5

29 0 0
                                    

"And you!" Napatingin ako sa teacher dahil sa sigaw niya.

"Ako po?" tanong ko habang nakaturo sa aking sarili, actually it's obvious naman na ako yung tinutukoy niya 'coz she's looking at me but just to be sure ay tinanong ko na.

"Oo ikaw po. You can go with her if you want Miss, hindi mo na kailangan ibulong sa kanya. Take your bag, go somewhere with that girl, i don't care. Just go back after 1 hour, mas mabuti siguro kung sa library kayo pumunta para naman hindi kayo nakakahiya sa next teacher niyo." After niya kaming pinalayas plus ipinahiya ay sabay kaming lumabas ni Chaney. Ang tahimik niya, hindi ko alam kung galit siya sakin or nahihiya or ewan. Tulad nga ng sinabi ng teacher namin ay papunta kami ngayon sa library.

"Gift sorry ah. Nadamay ka pa tuloy sa kahihiyan ko."

"Ano ka ba. Damay naman talaga ako simula palang, kasi kung hindi kita pinatawa hindi ka tatawa ng malakas."

"Hahahahaha. Ikaw kasi e hahahaha. Nakakatawa ka." Tinakpan ko yung bungaga niya dahil ang lakas na naman ng tawa niya.

"Please keep quiet ang stop laughing Chaney. Baka marinig tayo, at madala pa sa Guidance ng wala sa oras." hinawakan niya yung wrist ko at ibinaba ang kamay ko. Mukhang tama nga yung sinabi ni Aj na parang nababaliw na siya.

"Okay i'll stop *sigh* grabe talaga."

"I really don't know kung ano kintawa mo sa sinabi ko."

"I don't know too, basta natawa lang ako hahaha." napailing nalang ako, and then we enter the library, walang students dito dahil class hours. "Ka-badtrip si Miss Dess, sinasama niya tayo sa pagka-badtrip niya."

"Ganun ba talaga yun? or sadyang badtrip lang siya kanina?" Kinuha ko yung isang Biology book. Sinundan ko si Chaney na pumunta sa kabilang shelf.

"Madalas ganyan siya, laging nakakunot yung noo kaya ang tanda ng itsura kahit bata pa." Sinusundan ko lang si Chaney hanggang umupo siya ng wala man lang kinuhang libro.

"Wala kang kinuhang libro?"

"No need. May baon ako." Tsaka niya inilabas ang isang pocket book. Napaka-teenager talaga ng isip. "This is my own kind of book. That kind? na-uh." Patukoy niya sa Biology book na kinuha ko, na may kasama pang hand gestures na parang ayaw niya talaga.

Habang binabasa ko ang Biology book ay walang pumapasok sa utak ko, nakakasawang basahin, feeling ko nababaliw at na-iistress ako ng todo habang si Chaney ay tawa ng tawa, ngumingiti-ngiti at minsan ay pumapadyak pa sa ibaba ng mesa.

"Punta lang akong CR." pagpapaalam ko sakanya, nababagot na kasi ako sa loob kaya magpapahangin muna ako but it's true that i'm going to the CR naiihi kasi ako.

Paglabas ko ng CR ay nakita ko yung classmate ko na nagmamadali at may dalang bag, si Earl to be exact.

"Earl!" tawag ko sakanya, napalingon naman siya at parang nabigla pa nga sa pagtawag ko. Lumapit ako sa kanya at siya naman ay nakatingin lang ng deretso sa akin. Ang ganda talaga ng mata niya, napaka-komportableng tignan. "Napalayas ka din ba ni Miss?" Kumunot-noo lang siya kaya napakunot-noo din ako.

"Napalayas ni Miss? I'm sorry i'm already late sa first class ko. May i excuse myself?"

"Oh you're definitely right, late ka na talaga. Tss alam mo naman palang late kana, bakit papasok ka pa?" Napaka-loyal naman sa pag-aaral nito, i bet papalayasin din naman siya ni Miss.

"Kahit late ang isang student, kailangan niya paring pumasok sa class niya. As a student, that's our responsiblity.

"I know." Parang may pinaparinggan ang isang 'to and i think it's me.

SOREWhere stories live. Discover now