Chapter 25-The Training pt.2

3.4K 84 8
                                    


Tracey's POV


Nang marinig namin ang tunog ng baril na nagsisilbing simbulo na umpisa na ang laro ay nagsi kilos na kaming lahat. Naghiwa-hiwalay kaming lahat katulad ng napag usapan. Ang lugar na pinag ganapan ng aming laro ay tila isang gubat. Napakaraming puno at napakalawak. Itinali ko ang flag na hawak ko sa aking braso. Hindi ito masyadong mahahalata dahil nakasuot ako ng isang leather jacket.




Inilibot ko ang aking paningin at humanap ng magandang pwesto. Napangiti ako ng makita ko ang pinakamataas na puno na di kalayuan sa akin. Dali dali ko tong tinakbo at saka mabilis na umakyat. Ngayon gusto kong magpasalamat sa anak ni Manang dahil tinuruan ako nito kung paano umakyat sa puno. At heto ako ngayon at mabilis na inakyat ang pinakamataas na puno hanggang sa pinakamataas na sanga nito.



Mula dito sa taas ay tanaw ko ang buong kagubatan. Nice! Maganda ang napili kong pwesto, dahil mula dito ay tanaw ko kung nasaan ang ibang team maging ang iba kong kamyembro.


Nakitang kong may isang myembro ng Team C ang malapit sa pwesto ko. Si Lizty, siya yung isa sa mga pinakamayabang sa amin bukod kay Elliot at kay Raymond na leader ng Team B. Tanaw ko ang flag niyang nakatali sa kanyang ulo. Psh mukha siyang gangster nung 90's. patungo siya sa bandang kanluran. Kung saan papalapit sa aking kinatatayuan. Nakita ko din si Elli na makakasalubong ang isang lalaki na myembro ng Team B. Mga ilang kilometro nalang ay magkakasalubong na sila. Kita kong itinago ng lalaki ang flag sa kanyang bulsa. Psh. Easy to get.




"Elli! Naririnig mo ba ako?" tanong ko dito mula sa aming device upang magkaroon kami ng komunikasyon. Ang bawat myembro ng Team A ay may ganito, bago magsimula ang laro ay bingyan kami ni Elli ng tig-iisa. Isa ito sa mga imbensyon ni Elli. She's a techy at malaking tulong ito sa aming upang magkaroon ng komunikasyon. It was not consider as cheating dahil wala naman sa nabanggit na rule na bawal gumami ng device kundi ang nag-iisang rule lang ay bawal pumatay.



"Oo, naririnig kita. Bakit?" sagot nito sa akin.




"Sa iyong harapan ay may makakasalubong kang isang member ng Team B, si Randy at ang flag niya ay tinago niya sa kanang bulsa." Bulong ko dito. Baka kasi marinig ako ni Lizty, mahirap na. Ang napag usapan namin ay may isang magsisilbing look out at ako ang napili nila dahil may matalas akong paningin.


"Copy. Salamat Tracy, mag-iingat ka."



"Sige." Muli kong inilibot ang aking paningin at nakita ko naman si Maris, ang isa sa aming kamyembro. May nakamasid sa kanya ngayon na nagtatago sa likodd ng puno na malayo layo sa kinatatayuan nito.


Salamat nalang at ang punong ito ay nasa kalagitnaan ng gubat kaya kita ko ang lahat.



"Maris, may nakamasid sayo mula sa ikalimang puno sa iyong kaliwa."tugon ko dito at kita ko namang naging alerto siya at pumulot ng isang mahabang kawayan na nakita nito. Hinayaan ko muna si Maris at ang sunod ko namang hinanap ay ang isa pa naming kamyembro na si Cris.



"AISH! I'M SO TIRED NA! I FORGOT TO TIE MY HAIR! ARGH! I'LL USE IT NA NGA LANG!"  Naagaw ng pansin ko ang conyo at mayabang na si Lizty na di ko namamalayang nasa ilalim ko na pala. Nakatalikod ito sa akin, at di mapigilang di mapangiti sa naisip ko. Habang sinusuklay nito ang blonde niyang buhok, ay dahan dahan akong bumaba ng puno ng di gumagawa ng anumang ingay. Well sanay na akong kumilos ng tahimik dahil iyon ang palagi kong ginagawa kapag tumatakas ako sa amin. Pero WOW ha! Sa ganitong sitwasyon nagawa niya pang magdala ng suklay. Kala niya naman magagamit niya yun upang ipang laban. Tsk.



Nang ilang dipa nalang ang layo sa akin ni Lizty na kasalukuyan nang itatali ang flag nito sa kanyang ulo ay dali dali kong sinungkit ang kanyang flag mula sa kanyang kamay gamit ng kanan kong kamay.


"What the hell?! Who was that?!" Bago pa sya makaharap ay agad naman akong tumalon pababa at sinalubong ang pagharap niya ng isang malakas na suntok sa mukha.




"It was me! Good bye!" sabi ko dito habang nakangiti ng matamis bago pa ito matumba at mawalan ng malay. I got a flag. YEEEY!



Muli akong umakyat sa pwesto ko ngunit bago pa ako makataas ay may humigit ng malakas sa paa ko dahilan upang di agad ako maka akyat. Nilingon ko ang humila sa paa ko. Psh! Si Ethan pala ng te eh! Shems! Di ko namalayan ang pagdating ng isang ito! Kainis.




"Where do you think you're going?!" sabi nito sa akin ng may ngisi sa kanyang labi. Di ako makaakyat sa puno dahil napakalakas ng pagkakahigit nito. Kumapit ako ng madiin mula sa isang sanga at ginamit ko ang isa kong paa upang sipain ang kamay nito ngunit nasalag nito kaya hawak hawak na rin nito ang isa ko pang paa. Aish! Ang malas malas. Lalong lumakas ang pwersa ng paghigit nito dahil dalawang paa ko na ang hawak nito.



"Not so fast babe." Kasabay ng kanyang pag imik ang napakalakas na paghigit nito sa paa ko dahilan upang mapabitaw ako sa puno at sumalampak sa lupa. Bwiset ka Ethan! Ang sakit ng balakang ko huhu.


"Babe, where's your flag? Give it to me para di ka na masaktan pa. Sayang ang ganda mo eh." Psh! Napakalandi naman ng isang ito.


"Guys. I'm very sorry. Nakuha nila ang flag ko."  rinig kong sabi ng kamember kong si Harlon mula sa aming device.



"Kuhanin mo kung kaya mo. And don't call me babe, coz I'm not a pig." dali dali akong tumayo kahit masakit ang balakang ko at madali ko siyang sinipa sa where it hurts the most niya. Kaya ayun nagpagulong at nagsisigaw siya sa sakit, ako naman ay dali daling lumapit sa kanya at kinuha ang flag nito sa kanyang jacket at saka nagtatakbo.



"Goodbye Babe! Thanks for the flag! HAHAHAHA!" sabi ko habang kumakaway pa dito.




"ARRRRGH! PAGBABAYARAN MO ITO TRACY" sigaw nito pero di ko na pinansin.




"Guys, I think kailangan kong humanap ng ibang mataas na place dahil di na safe sa mataas na punong yun." tugon ko sa kamembers ko gamit ang device, ang respond naman sila kaya eto patuloy akong naghahanap ng mataas na place para maging look out.



To be continue...

Please vote and comment guys! Thanks!


-Jheykelle




The Mafia Princess (EDITING)Where stories live. Discover now