CHAPTER 51 : For Better And For Worst

860 4 8
                                    

[ C.H.A.P.T.E.R 51 ]  For Better and For Worst

Biglang tumayo si Miyamoto habang nasa kalagitnaan ng klase. Humarap siya sa likod at saka nagsalita, "Shiki!" tawag niya sa binata dahilan para tignan siya nito ng diretso. "Please. Iligtas mo si Rima. Nagpunta siya sa Igarashi Mansion para kausapin si Tora." Nanginginig ang boses niya sa dahilang malapit na siyang maiyak.

Nanlaki ang mga mata ni Shiki dahil sa narinig. Kaagad siyang tumayo at saka umakyat sa lamesa ni Kuuga na nasa tapat ng bukas na bintana. Dahil sa ginawa niya ay lalong natakot si Kuuga.

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Shiki lalo na ang kanyang mga kaibigan. Nilingon niya si Kazehaya sabay sabing, "kayo na ang bahala sa mga kaklase natin."

"Maaasahan mo 'ko, Shiki!" nakangiting tugon ni Kazehaya.

At mula nga sa ikalawang palapag, hindi nagdalawang isip si Shiki na tumalon hanggang sa ground floor ng quadrangle ng eskwelahan. Lahat ng kanyang mga kaklase at maging si Mrs. Watari ay sumilip sa bintana. Lahat sila ay namangha sa pagkakatalon ng binata. Lalong nagustuhan ng mga babaeng estudyante si Shiki dahil sa malinis nilang pagkakatalon.

Nang makatalon na si Shiki ay kaagad siyang tumakbo ng napakabilis palabas ng gate ng Cross Academy.

"Wow... Ang cool talaga nya!" sigaw ng isa sa mga babaeng estudyante.

"Oo nga eh! Nakaka-inlove talaga!" kinikilig na dagdag pa ng isa pang babae.

"Okay, class. Bumalik na kayo sa mga upuan niyo. Siguro ay nagkaroon lang ng emergency kaya huwag na kayong magkagulo dyan," saway ni Mrs. Watari nang bumalik na siya sa teacher's table.

"Maraming salamat, Mrs. Watari," nakangiting sambit ni Miyamoto.

"No problem!" mabilis na tugon ni Mrs. Watari na kinindatan pa ang kanyang estudyante.

"Goodluck, Shiki," mahinang sambit ni Kazehaya nang makabalik na siya sa kanyang upuan.

Bago tuluyang umupo si Sakura, hinawakan muna niya ang kamay ni Sawako na nakaupo na. Nakita niya  kasi na hindi pa rin nawawala ang pag-aalala nito para kay Rima. "Huwag ka ng mag-alala, Sawako. Babawiin na siya ni Shiki. Kailangan na lang nating magtiwala sa kanila." Nang makita niya na tumango ang kanyang kaibigan bilang tugon ay umupo na rin siya.

Muling tumingin si Sawako sa bintana na katabi lang niya. Sa isip niya, "Shiki, ikaw na ang bahala kay Rima."

"Oy, Kuuga. Okay ka lang?" usisa ni Kou na naupo muna sa pwesto ni Shiki. Napansin niya kasi na parang nahihilo ang kanyang kabanda.

"A-ang... li-libro 'ko..." si Kuuga na tila hihimatayin na nang makita ang bakas ng sapatos sa kanyang libro na nakapatong sa kanyang lamesa.

------------------------------------------------------------------------------------------

Habang tumatakbo si Shiki, kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at kaagad tinawagan ang kanyang driver. Napahinto siya sa pagtakbo ng makarating siya sa crossing na daan kung saan kailangan niya maghintay na maging kulay pula ang stop light sa tapat niya.

"Hintayin mo 'ko sa tapat ng convenience store malapit sa MRT Station. Papunta na 'ko do'n," kaagad ibinalik ni Shiki ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa nang makita niyang naging kulay pula ang stop light at kaagad siyang tumakbo papunta sa kabilang kalsada. Hindi niya pinansin ang mga taong nakatingin at nakakakilala sa kanya. Isa lang ang mahalaga, ang mailayo niya si Rima kay Tora Igarashi.

When Their Worlds Collide (Anime FanFiction)Where stories live. Discover now