Chapter 36-The Dragon's Crest

3.1K 86 12
                                    

Third Person's POV

Kasalukuyang nasa office ni Master Towo si Kiyukki at Daeyan upang ipakita ang kanilang natagpuan mula sa kanilang paghahanap ng code.

"Where did you get that key?!" Bakas sa mukha ni Master Towo ang pagkagulat ng makita nito ang kwintas na bit bit ni Kiyukki.

"I got it from here." Sagot ni Kiyukki dito sabay taas ng kahon na ibinigay sa kanya ng kanyang ama. Agad namang tumayo si Master Towo at dali-daling lumapit kay Kiyukki upang tingnan ang hawak nitong kwintas.

"Is it real?" Manghang banggit ni Master Towo dito. Agad namang nagbago ang mukha ni Kiyukki. From normal, it turns from being poker.

"Malay ko. Tsk. Kaya nga kami nandito upang itanong kung para saan ang susing iyan e. And we are going to ask about this files." Sagot ni Kiyukki sabay turo sa bitbit na mga folders ni Daeyan.

"Daeyan! Papuntahin mo si Ariselda at Lenivee dito. Ngayon din." Utos ni Master Towo sa kanyang anak. Ipinatong muna nito ang hawak na folders sa lamesa ng kanyang ama bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang mga ito.

"Saan niyo ito natagpuan?" Patungkol ni Master Towo sa folder na dala dala nina Kiyukki.

"At Dad's Office." Maikling sagot ni Kiyukki, habang si Master Towo naman ay tinitingnan isa-isa ang mga files.

"Those files are confidential. Hindi ito dapat makita ng sinuman maliban sa leaders ng mafia. Kung kaya't hanggat maaari ay tayo lang ang makakaalam." Tugon ni Master Towo sa dalawa.

Agad namang lumapit sa kanila si Daeyan habang itinatago sa bulsa nito ang kanyang cellphone.

"Dad, sino ba 'yang mga nasa files na 'yan? Si Sheena lang 'yung kilala namin 'dyan eh. Kenshin's mom and we found some formulas and blue prints sa file ni Sheena." Tugon ni Daeyan atsaka naupo sa silyang nasa tapat ng desk ni Master Towo. Ganun din ang ginawa ni Kiyukki at tinapatan ng upo si Daeyan mula sa isa pang bakanteng silya.

"The formula?! Wait let me check." Dali dali namang binuklat ni Master Towo ang files ni Sheena at doon ay natagpuan niya ang tinutukoy ni Daeyan.

"Ang formula ng-" napatigil sa pagsasalita si Towo ng biglang pumasok ang dalawang babaeng nasa edad na 36-37 na. Si Lenivee at Ariselda.

Sabay na nagbow ang dalawa bago nagsalita.

"Anong maipaglilingkod namin Master Towo?" Tugon ni Ariselda kay Towo.

"Kiyukki, ipakita mo kay Lenivee ang kwintas." Utos ni Master Towo kay Kiyukki. Agad namang inabot ni Kiyukki kay Lenivee ang kwintas.

"Hindi ba't ito ang-" Tugon ni Lenivee at Ariselda at bakas sa mukha ng dalawa ang pagkagulat at pagkamangha.

"Tama kayo. Iyan nga ang susi. Kaya ko kayo pinatawag dahil gusto kong siguraduhin mo Lenivee na iyan nga ang susi ng Dragon's Crest at ikaw naman Ariselda. Check this files and these formula." Utos nito sa dalawa agad namang tumango ang dalawa. Kinuha ni Lenivee ang isang magnifying glass at isang brush at powder mula sa cabinet ni Master Towo habang si Ariselda nama'y lumapit sa folder at isa isa itong tiningnan.


"Okay? So pwede niyo na bang iexplain ang lahat?" Sarkastikong tugon sa kanila ni Kiyukki dahil bakas na sa mukha nito ang pagka-inip.

"Ang files na nakuha niyo ni Daeyan ang dating pinakamalalakas at pinakamagagaling na member ng Dragon Crest Mafia. At ayon nga sa inyo ay kabilang dito ang ina ni Kenshin. Si Sheena ang gumawa ng blue prints at formula na nakita ninyo. Ang blue print na iyon ay para sa Dragon's Crest." Paliwanag ni Master Towo. Sandali itong natigilan ng lumapit si Lenivee sa kanila upang kumpirmahing tunay ang kwintas.

The Mafia Princess (EDITING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora