4

21 0 0
                                    

"Gift!" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Chaney bakit?" lumapit siya sa akin at ipinalupot iyong kamay siya sa braso ko.

"Gift tara sa cafeteria. Diba sabi mo ililibre mo ako ngayon?"

"Sinabi ko ba talaga 'yon?" sa pagkakaalam ko ay hindi ko na siya naka-usap kahapon at tahimik nalang siya.

"Oo naman. Nakalimutan mo na agad?" Pinisil pisil niya yung braso ko at tinignan niya ako with matching 'maki-ride-ka-look' kaya napatinigin ako dun sa nakatayo na lalaki.

"A-ah nakalimutan ko hehe pasensya na."

"Okay lang. I'm so hungry na, kaya let's go." Tsaka nya ako hinila paalis. Nang makalayo na kami ay huminto si Chaney at bumuntong-hininga.

"Ililibre ba talaga kita? Kakakain ko lang sa bahay."

"No. Sa totoo lang ay kakakain ko lang din." Sagot niya tsaka ngumiti. Ngiting fake. Natawa ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Ang halata mo Chaney. Maliban sa hindi ka marunong mag-acting, hindi ka rin magaling gumawa ng palusot. Hahahaha isipin mo, ang sabi mo sa akin ay ililibre kita sa cafeteria, but you pull me papunta dito. Kung sakaling inaantok ka pa, FYI Chaney this is the gym not the cafeteria." nanlaki naman ang mata niya at napatingin sa sa paligid. She close her eyes and hit her own head, she sat down still hitting her head.

"What a lame excuse Chaney." sabi niya sa sarili niya.

"Yeah it is, pero hayaan mo na. Let's go!" Tsaka ko siya hinila patayo. Habang naglalakad kami ay patuloy niya paring ipinipukpok yung kamao niya sa ulo niya. Hinawakan ko yun wrist niya at ibinabaa iyon.

"Stop that. Bakit mo ba kasi iniwan si Seb doon?" yes, kaya ganyan yang si Chaney ay dahil si Seb yung kausap niya kanina, alam niyo na siguro kung bakit yan nagpalusot.

"Wala lang naman. Linapitan niya ako bigla, sakto naman ay nakita kitang padating kaya ayun."

"Tss."

"What?" Tanong niya sakin kaya napaharap ako sakanya.

"What?" tanong ko pabalik. Bigla lang kasing nag- 'what'

"Anong what?" tanong niya ulit.

"Sabi mo kasi 'what' e, kaya tinatanong kita kung 'what'."

"Ayst. Gulo mo!" bulyaw niya sa akin

"Mas magulo ka. May alam ka pang libre-libre dyan, e pareho naman tayong busog."

"Please lang Gift. Huwag mo ng ipaalala ang nangyari ngayong araw na 'to." Natawa naman ako sakanya at tumango. Sa dinami-dami kasi ng lugar ay dito pa sa gym niya ako hinila. Medyo malayo kasi sa gym yung building namin. Habang naglalakad kami ay ramdam ko pa rin yung pagka-disappoint ni Chaney sa sarili niya kaya hinayaan ko nalang siya.

Pagdating sa classroom ay wala pa yung first teacher namin kaya maiingay pa silang lahat. Umupo na kami ni Chaney, katabi ko pa rin siya tutal naman ay hindi nagsasawa yung dalawa sa kakasalita, buti pa si Chaney ay tahimik lang pero hindi nakakaboring na katabi.

"Oh Gift? Anyare diyan at bakit pinupukpok ang ulo? Mukha tuloy timang." natawa naman ako ng bahagya kay Aj, napaka-harsh e. Pagdating namin ay nandyan na agad si Aj, pinagalitan pa nga kami, bakit daw ang tagal namin at wala siyang kasama, hindi ko naman sinabi sa kanya yung dahilan at baka tuluyan ng ma-stress itong si Chaney, although stress na talaga ata siya dahil hanggang ngayon ay pinupukpok pa rin yung ulo niya.

"Wala. Baka may problema lang." oh ayan Chaney, pinagtatakpan kita.

"Tsk tsk tsk malala na yang si Chaney. Kahapon tulala, ngayon naman sinasaktan ang sarili, baka bukas katawan nalang niya ang mag-aral wala ng ulo."

SOREWhere stories live. Discover now