ba ng classroom?"

"Yes." he answered.

"Sabay na tayo."

"Why are you with that Emerson?" tanong niya habang naglalakad kami papauntang classroom.

"Si Hans Dean? Oh, i'm not with him. Nagrereview lang ako dun tapos bigla siyang umupo." tumango-tango lang si Earl sa sinabi ko. Tumingin ako sakanya at siya naman ay nakatingin sa direksyon kung saan nakaupo si Hans.

"Oh gosh." bulong ko.

"What's wrong?"

Umiling ako at ngumiti. I forgot na ex-bestfriends pala sila. Kaya siguro nakatingin siya kay Hans nung umalis kami at tinanong niya kung bakit ko siya kasama. I'm quite close with Earl, after nung day na nakasama namin siya ni Chaney sa libary, although Chaney is quite close with him too maybe because of Seb nung sila pa. Hindi naman kami close na close pero nag-uusap kami paminsan. I can tell na hindi siya snob kaya siguro nakakausap ko siya kahit papaano.

"Nakapag-review ka ba para sa quiz?"

"Are you sure for asking me that question?"

"Ofcourse i am."

"I'm sorry miss, but you asked the wrong guy, or maybe you asked a wrong question." napatigil ako sa paglalakad na may gulat na ekspresyon, nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa aking bibig.

"Hala ang yabang. I'm not dumb Earl, gets ko yun ah. I didn't know that you can be like that Earl." nakisabay siya sa tawa ko kaya medyo napapatingin na din yung mga ibang tao samin. I see Earl as a kind & humble person, i didn't know na may kayabangan palang itinatago, expectation versus reality nga naman.

SOREWhere stories live. Discover now