CHAPTER 27 : Words of Ume Kurumizawa

1K 15 0
                                    

[ C.H.A.P.T.E.R 27 ] Words of Ume Kurumizawa

*CROSS ACADEMY

“Ah! Sakura, nandito na si Rima,” gulat na sambit ni Miyamoto nang makita niya si Rima na bumaba ng sasakyan.

Naglalakad sila ni Sakura sa may ground ng mapansin nila ang humintong sasakyan sa may gate. Kaagad nilang nilapitan si Rima habang si Shiki ay kabababa lang din ng sasakyan.

“Good morning Rima! ( ^_^ )” bati ni Miyamoto sa kaibigan nang makalapit na sila dito.

“Good morning. ( ^_^ )” - Rima.

“Buti na lang at nakapasok ka na ngayon. May kailangan kaming sabihin sa’yo eh.” - Sakura.

“Ha? Bakit? May nangyari ba?” pagtataka ni Rima. Nakatitig lang sa kanila si Shiki.

“Huwag tayo dito mag-usap,” si Miyamoto na lilingon-lingon sa paligid dahil napansin niya na pinagtitinginan sila ng mga kapwa nila estudyante. “Tara, Rima sumama ka muna sa amin.” Hinila niya ang kaibigan papunta sa lobby.

Napansin ni Sakura na nakatingin lang si Shiki kay Rima. “Ano…Shiki. Mauna ka na sa room. May pag-uusapan lang kami sandali,” nakangiting sambit niya at saka niya sinundan sila Miyamoto. Wala pa rin reaksyon ang mukha ni Shiki nang umalis siya.

-----------------------------------------------------------------------------------------

*CLASSROOM

“Oh, nandito ka na rin, Shiki,” si Hinata na nakasandal sa lamesa ni Kazehaya.

Kakapasok lang ni Shiki sa classroom. Kaagad niyang ibinaba ang suot na damit panlamig. Isinabit niya ito sa sabitan na nasa bandang likod ng classroom.

“Wala kayong trabaho ngayon?” tanong ni Kou na nakatayo sa tabi ni Hinata.

“Wala. Pero mamayang uwian may naka-schedule kaming photoshoot,” tugon ni Shiki nang makalapit na siya kila Hinata.

“Pareho pala tayo. Ang dami pa naming kailangan gawin,” nakasimangot na sambit ni Kuuga na nakatayo sa tabi ni Kazehaya. Napangiti na lang si Kou bilang pagsang-ayon.

“Anong nangyari kay Kazehaya?” pagtataka ni Shiki nang mapansin ang blangkong mukha ng kaibigan.

“Paano ba naman hindi magkakaganyan ‘yan eh, nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Sawako,” tugon ni Hinata. Ikinwento niya ang mga nangyari base sa pagkakakwento ni Kazehaya sa kanya.

-----------------------------------------------------------------------------------------

*CROSS ACADEMY ROOFTOP

“Si Sawako?! ( O___O )” gulat na sambit ni Rima.

Sa rooftop ng eskwelahan nagpunta sila Miyamoto. Doon nila napiling mag-usap para walang makaabala sa kanila.

“Oo. Hindi niya sinasabi pero alam naming may hindi magandang nangyari,” si Sakura na mababakas sa mukha nito ang pag-aalala. 

“Ba-bakit?! Ano bang nangyari??" - Rima.

“Iniwanan namin sila Sawako at Kazehaya kahapon dito sa school kasi nga may ipinapagawa sa kanila si Mrs. Kana. Napagpasyahan naming pumunta sa cake shop nila Miyamoto. Habang kumakain kami, biglang tumawag sa’kin si Sawako. Ayon na nga, pinapakuha niya sa amin ‘yung bag niya sa school kasi naiwanan niya. Bigla daw kasing sumama ‘yung pakiramdam niya kaya nauna na siyang umuwi.” -  Sakura.

When Their Worlds Collide (Anime FanFiction)Where stories live. Discover now