CHAPTER 18

22.4K 330 12
                                    

 Umiiyak na tumakbo ako papalayo sa lugar na iyon. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na makita ang lalakeng mahal ko na may kahalikang iba.

Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba wala siyang pakialam sa babaeng yun? Akala ko ba ako lang? o baka naman akala ko lang pala ang lahat?

Hindi ko na alam. Hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang ay gusto kong lumayo sa lugar na ito. Gusto kong lumayo sa lahat nang mga tao na nandito. Gusto kong lumayo sa kanya. Gusto kong mapag-isa.

Ang sakit sakit eh! Ang sakit sakit! Parang tinusok nang milyo-milyong kutsilyo itong puso ko sa sobrang sakit! Bakit pa ba kasi ako umasa!? Bakit pa ba kasi akong nagpaniwala sa kanya na mahal niya ako?

Ang sakit lang kasi eh! Umasa ako! Umasa ako tapos ito lang pala ang kalalabasan. Halos kabahan na nga ako kanina sa kakaisip kung paano ko sasabihin sa kanya na mahal ko siya pagkatapos ito lang pala ang mangyayari?

Tama na nga ba ang sinsasabi ko eh! Masasaktan lang ako. Lahat ng mga lalaki pare-pareho! Mga manloloko!

Fuck you Dylan! Fuck you for hurting me. Fuck you for making me fall for your trap. Fuck you for playing me!!

Habang tumatakbo ako ay bigla akong nadapa. Nabasag ko pa nga yata ang isang vase na  malaki na nakalagay sa gilid nang daan.

Fuck this thing! Pati ba naman sa pagtakbo madadapa ako!? Ang tanga ko talaga! Ang tanga tanga ko!!! Isa akong malaking tanga!

Dali-daling tumayo ako at tatakbo sana muli ng may narinig akong boses na nagsalita sa likuran ko.

"Andrienne, are you okay?" tanong sa akin nang lalaking iniiyakan ko ngayon lang.

Okay? Do I look okay? Sa lagay kong ito mukha pa ba akong okay!? How dare he ask me if I'm okay? Unti-unti akong humarap sa kanya na hindi iniintindi na ang mga luha na dumadadaloy sa pisngi ko.

Nagulat naman siya ng makita niya ang mukha ko. Ngumiti lang ako sa kanya ng mapakla.

"Sa tingin mo ba okay lang ako?" tanong ko sa kanya gamit ang malamig na tinig. Nagulat naman siya sa inasal ko. Akmang lalapit siya sa akin nang pigilan ko siya.

"What happened? Bakit ka umiiyak?" naguguluhang tanong niya sa akin. At talagang may gana pa siyang magtanong sa akin nang ganyan?

"Wala kang pakialam" sabi ko at tumalikod na ngunit hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko at pinaharap sa kanya.

Tiningnan ko naman siya ng matalim at itinulak siya.

"Stay away from me! Lumayo ka nga sa akin. Wag na wag mo akong hahawakan!" sigaw ko sa kaniya. Para naman siyang nasaktan sa sinabi ko. No Andrienne. Wag ka nang umasa. Ilusyon mo lang iyan.

"Ano ba ang problema mo?!" Sigaw niya sa akin. Nagulat naman ako sa pagsigaw niya. Agad na lumambot ang ekspresyon niya sa akin

"I'm sorry Andrienne, I didnt meant that. Please tell me anong problema mo? natin?" hingi niya nang paumanhin sa akin ngunit umiling na la mang ako

Pagak akong natawa sa tinanong niya. Problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema kong lalaki ka!

"Gusto mong malaman kung ano ang problema ko? Kung bakit ako umiiyak?! Ha?! Gusto mong malaman kung bakit ako nagkakaganito!!? Eh tangina naman pala eh!! Hindi mo alam?! sabagay hindi mo naman pala alam eh!! Kasalanan ko naman din kasi eh! Kasalanan ko!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak nang mga luha ko.

"Andrienne ..." hindi ko na siya hinayaang magsalita pa .

"Alam mo ba kung gaano kasakit? Alam mo ba na nasasaktan na ako? Alam mo ba ang mga nalalaman ko? Alam mo ba na alam ko na ang lahat? Hindi eh! Hindi mo alam! Hindi mo alam kasi mas pinili kong wag sabihin.  Alam mo ba na mahal na kita?" tanong ko sa kanya na ikinagulat niya. Dapat talaga na magulat ka. Nang hindi siya magsalita ay ipinagpatuloy ko nalang ang mga sasabihin ko.

"Oo mahal na kita. Matagal na kitang mahal. Alam ko na ang lahat. Narinig ko ang lahat nang mga sinabi nung gabing inalagaan mo ako dahil may sakit ako. Sorry kung hindi ko sinabi sayo kaagad. Pero natatakot lang naman ako eh. Natatakot akong umamin sayo. Alam mo ba na dapat ngayon ko na sasabihin sayo ang nararamdaman ko? Pero hindi ko nagawa. Alam mo ba na hinanap kita nang hinanap kanina? Tapos madadatnan ko lang pala na kahalikan mo ang babaeng iyon! Alam mo napa isip isip ako ...... Totoo ba talaga yung sinabi mo sa akin? o pinaglalaruan mo lang ako? Mahal mo ba talaga ako?" sabi ko sabay tingin sa kanyang mga mata.

Pero bakit parang saya pa ang nakikita ko sa mga mata niya? Masaya pa siya na nakikita akong umiiyak? Masaya pa siya na miserable ako?

"Andrienne It's not what you think. Hindi ko siya hinalikan. Siya lang ang nag insist pero iniwasan ko. Pupuntahan sana kita kaso hinarang niya ako at sinabing mag-uusap lang kami nung una tinanggihan ko siya pero sabi niya huli na daw iyon kaya naman pumayag ako. Pero hindi ko naman alam na hahalikan niya ako at nagkataon pa nandoon ka. " mahabang paliwanag niya sa akin. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. " Baby, you dont know how much I love you. Kaya please wag kang mag isip na hindi kita mahal. Because baby kung alam mo lang simulat sapol baliw na baliw na ako sayo. Kahit itanong mo pa sa mga magulang mo. I love you baby. Masaya ako at nalaman kong mahal mo din ako." sabi nito at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Ang kaninang sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng saya. Nang malaman ko na hindi naman niya pala yun ginusto ay nakaramdam ako ng relief. Gumaan ang pakiramdam ko. Mahal niya ako. Totoo talaga.

"Mahal mo ba talaga ako?" paninigurado ko. Agad naman siyang bumitiw sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong pisngi at tumingin sa aking mga mata.

"Ofcourse, baby. I love you. Kaya nga diba plinano ko toh? Kasi gusto ko mahalin mo din ako. At alam mo ba na ang saya saya ko na malamang natupad na pala ang pangarap ko? Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon na sa wakas ang babaeng mahal ko noon ay mahal na din ako ngayon" sabi pa nito.

Mas dumoble ang pag kabog ng aking puso dahil sa mga sinabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya at hinalikan niya naman ako.

"Thank you. Thank you kasi minahal mo ako. Thank you kasi hindi ka sumuko sa akin. I love you " sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at niyakap ako

"Hinding hindi ako susuko sayo kahit ano pa nag mangyari. Ganon kita kamahal para maghintay. Kahit pa matagal ay handa akong maghintay. Pero salamat na din at mahal mo na din ako." sabi pa nito

"Mahal kita Dylan. Sorry kung ang immature ko. Hindi ko man lang naisip na baka hindi mo naman gusto yung halik na yun" nakokonsensya tuloy ako. Ikaw kasi Andrienne hindi ka nag-iisip.

"It's okay baby. Mabuti na nga yon at mas napadali ang pag amin mo sa akin. Indenial ka pa kasi" panunukso niya.

Abat! itong lalaking toh ah. Napanguso nalang ako at akmang hahampasin siya nang makaramdam ako nang hilo.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil bigla na lamang dumilim ang paningin ko. Basta ang huli ko nalang na natandaan ay sinigaw ni Dyan ang pangalan ko at binuhat ako papunta sa kung saan.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Oh no! Anong nangyari kay Andrienne?

Abangan!

Please keep on voting guys. :*

The Billionaire's Obsession [R18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon