CHAPTER 13

25.5K 360 12
                                    

CHAPTER 13

TRUTH BEHIND

"Mahal ko po ang anak niyo tito." sabi ng binata sa ama ni Andrienne.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ang anak ko. Malaki ang tiwala ko sayo at sa totoo lang gusto kita para kay Andrienne. Kaming dalawa nang asawa ko ay boto para sa inyo kaya tutulungan ka namin para makuha mo ang loob ng aking anak." sabi ng ama nito.

"Opo tito. Gagawin ko po ang lahat para mapasaya ang anak niyo. Hindi ko po siya sasaktan. Pangako po yan. Mahal na mahal ko po si Andrienne at sana po sa pagbalik ko ay matuloy po ang plano natin" sabi niya pa

"Makakaasa ka diyan ijo. Aalis na ako may meeting pa akong pupuntahan. Aasahan kita uli . Mag iingat ka at papakasalan mo pa ang anak ko" natatawang sabi ng matanda at umalis na sa kanyang harapan

Para naman siyang nanalo sa lotto dahil sa nalamang gusto din pala siya ng mga magulang nito para sa kanilang nag iisang anak. Pati nga sariling mga magulang nang binata ay hindi din tutol sa kanya bagkus ay tutulungan pa nga daw siya nito para mahalin siya nang dalaga.

Oo, baliw na baliw na talaga siya sa dalaga una niya pa lamang itong makita sa university nila. Para itong isang mangkukulam na bumihag sa kanyang puso sa isang tingin pa lamang.

Ang ganda naman talaga kasi nang dalaga. Lahat na yata nang katangian na gusto niya ay narito na. Maganda . no erase that. Hindi siya maganda lang kundi para siyang isang Dyosa definetely gorgeous. Sexy. Matangkad, Mabait. Talented. Mapag-alaga. Those beautiful hazel eyes na bumihag sa puso niya. Kaya hindi naman imposible na ikina resulta na marami itong mga tagahanga.

Sa tuwing nalalaman niya na may nagtatangkang manligaw dito ay nagagalit siya. Hindi pwede. Walang pwedeng manligaw sa pag aari niya. Dahil sa kanya lamang ito. Walang pwede ang makahawak sa babaeng mahal niya maliban sa kanya.

Kaya naman ang ginagawa niya ay binabalaan niya ang mga lalaking may gusto sa babaeng mahal niya na kapag itinuloy pa nila ang balak nila ay mawawalan nang negosyo ang kanilang pamilya. Mabuti naman at natakot ang mga ito at sumunod. Kaya hindi na rin siya nahirapan sa bakuran ito kahit sa malayo man lang.

And that day come. Yung araw na hinila niya ang dalaga sa isang madilim na stock room. Yun yung araw na huli niya itong nakita at iyon din ang araw nang pag alis niya.

Nung nasa Greece siya ay nagsanay talaga siya nang mabuti para sa pagiging CEO niya sa kumpanya nila. Ang pamilya nila ang pinakamagaling sa lahat sa larangan nang negosyo. Kasunod nito ang pamilyang Giovanellie. Ang pamilya nang babaeng kinababaliwan niya.

Ginawa niya ang lahat at yun nga naging isang matagumpay na negosyante siya pagkalipas nang isang taon. Ginawa niya talaga ang trabaho niya nang mabuti para sa pagbabalik niya ay ang dalaga na lang talaga ang kanyang iintindihin.

Ang dalaga ang kanyang inspirasyon sa lahat nang bagay para siya ay mag pursigido at sa wakas nagawa niya din naman. Hindi mawala sa isip niya ang dalaga sa loob ng maraming taon kaya sa tuwing namimiss niya na ito ay tinitingnan niya na lamang ang larawan nito.

Hanggang sa 4 na taon na ang lumipas at bumalik na siya. Sinalubong siya nang kanyang pamilya. Iyon ang araw bago ang kaarawan ni Andrienne. Mabuti na nga lang talaga at natapos niya ang kailangan tapusin at nakaabot siya sa kaarawan nang dalaga.

Pagkadating na pagkadating niya sa Pilipinas ay agad siyang pinuntahan nang mga magulang nang dalaga para isagawa ang kanilang plano.

"O sige papayag akong ikaw ang magte train sa anak ko para magawa mo na din ang gusto mo. Napag desisyonan na rin namin ng aking asawa na bilhan siya nang sariling condo niya bilang isang regalo at yun uunti untiin natin ang mga pangyayari." sabi ng ama nito at tumango naman sa kanya ang ginang.

"Payag kaming doon siya matulog sa unit mo basta ba wag na wag mo siyang sasaktan at pahihirapan." sabi ng Ginang

"Makakaasa kayo Tita tito. I will not hurt your daughter, wala iyan sa plano ko. I will make her fall for me."sabi niya pa dito

Ngumiti naman ang mga magulang nang dalaga

"You never failed to amused us dear" sabi nang ginang

"Yeah. sana naman matupad yang pinaplano mo " sabi ng ama nang dalaga.

"Hope so." sagot niya

"So paano ba yan , Bukas punta ka sa kaarawan niya. Magpahinga ka muna at alam naming pagod ka sa byahe." sabi ng ginang at ngumiti sa kanya pagka kwan ay niyakap siya.

"See you tomorrow ijo." sabi ng lalaki at tinapik lamang siya sa balikat. Nginitian niya lamang ito at nagpasalamat.

"Thank you for... everything" sabi nang binata.

Tinanguan naman siya ng dalawa at sinabing "We like you for our daughter Dylan. And please call us mommy and daddy pag nagin kayo na" sabi ng ginang at tuluyan nang umalis ang dalawa.

At doon nagsimula ang plano niya noong pagsapit nang kaarawan nito.

~~~~~~~~~~~~~

Wala naman palang problema eh. Planado talaga ang lahat. hahaha

The Billionaire's Obsession [R18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon